Kabanata 19: The Unexpected

530 8 2
                                    

I MISS WATTY! ^_^

Vote and comment kayo if you feel the urge to do so! Hihi :D

Narrator/third person POV po ang buong UD na ito. ^^

########

"Mr. Delos Santos, I'm sorry but you have cancer of the prostate," the doctor said to Miguel.

Nanlaki ang mga mata ni Miguel sa narinig. Gayundin si Marion na sinamahan siya sa check-up nito.

"Doc, hanggang kailan na lang itatagal ang buhay ko?" tanong niya sa doktor.

Ngumiti ang doktor sa kanya. Kaibigan niya nga pala ito sa loob ng maraming taon.

"Hindi pa naman ganoon kalala ang sakit mo, Mike. Nasa early stage pa lang ang cancer mo. Buti na lang at maagang nadetect bago pa man magmetastasize ang mga cancer cells. But prostate cancer is one of the least aggressive type of cancer, kaya titingnan pa natin kung ano ang mas effective na management. If we found out that there will be the need to surgically-remove your prostate, I'd tell you. Sa ngayon, we'll make further tests."

Nagpaalam na sina Miguel at Marion kay Dr. Carlo Suarez. Lumabas na sila ng consultation room nito at nanlulumong naglakad si Miguel.

"Marion, mukang di ko na maabutan ang pagkakabati namin ni Junie. Just tell her how much I love her and please take care of her when I'm gone."

"Tito! Ano ka ba? Sabi nga ni Tito Carlo you'll be fine. Hindi ka pa naman terminally-ill noh. At isa pa, kahit na may mangyari pa man sa inyo, you know I can't do it."

Napatingin si Miguel kay Marion. Kitang-kita sa mga mata nito ang kalungkutan. He tapped his shoulder.

“We’ll do something about it, Marion. Don’t lose hope.”

“Change topic na, Tito, hehe! May stalker ngapala si Junie.”

“WHAT?!!!” Wala sa loob na napalakas ang boses ni Miguel kaya nagtinginan ang mga nurses, doctor at mga tao sa lobby ng ospital.

“Tito! Don’t shout. Pag-usapan na lang natin yan sa kotse.”

Nang makapasok ang dalawa sa kotse, saka kinuwento ni Marion ang mga sinabi ni Junie sa kanya. Akala niya ay magagalit si Miguel pero hindi, natuwa pa siya.

“Wow! That’s great news! That man must be really in love with my daughter. At mabuti naman at napalambot ng lalaking ito ang puso ni Junie. Your strategies are working, Marion. Sana naman magtuloy-tuloy na ang pagbabago ng puso ng anak ko.”

Hindi alam ni Marion kung matutuwa siya sa narinig mula sa Tito Mike niya. But he managed to smile at him. He’ll never like him for his daughter.

“So pano ba yan Tito,  would you give my beloved company?” sabi ni Marion with all smiles but also with a heavy heart.

“Not yet Marion. Konti pa. You promised me that you'd give back to me my daughter right?"

"Sabi ko nga Tito! Jino-joke ko lang kayo, hehe!"

"O siya, pupuntahan mo ba siya?" 

"Yes Tito. Would you mind if I ask something?"

Umiling ang matanda.

"What if Junie found out even before she could forgive you? What if I fail, Tito? What will you do?"

Tinanggal ni Miguel ang nakasuot na salamin sa mata. Alam ni Marion na galit ito. Pero pagtingin nito sa kanya, bakas ang kalungkutan sa kanyang mga mata. Hindi galit ang kanyang Tito, for the first time. 

"Kahit ano man ang mangyari, I trust you. Kung malaman man niya agad, hindi kita sisisihin. Malaki ang pasasalamat ko sayo Marion. Why, do you want to quit?"

Yes, Tito. I couldn't lie anymore. I couldn't hide my feelings. 

Kasabay ng pagbulong ng kanyang puso ay ang mga alaala niya. Si Tito Mike niya lang ang nagpalaki sa kanya. Siya lang ang nag-alaga, nagmahal at umintindi sa kalagayan niya. Ayaw niya namang biguin ang Tito niya. 

"Of course not, Tito. I'd still pursue it."

"Thank you, son. Gusto ko nang makasama kayong lahat na mga anak ko."

Marion smiled and looked outside the window. 

I have to pay you back, Tito. Yan na siguro ang huling magagawa ko.

------

Patuloy pa ring sinusuyo ni Harry si Junie. Lumalabas sila paminsan-minsan kapag wala siyang ginagawa. Alam niyang napakalakas ng tama sa kanya ni Harry pero hindi niya naman kayang suklian ang atensyong binibigay nito sa kanya. Mabait si Harry at gusto niya itong maging kaibigan. Dahil dito, nahihirapan siyang kumuha ng tiyempo para patigilin si Harry sa panliligaw sa kanya.

Gusto niya ulit makita si Marion. Alam niyang makakatulong ito sa problema niya. Pero nasan na nga ba yon? Pagkatapos ng Tagaytay trip nila, hindi na ulit ito nagpakita. It's been a month already. Hihintayin niya na lang sigurong sumulpot ulit yon, gaya ng lagi niyang ginagawa noong una. Hindi niya maiwasang alalahanin ang unang pagkikita nila, hanggang sa naging magkaibigan na sila. Needless to say, nami-miss na niya ang kanyang guardian angel.

Everything's doing well sa WHBF. Hindi man sila ulit nadagdagan, mas gusto niya iyon. 

Madalang niya nang makasama sina Charlie at Nica. Busy kasi sila pare-pareho sa mga school works. Texts and calls lang ang tanging connection nila sa ngayon.

Nasa lobby siya ng St. Luke's Hospital habang hinihintay sina Ate Helena at Chi-chi. Pinacheck-up kasi nito ang anak dahil sa pabalik-balik na ubo't sipon. Dating kaklase at kaibigan kasi nito ang Pediatrician ni Chi-chi. Hindi na siya sumama at naghintay na lang siya doon.

Habang nagbabasa siya ng Memoirs of a Rebel Journalist: The Autobiography of Wilfred Burchett, may narinig siyang boses ng isang lalaki na sumigaw nang malakas. Hinanap ng kanyang paningin ang pinagmulan ng ingay na yon at nakita ang isang matandang lalaki na may kausap na isa pang lalaki. Tiningnan niya ang mukha ng matanda at saka binalik ang mga mata sa binabasa. 

Bigla na lang niyang na-realize kung sino ang lalaki.

Itinaas niya ulit ang mga paningin sa dalawang lalaking ngayon ay papalabas ng ospital. 

Mas lalong hindi siya makapaniwala sa kasama ng lalaki. 

Miguel? Marion? Bakit sila magkasama?

-----

WAAAA! Tagal kong di nakapag-update. Sorry kung medyo waley itong update na ito. Sorry din kung magiging mabilis ang mga mangyayari. Sana suportahan niyo pa rin ito. MARAMING SALAMAT! :D

The Papabol Angel Who Won My Heart (COMPLETE!)Where stories live. Discover now