Chapter 28 - We don't even know what we argue about..

1.4K 39 3
                                    

Hindi ko alam kung saan kami nagsimulang maging ganito. Okay, sige, baka alam ko.. Nung after nung lintek na ball nila?? Naguusap naman kami, pero damang dama ko yung lamig. Ang lamig lamig na nya. Iba na sya. Hindi ko maisip kung anong nangyari.

Sa tuwing tinatanong ko sya kung anong problema, wala naman daw. Lagi din kaming nagaaway. Dahil sa mga walang kwentang bagay. At kahit na alam kong sya ang may kasalanan, ako na lang din ang nagsosorry para lang magkabati na kami. Pero imbes na maging masaya kami after the fight, parang wala na ung 'kiss and make-up' part. Parang, okay, bati kami. Yun lang. Wala na yung sweetness after mag-away. Hindi ko alam bakit naging ganito kami.

Tuwing nakikita ko sya sa tv nya, mukha naman syang masaya. Mukhang walang problema. Pero tuwing napapanood ko na tinatanong sya tungkol sa 'non-showbiz girlfriend' nya, ang sagot nya lang lagi "no comment" or "let's not talk about it". Kung hindi man ganun, ngingiti lang sya sabay 'next question' na lang daw. May something diba? Sabihin nyo nga, may something diba? Anong meron??

Pati mga friends ko sa Manila at dito na nakakaalam na kami ni Sky, nagtatanong kung bakit daw ganun na lang ung mga sagot nya tuwing tinatanong ung tungkol samin. Hindi ko din alam ang isasagot ko. Kasi ako mismo hindi ko naman alam kung bakit ganun. Sa social media sites nya hindi na din sya showy. Kung magpopost man sya, yung mga post na hindi related samin. O kaya un mga post lang na parang may pinapahiwatig.

Eto na nga ba sinasabi ko e. Kaya natatakot ako nung una e. Kasi alam kong ganto ang mangyayari. Nakakaiyak naman. Ano ba to.

Nagmessage ako sakanya, gusto ko na kasi sanang sabihin sa kanya yung ‘good news’. Alam nyo na, baka sakaling ‘hulog ng langit’ talaga yung balitang yun. Baka sakaling, magkaayos kami pag nalaman nya.

Halos midnight na sa Manila, siguro naman nakauwi na sya galing sa trabaho nya.

Me: Kin.

Medyo matagal ang reply nya.

Sky: Ow?

Me: Still at work?

Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Parang bigla akong nahiya. Ewan ko ba!

Sky: Nope. Bahay lang. Nacancel kasi yung taping kanina lakas kasi ng ulan.

Me: Ah, ok. Sleep ka na? :)

Sky: Not yet.

Biglang kumirot yung dibdib ko.  Iba yung pakiramdam ng mga sagot nya.

Me: Skype tayo, you want?

Try lang na tanong, baka sakaling pumayag. Hindi na din kasi kami nagsskype masyado e. Mga ilang linggo na din siguro. Hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa kanya yung ‘good news’.

Sky: Oks.

Tinawagan ko sya sa skype.

"Hi." sabi ko.

Ngumiti lang sya.

Ilang minuto pa ang lumipas, wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Ano bang gagawin ko?

"Sky/Lexi" sabay naming sinabi.

“Ikaw muna.” Sabi nya.

“Ay. Sige ikaw muna.” Sabi ko.

"Ayoko na." bigla nyang sinabi. Bigla naman akong nanglamig. Ang bilis ng heartbeat ko. Tama ba ung narinig ko?

"Ha?"

"Ayoko na." nangingilid na yung luha ko pero kailangan kong pigilin. Di nya dapat makita na mahina ako.

"Ha? Anong ayaw mo na?" Hindi ako papayag. Hindi dapat ganito.

“Itigil na natin to.” Sagot nya.

Itigil?? Pano? Pano mo nasasabi yang ganyan, Sky?

“Ha? Ah eh.. Sigurado ka ba sa sinasabi mo?”

“Oo.”

Hindi ko alam saan ako huhugot ng lakas. Pinipigilan kong umiyak. Ang sikip sikip sa dibdib.

Hindi naman nya sasabihing ayaw na nya kung hindi totoo diba? Hindi naman marunong magbiro to ng ganun eh. Kilala ko sya. Hindi sya gagawa ng kahit ano na makakasira samin. Ngayon lang. Eto lang.

Ngumiti ako at sumagot. “Ayaw mo na? Satin? Sakin?” 'Sa amin..?' Mahinang sabi ko.

“Sorry.” Sabi nya sabay end ng call.

Natulala ako. Hindi ko alam kung tama ba yung nangyari. Hindi ko maramdaman ung sarili ko. Nakatitig lang ako sa picture nya sa skype. Inaantay na baka tumawag ulit sya at sabihing joke lang ang lahat.

Pero wala..

Naramdaman ko na lang na tumutulo na pala ang mga luha ko. Naalala ko kasi na may sasabihin ako sa kanya..

Humawak ako sa may tyan ko, sabay bulong sa sarili ko “I’m pregnant..” at dun na lalong bumuhos ang mga luha ko.

Halo halong emotions ang nararamdaman ko ngayon. Nun nalaman kong buntis ako mga ilang araw na nakalipas. Positive. Ang dahilan kung bakit madalas ang pagsusuka at pagkahilo ko this past few days. Yun na pala yun. It was just this morning that I decided to tell him na.. I was so excited. To tell him that he's going to be a father. And that we'll gonna have a family na. Pero para akong binuhusan ng malamig na malamig na tubig, ala ice bucket challenge ba, nun narinig kong sinabi nya na ayaw na nya. Hindi ko pa man nasasabi na buntis ako, wala na. Ayaw na pala nya. Yung feeling na para kang biglang naiwan sa isang deserted na lugar. Yung ikaw nalang bigla mag-isa. Mga huni lang ng ibon ang naririnig mo. Naiwan akong mag-isa sa ere. Parang lahat ng mga masasayang emotions biglang nacorrupt, nawala na lang bigla.

'Til Infinity Runs Out [COMPLETED]Where stories live. Discover now