Kabanata 31: A New Beginning

537 6 4
                                    

After 231312483274237483432.434 years, nakapag-update din. Aug. 30-Sept. 12 all goes to school/duty. Amazing! Hoho. Enjoy reading!

#####

Kabanata 31: A New Beginning

Pasukan na ulit. Maikli man ang naging bakasyon ni Junie, iyon naman na ata ang pinaka-hindi niya malilimutan sa tanang buhay niya. 

May masasayang alaala.

Meron ding malulungkot at nakakagulat na pangyayari.

Pero sa pagpasok niya ngayon, wala na siyang pangamba, ni galit sa puso niya. She'll go through each day with a smile.

Nae-excite na siyang pumasok. Namimiss na kasi niya ang maagang paggising at pakikipagkwentuhan sa mga kaklase bago dumating ang mga prof nila. Namimiss na rin niya ang library na lagi niyang tambayan.

She went out of their house after saying her goodbyes to Chichi, Helena and her Papa. Yes. Nahikayat nilang magkapatid na doo na lang tumira ang ama. Ang gusto naman nito ay doon na lamang sila sa mansyon nito pero nakumbinsi nila ito dahil kahit papano'y doon na sila lumaki. Maraming sentimental value ang bahay na iyon.

Nagulat na lang si Junie nang saktong pagbukas niya ng gate ay tumambad ang naka-shades, naka-suit and slacks, at naka-cross arms na Marion habang nakasandal sa kotse nito.

"What are you doing here in this time of day?" di maiwasang tanong ni Junie kay Marion. Tinanggal muna nito ang shades at ngumiti ng napakatamis. Napakunot noo naman si Junie sa inasta nito.

"Oh, chillax ka lang! High blood agad, umagang-umaga. I'm here to fetch you then brin you to your school," sagot naman ni Marion sa kanya.

Mas lalong kumunot ang noo ni Junie. Ano daw? Bakit naman niya kailangang gawin yon?

"Bakit mo naman gagawin yan? Utos ni Papa ano?"

"Not really. It's my own will."

Own will? Di maiwasang kiligin ni Junie. Was it a part of his plans to get her heart? You already have it. Konting tiyaga lang. Naisip ni Junie.

"You know what, you look like a bodyguard in that attire. Sure ka ba sa ginagawa mo?" nakangising tanong niya. 

Lumapit si Marion sa kanya. Medyo napaatras naman siya. Was he mad at her?

Nang sa kakaatras niya ay napasandal na siya sa gate nila, mas lalong lumapit si Marion, particularly his face. It went down at the level of hers, eyes-to-eyes, nose-to-nose, lips-to...

WHAT? HE'LL...OH NO!  sigaw ng utak ni Junie. Pero automatic namang pumikit ang mga mata niya.

Hinintay niya na lang kung matutuloy ang siguro'y dapat mangyari.

After a couple of minutes, wala namang nangyayari kaya dumilat na lang siya. Nakangisi naman ang lalaki sa kanya.

"I'm not that aggressive, lady. Alam ko may mga ideals ka, and I'm respecting it. I'll wait if you're ready. For now..."

Hindi na pinagpatuloy ni Marion ang sasabihin dahil binigyan siya nito ng isang matunog na halik sa noo. She felt her cheeks turned to red.

"Let's go, my princess. Baka ma-late ka pa."

"Eeeeew! Don't call me that. Ang baduy eh. Mas gugustuhin ko pang Juniora ang itawag mo sa kin kesa don."

"Sabi mo yan ah, walang bawian." Then he already walked inside the car bago pa man siya makapag-reklamo.

The Papabol Angel Who Won My Heart (COMPLETE!)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora