Kabanata 12: Wala Munang Title HEHEHE :D

645 8 10
                                    

Pananaw ni Otor: May 4th loyal reader na ako! Ni-like niya ang Kabanata 1! Hehe. Natuwa ako. Madali lang naman akong sumaya. Welcome sayo girl sa story ko! Hehe. Sana masubaybayan mo! :D

Pati kayo, oo kayo na nagbabasa nito. Ang puso ko'y nag-uumapaw ang kaligayahan sa inyong pagsusubaybay. Hihi. Drama to sabi eh! WAHAHA.

Yes, maikli ang author's note ko for today! Sana mapansin nyo ang pinaghirapan kong gawin na cover. Haha! Photoshop FTW!

Eto na nga. ^_^

-----

Junie's POV

I bid my goodbyes to my sister and niece. May lakad kasi kaming tatlo nina Nica and Charlie. 

Paglabas na paglabas ko ng bahay, may batang nag-abot sa akin ng red roses. Three pieces yon. Tinanong ko sa batang lalaki kung kanino galing yon pero ngumiti lang siya sa akin.

Napangiti din naman ako. Ang cute-cute kasi ng bata, siguro kasing age lang siya ni Chi-chi. Sa sobrang amazed ko sa pag-smile ng bata, nakaalis na pala ito. 

Roses? Sino naman kaya ang magbibigay sa akin nito?

Habang nakatitig ako sa mga bulaklak na iyon, may sumitsit sa akin. Hindi ako lumingon kahit na alam kong ako ang sinisitsitan nun. Hello? I have a name, hindi ako aso. Psh.

I started walking. Napagod na ata yung tao kakasitsit kaya tinawag na niya ang pangalan ko.

Don't guess. You know who it is. 

"Ano na namang pakana ito ha?" I said to him while lifting the roses I'm holding.

I saw how he's shocked. Napanganga siya. Hindi sa kanya galing ito?

"You mean this is not from you?"

"Why would I give you that? I swear to God, di galing sa akin yan."

Oops. Kinda disappointed.

"Eh kanino galing itong mga to?"

Ngumiti siya. Yung sarcastic na naman. It gives me creeps when he does that.

"May secret admirer ka na Juniora! Dalaga ka na, haha!"

Secret admirer? Sino namang magkakagusto sa akin? Pero na-disappoint talaga ako nung malaman kong hindi sa kanya galing tong mga roses na hawak ko. Napaka-assuming ko talaga. 

But hey! What did he just call me? My full first name? Aargh. I don't want anyone to call me that.

"Stop calling me with my first name. Junie's okay with me."

"I like Juniora more. It suits you."

"What do you mean? It suits me? Kidding me, huh? Do I look like a junior?"

Natawa siya. "Hindi noh, ang layo eh."

Anong malayo? Ang weird talaga nito. Ah, baka yung sinabi ko. Of course, di naman ako mukang lalaki kaya di ako junior noh. Asar kasi ang tatay ko, hindi kasi naging lalaki ang anak niya. Sa frustration niya to have a junior, yung name na lang ang binigay sa akin. With -a na lang sa dulo para magmukang girl. Hay, I hate my name, siya pa kasi ang nagbigay.

"Teka, I have to meet my bestfriends," I told him while looking at my watch. I'm late. Patay na naman ako sa dalawang yon. Sasakay na sana ako sa motor ko when Marion speaks again.

The Papabol Angel Who Won My Heart (COMPLETE!)Where stories live. Discover now