Kabanata 34: Don't Call Me

465 7 5
                                    

Binasa ko yung last UD. Ang bad ko! Sabi ko pala kinabukasan mag-uupdate din ako. Tss. Haha. Oks lang, wala namang nakakamiss eh. (Pessimistic mode again).

Pero dahil nakatapos din ako sa wakas ng mini-series (yung Now Playing, click the external link) na 7 chappies lang at may mga ilang nagbabasa na, masaya na ako!

Napansin ko lang. Iba talaga pag finished na ang isang novel. Siguro, mas marami talagang readers ang mas gusto non. Dito lang naman kasi sa wattpad pwede mong bitinin ng bongga ang mga readers, unlike yung mga paperback/hardbound novels, complete na talaga. Marami din ako mga kaibigan na gusto eh finished na, ayaw daw kasi nilang mabitin.

Narealize ko lang to, share ko sa inyo :)

Enjoy! :D

#####

Ang nakaraan sa TPAWWMH...

Dahil sa napakagandang speech ni Junie, nagpalakpakan ang madlang pipol with matching standing ovation pa. After the grad, kumpleto ang lahat ng loved ones niya, except for one - si Marion. Tambak daw ang trabaho nito sa office kaya hindi niya ito makakasama sa special day niya. Babawi daw siya kinabukasan. She diverted her attention to the party, only to realize that she'll never enjoy it, without Marion's presence.

Kabanata 34: Don't Call Me

From: Marion Devil

Junie, kita tayo later. Sagot ko, pa-grad ko sayo. 

Sa Blue House, 5pm. I'll wait for you.

Inis na inis na binato ni Junie ang cellphone sa kama niya. Paano ba naman, after two days pa bago nagtext ulit si Marion sa kanya. Noong isang araw pa niya inaantay ang sinasabi nitong pambawi sa absence nito noong grad day niya kaya umaakyat lahat ng dugo sa ulo niya sa sobrang buwisit na nararamdaman niya. Pinalitan na rin niya ang pangalan nito sa cellphone niya na dati ay Marion Angel. 

It's just 11am. Matagal pa ang panahon nang pag-iisip niya kung sisipot ba siya. Pag pumunta siya, hindi mararamdaman ni Marion ang pagtatampo niya. Iniisip niyang masyado siyang easy-to-get pag ganun. Kapag naman hindi siya pupunta ni magreply sa mga text o tawag niya, maaaring mas susuyuin pa siya ni Marion. 

Pambihira naman! Makapunta na nga lang para matapos na ang lahat ng 'to! Pa-hard to get ka pa, bibigay ka din naman eh. Tss. Sumasakit ang ulo ko sayo eh! sermon niya sa sarili. Nababaliw na din ang isang 'to.

Galing siya kagabi (okay, inumaga na nga pala siya so kaninang umaga) sa isang party na in-organize ng department nila. Kaya iyon, parang hinahampas ang ulo niya sa pader sa sobrang sakit ng ulo niya. Hindi naman siya uminom pero talo pa niya ang nakainom sa tindi ng sakit. Hindi naman kasi siya sanay magpuyat nang ganoon. First time, as in.

Dahil nga maaga pa, matutulog na muna siya. Nagising lang kasi siya dahil sa tunog ng cellphone niya, nung nagtext si Marion. Pano ba naman kasi, may special ringtone ito kaya isang text o tawag lang, gising na agad siya.Halos ginawa na niyang alarm clock yung . Sabi ba naman kasi sa kanya ni Marion...

"Whenever I open my eyes from my sleep, the first person I think of is you. That's why I text you to greet you a nice morning, so that I'm the first person who'll make you smile."

Nilagay na lang niya sa silent mode ang cellphone niya para makatulog ng maayos. Alam niya kasing magtetext ulit si Marion sa kanya gayong hindi siya nagreply dito. Gusto niya kasing gulatin na lang ito sa pagpunta niya.

The Papabol Angel Who Won My Heart (COMPLETE!)Where stories live. Discover now