Kabanata 18: Here goes Charlie again T_T

575 10 5
                                    

Dedicated sa aking new friend! Hello there friend! Hehe! :D

Enjoy sana kayo. Comment kayo guys! :D

######

Liza's POV

Natatawa ako sa pinaggagawa ni Harry. Pwede na siyang pumalit kay Coco Martin my loves! Ang galing ng acting ah. Kahit ako napaniwala. Bravo!

Nakita ko na lang na hinila ni Junie si Harry papalayo. Di ko na sila sinundan. Masyado na akong masaya para sa araw na ito. Haha!

Hinintay ko na lang si Harry sa may waiting area. Napansin kong papalapit sina Nica at Charlie kaya nagtago ako. 

Nang makaalis na sila, saka ako lumabas. Teka, bakit nga ba ako nagtago? Eh wala naman akong ginagawa sa kanila?

Haha! Bigla kong narealize ang ginawa ko. Natawa ako sa kalokohan ko. Ganito siguro pag kontrabida ka. >:D

Napansin kong nagtatalon si Harry na lumapit sa akin. Dahil sa sobrang tuwa ko, I offered my hand. Kahit na nawiwirduhan siya, tinanggap naman niya iyon.

"Congrats! Jobe well done," I said while shaking our hands.

"Wala yon, basta ikaw," sabi niya. Teka, parang napaso ako bigla.

Bumitaw ako sa pagkakahawak ng mga kamay namin.

"Teka, nakuhanan mo ba yung acting ko? Galing ko ano?" pagmamayabang ni Harry.

"Hindi."

"Anong hindi?!!"

"May iba akong balak. Hayaan muna nating magsaya si Junie. Kapag sobrang masayang na siya, saka natin siya sasaktan. Mwahaha!" Haha! Brilliant idea! 

Sumimangot si Harry. "Sayang ang effort ko. At nagpunta pa tayo dito sa tagaytay para lang don. Tss. Teka, zipline tayo! Nandito naman na din tayo," suggestion niya.

"Sige ba, libre mo?" Gusto kong ma-try yon hehe.

"Sure! Buti na lang pala nakapagwithdraw ako. Sige, tara!"

Nagpunta na kami sa takeoff area. Dahil dalawahan, no choice ako at siya ang katabi ko. Chansing tong  mokong na to! Hinawakan pa ang kamay ko. As if I'm scared. >.<

Okay lang, napasaya naman niya ako. Pagbigyan.

Kahit pala kontrabida ka may konting kabaitan pala sa puso mo.

Like me. Di ba I'm so kind? ^_^

######

Junie's POV

6am pa lang, nagising na ako. Gusto ko sanang maligo but...wala akong extra clothes. Uuwi ako ng ganito pa rin ang suot ko.

Biglang may nag-doorbell. I peeped through the hole at nakita ko si Marion.

"Good morning!" bati niya sa akin.

"Good morning din! Are we going already?" I asked.

"Not yet, I just brought you this." Then inabot niya sa akin ang isang paperbag.

Sinilip ko. May blouse and pants and...undies. Napatingin ako sa kanya with some kind of disgust.

"Ah eh. Hindi ako ang pumili niyan. Pinakita ko ang picture mo sa saleslady at yan ang binigay niya. Don't worry, di ko tiningnan yan," sabi niya habang nakayuko.

The Papabol Angel Who Won My Heart (COMPLETE!)Where stories live. Discover now