Kabanata 32: Happiest Birthday

565 9 10
                                    

Medyo pinabilis ko na po ang story haha. Ang bagal ng phasing eh. Hirap ng bubuuin ko pa ang buong 2nd sem ni Junie.  

Enjoy! Vote, Comment, Become a Fan, it's your choice. :D 

Dedicated kay katukayong binibininghannah! Ganda ng Two Hours More! :)

##### 

Kabanata 32: Happiest Birthday

Mabilis na natapos ang isang sem ni Junie. That means, ilang araw na lang mula ngayon, graduation na niya.

Lahat ng requirements, natapos niya on-time at may ilang mas maaga pa sa due date. Masaya talaga kapag lahat ng tao sa paligid mo, mahal ka. Ganyang-ganyan ang pakiramdam ni Junie kaya na-enjoy niya nang maigi ang huling taon niya sa college. All things went incredibly smoothly. She was so inspire, even until now na sa kasalukuyan ay nagpapractice sila ng graduation march. She'll graduate with flying colors! Siya ang summa cum laude ng batch nila.

Mixed emotions ang nararamdaman niya. She's happy that finally, she'll graduate and work. But for four long years that she was in that university, it would be hurting to say goodbye.

Sa university na ito, nangarap siya na magiging Journalist siya.

Dito, naitatag niya ang We Hate Boys Forever club. Kahit ngayon na wala na ito, isa pa rin itong malaking parte ng buhay niya.

Dito din, nakilala niya ang bestfriend niyang si Charlie. She's happy that they stayed friends after his confession. Bagama't may ilang nabago sa personality nito, di na nito muling inungkat pa ang nararamdaman nito sa kanya. Natatawa nga siya ngayon dahil lalaking-lalaki na itong manamit pero pag nagsalita, imbyerna pa rin! And to top it all, official heartthrob na siya ng campus. Daming babae!

Dito, nakilala niya sina Harry at Liza. Buti naman at nagkatuluyan din sa wakas ang dalawang yon. Si Liza na evil dati, ngayon angel na. Naging mabuting kaibigan siya kay Junie. Si Harry, lagi din nilang kasama. Pati din si Charlie, silang apat ang bumuo ng True Love Waits club, isang club na para sa lahat, boys and girls or kahit sa third sex pa, keri boom boom yon. They give advices sa mga brokenhearted, sa mga NBSB na super hopeless romantic, sa mga currently ay in a relationship. They build friendship among members at iyon ang mismong purpose nila. They now have 80 members, nag-double sa WHBF dati.

Masyado atang tumagal ang pagrereminisce ni Junie dahil di niya namalayang siya na pala ang aakyat ng stage.

"Miss Delos Santos, I guess it's already your turn. Don't let us wait for you," sabi nang Campus Director nilang si Mrs. Ignacio. Ang totoo, kaaway niya ito dati dahil sa pagtatayo niya ng WHBF pero pinaglaban niya iyon. But now, they're friends na. Kaya kahit nagsusungit ito ngayon, alam niyang hindi ito personal. She's maybe doing her job as a CD.

She smiled and walked up to the stage. She'll be having her speech pero siyempre, hindi lahat sasabihin niya. Walang suspense pag ganun. Gumawa lang siya ng isang speech na walang ka-kwenta kwenta. Yung pang elementary lang.

She delivered it with no energy, at nang malapit na siyang matapos, Mrs. Ignacio interrupted her.

"What is that speech? You'll graduate as Summa Cum Laude pero ganyang kababaw ang ginawa mo?"

Alam nito na hindi iyon ang speech niya. Deep inside, natatawa siya sa arte nito.

She just smiled and looked back to her paper placed above the rostrum. When she's about to speak, biglang nawala ang mga ilaw sa gymnasium.

Walang makita si Junie. Everything is black.

"Hey! Hello? Nandyan pa ba kayo? Mrs. Ignacio? Classmates?" sigaw niya. The darkness kinda scares her.

The Papabol Angel Who Won My Heart (COMPLETE!)Where stories live. Discover now