Kabanata 20: Jealousy and Hatred

585 8 3
                                    

Hello there! It's been a long time. Miss me? HAHAHA! Enjoy reading! :)

######

Marion's POV

I don't have any idea kung nasaan si Junie ngayon. Kanina ko pa siya hinahanap. Alam ko may pasok siya ngayon pero I went to their school, wala siya doon. Sa may park malapit sa dagat ang next stop ko. Wala din. Sa bookstore, sa isang resto na lagi niyang pinupuntahan, sa isawan, wala talaga. And now, I'm here in front of her house.

Will I push the doorbell? Eh ano namang sasabihin ko paglabas niya?

Hi Junie! It's been a long time! How are you? Would you mind if I ask you out? Engk. Baduy ata.

Hindi ko talaga alam kung anong dapat naming pag-usapan ni Junie. All I know is I want to see her now. I miss her so much.

I sat on a nearby bench. Hintayin ko na lang siguro siyang lumabas? Kaya lang, until when?

May tumigil na motor sa tapat ng bahay nila. I was about to call her dahil alam ko siya iyon. Pero hindi ko na naituloy, ibang tao pala ang nakasakay doon.

Isang lalaking mukhang kasing edad din ni Junie. Ngapala baka matanong niyo lang, I'm 5 years older than her, kaya nga nagtatrabaho na ako sa company ni Tito.

Is it Charlie? Eh di ba bakla yon? Hindi siguro. Mukhang maangas ang dating ng lalaking yon.

Boyfriend ng ate niya? Pwede.

O yung...Harry na kinuwento niya sa akin dati? Huwag naman sana.

That guy didn't press the doorbell, as if his arrival is expected.

Bumukas ang gate. Lumabas si Junie. She smiled at the guy.

The guy came near to her and the next thing I knew was really heartbreaking.

They kissed.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko kung bakit ang sama ng loob ko.

Dapat maging masaya ako di ba? Kasi naging matagumpay ang mission ko.

But why do I feel this way? Why am I hurting so bad?

Sumakay na si Junie sa motor ng lalaki. They went away.

I think she took my heart with her. I hate this feeling. Susundan ko siya.

-------

Harry's POV

May date kami ni Junie ngayon. Siyempre, utos ni Prinsesa. 

Medyo natatakot na ako sa mga kalalabasan ng mga plano namin ni Liza. Paano kung mahulog nang tuluyan ang loob sa akin ni Junie? For sure, masasaktan siya. Kung ititigil ko naman, hindi ko makukuha ang matamis na OO ng aking prinsesa. Ang hirap pala nang ganito. Naiipit ako sa dalawang batong nag-uumpugan.

Inaamin ko, gusto ko si Junie pero hindi sa inaakala ninyo. Gusto ko siyang maging kaibigan. Napakabait niya. Kahit na noong una naging rough ang attitude niya para sa akin, pero ngayon she's a totally different person. She's sweet and thoughtful. Gusto ko na ring mainlove sa kanya. Every man dreams for a girl like her. Pero iba talaga ang tinitibok ng puso ko. Kahit na lagi niya akong pinapahirapan at sinasaktan, siya at siya pa rin ang mamahalin ko.

Hindi ko masabi ang nararamdaman ni Junie para sa akin. Hindi ako sure kung may gusto na rin ba siya sa akin. 

Susunduin ko na siya ngayon sa bahay nila. Tinext ko muna siya kaninang umaga kung busy siya. Sabi naman niya hindi kaya inaya ko siyang lumabas. Hindi naman siya tumanggi.

The Papabol Angel Who Won My Heart (COMPLETE!)Where stories live. Discover now