Kabanata 26: No Other Choice

540 9 3
                                    

hannahbax's note:

Ola! May nakamiss ba sa akin? Pakitaas lang po ang mga paa kung OO at paki-tagalog ang toothpaste kung HINDI. Hahaha!

Ako lahat ng limbs ko nakataas dahil namiss ko kayo pati ang pagsusulat! Been so busy sa studies eh. Sandamakmak na paperworks. Psh. Buti na lang petiksmode ako today. Haha!

Binasa ko ulit yung mga nakaraang updates. Sa Chap 3, may kulang! Kainis. Wala pa man din akong copy nun kasi directly ako nagsusulat dito sa Watty. Iisipin ko pa yung nilagay ko dun huhu.

Anyways, GV lang! Jaja. As planned, mga ilang chapters na lang ito bago mag-Epilogue. Pero baka mag-iba ang ihip ng hangin at dumami pa. Nasa sa inyo yan, readers. Ayoko naman ipilit ang story ko para basahin nyo. :D

Eto na nga, ang dami kong dakdak. Puro 3rd person POV ang lahat ng UD. Gusto ko pa rin ang conventional type of writing. Enjoy! :)

#####

Naglalakad si Junie pauwi. Galing kasi siya sa grocery store para magstock ng supplies siya. Ayaw na muna niya kasing maglalalabas. She wants to be at peace by being alone.

Hindi niya alam kung hanggang kailan pa siya sa dito sa dating lugar nila. Buti na lang at sembreak nila, she has a lot of time to unwind. 

Nakita na niya ang bahay nila. Napatigil siya. A smile was formed in her lips. This was her home. Dito naganap ang masasayang alaala nang buo pa ang pamilya niya. Pero di rin naman nawala ang mga malulungkot. Umiling na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. It's all in the past. Mas marami pa siyang problema currently.

Bubuksan na sana niya ang gate nang may nahagip ang paningin niya. May lalaking umaakyat sa bakuran nila!

Naghanap siya nang pwedeng pambato sa lalaki. Sa di kalayuan, nakita niya ang paso. Dali-dali niyang kinuha iyon at pumunta sa lugar ng lalaki. Bago pa man iyon makapunta sa loob, naihampas na niya ang paso sa likod ng lalaki.

Napa-ah! ang lalaki at biglang natumba. Napapikit si Junie. Oh no. She didn't expect this.

Nakahiga na ang lalaki sa daan. Dahil madilim, hindi niya makita ang mukha nito kaya bago pa man may makakita sa kanila, hinatak niya ito papasok ng bahay.Feeling niya tuloy murderer na siya. =_=

Kahit napakabigat ng damuhong iyon, pinilit pa rin niyang ipasok ito sa loob. Buti na lang at walang ganong tao sa may lugar nila. Nang makapasok sila, sinara niya agad ang pinto. Napaupo siya sa sobrang pagod. Then she realized something.

Eh bakit nga ba siya kinakabahan? Di ba ang lalaking iyon ang pilit pumapasok sa bahay nila? Pwede naman siyang humingi ng tulong at dalhin sa presinto ang invader na iyon? Psh. Slow talaga siya as ever.

She looked for the switch then put the stuffs she bought in the dining table. Bumalik siya sa sala kung saan niya iniwan ang lalaki.

Napakunot ang noo niya sa nakita niya.

Anong ginagawa ng lalaking ito dito? She asked herself. 

Nilalayuan niya nga ito, pero bakit lapit siya nang lapit?

----

Masakit pa rin ang likod ni Marion nang magising siya. His eyes wandered around. Where is he? 

In just a snap, may nagbato ng tela sa mukha niya. Inalis niya ang tela na iyon at tiningnan kung sino ang nagbato niyon.

"Damit yan, magpalit ka muna. Ang dumi-dumi ng suot mo," sabi ni Junie sa kanya.

The Papabol Angel Who Won My Heart (COMPLETE!)Where stories live. Discover now