Kabanata 5: Ang Isaw. Bow

782 9 4
                                    

Dedicated po ito kay Ms. Denny. Ang astig kasi ng sense of humor niya! Amazing ng DNP/DNE at That Girl 1&2! Ngayon, I'm reading Voiceless. Superb! Galing talaga niya! Hehe!

----------------

Junie's POV

"Hala, bakit dito mo ako dinala?" nakasimangot na tanong ni Marion.

"Eh dito ko gustong kumain eh, and this is my favorite, kaya wag kang umangal diyan. Ililibre ka na nga eh, choosy ka pa?" medyo imbyerna kong sagot sa kanya.

Saan nga ba kami naroroon? Nandito kami sa isawan, ang paborito kong tambayan. Ang isaw kasi ang kasama ko sa kasiyahan at kalungkutan. Kung ang iba ay sa alak dinadaan ang problema, ibahin ninyo ako. Isaw ang karamay ko. Hehe! ;)

"Eh hindi ka ba nandidiri diyan? And it's so dirty! Streetfood? And the sauce? Marami nang sumasawsaw diyan ah? Di ba intestine yan? So that means lasang-" 

Napatigil siya sa pagdakdak. Paano ba naman, dinabugan na siya ni Manang Isaw. Ang sama ng tingin sa kanya! Scaaaary. T_T

"Hoy mister, ang lakas naman ng loob mong kutyain itong tinitinda ko! For your info, malinis ang paninda ko, pati ang kunsensya ko! At hindi ko kelangan ng buyer na kagaya mo! Kaya pwede ba umalis ka na dito? Asar ka eh. Get the hell outta here you jerk!" ang nakasigaw na sabi ni Manang Isaw.

Hindi ko naman mapigilan ang matawa. Napatingin tuloy silang dalawa sa akin. Hindi dahil sa spokening-dollar na language ni Manang kasi sanay na akong bumabanat siya ng mga ganung lines kakabasa niya ng pocketbook (close kami haha), kundi sa shocked na mukha ni Marion. Ang epic lang!

Humingi ako ng paumanhin kay Manang at pinakyaw ang lahat ng naluto ng isaw. Natuwa naman siya sa akin at nagpasalamat pero ang sama pa rin ng tingin niya kay Marion. Umalis na kami doon. Ako naman tawa pa rin nang tawa. Hahaha! Hahahahaha! Bwahaha! Nyahaha! Bayayayaya! Jejejeje! OA na, basta tumatawa ako. Panay ang tingin naman sa akin ni Marion, yung tingin niya para lang wirdong alien ako.

"Tama na, aba! Ang sama mo naman. Napahiya na nga ako, pinagtawanan mo pa."

"Kasi naman si Manang Isaw lang pala ang katapat mo. Tiklop ka sa kanya! Sana pala nakuhanan kita ng picture sa sobrang pahiyang face mo, behlat!" Siyempre hindi ko sinabi yung behlat, ginawa ko lang. Like this ---> :p

"Tama naman kasi mga sinabi ko eh! Ang weird mo talagang babae ka, noong una durian candy, ngayon naman isaw! Ano bang meron ang tiyan mo at nate-take mo ang mga yan?"

"Teka, how did you know my favorite dessert?"

"Ah..eh..Di ba ako nga guardian angel mo? Edi malamang nakikita ko lahat ng mga ginagawa mo."

Ginagawa ko?! Ewan, bigla ko na lang naisip ang mga ginagawa kong pagkembot sa harap ng salamin, pagtanggal ng dry snot with matching pinrolling pa yun! At ang paliligo without anything! Lahat naman ata ganun eh? Pero kahit naaaaaa! Bigla ko tuloy natakpan ng kamay ko ang dibdib ko. Yung plastic ng isaw? Ayun, nahulog. Pero may isang stick pa sa kamay ko. Baka lang matanong nyo kung nasan na ang isaw, hehe. 

"Hoy anong ginagawa mo? Nahulog na yung plastic oh! Sayang naman!"

"Lahat ng ginagawa ko nakikita mo? Ibig sabihin...Waaa! Manyak kaaaa!"

Napakunot ang noo niya. Tapos napa-nganga sa pag-iisip kung anong ibig kong sabihin. ('o')

"Naku Junie, mali yang iniisip mo. Sa mga ganung pribadong bagay, umaalis na ako. Pero kung gusto mo, sige ok lang sa kin."

Bigla kong inapakan ang paa niya. Inundayan ko naman siya ng isang napakalakas na suntok with my left jab sa tiyan niya. Yung right kong kamay, hawak-hawak pa rin ang isaw. Isa na nga lang, matatapon pa? No way! 

"Aaaaray! Sadista ka talaga! Hindi ka ba marunong mag-recognize ng joke? Joke lang yun! Saka-" 

Hindi ko na siya pinatapos magsalita. Naglakad na ako at iniwan siya doon. Hinabol niya naman ako. Ok na sana eh, babanat pa ng ganun. Buwiseeeet!

"Hui, sorry na. Joke lang ai. Oy!" Humarang siya sa daan ko kaya napatigil ako sa paglakad, syemperds. Aba ang damuho, nagpa-puppy eyes pa! "Bati na tayo, pleaaaase!" 

Kumagat muna ako ng isang part ng isaw ko at nag-isip. Ting! Ipakain ko kaya sa kanya to? Bwahaha!

"Kainin mo muna tong isaw."

"Huwaaaat?!! No way! Iba na lang ipagawa mo sa akin kesa iyan!"

"Ayaw mo? Edi sige, huwag na huwag ka nang magpapakita sa akin. Kawawa ka naman, sira ang dreams. Hay, sige bye!"

"Teka, ikaw naman di mabiro. He-he-he. Pero, di talaga ako kumakain niyan eh."

"Sus, nguyain mo lang to and that's it! Tapos! Ang sarap kaya. Isipin mo na lang kapalit nito ay ang pangarap mo."

"Ang bright mo naman. Dahil lang sa isaw, matutupad ang pangarap ko? Wow ah."

"Bilis naaaa!"

"Sige na nga, masarap talaga ah?"

"Oo namaan!"

Inabot ko sa kanya ang stick ng isaw. Huminga muna siya ng malalim bago itapat ang isaw sa bibig niya at ngumanga. Ako naman, excited sa pagkain niya. Haha! Tingnan lang natin kung keri niya yan.

Kumagat na siya ng maliit na part. He started chewing it, gradually. Nakangiti pa siya habang ngumunguya. Pero di nagtagal, nag-iba na ang timpla ng mukha niya. Para na siyang iiyak! Pero tuloy pa rin siya sa pagnguya at nilunok niya na agad. Nilabas pa niya ang dila niya, para ipakita na nalunok na nga niya ang isaw. Parang kasali lang sa Fear Factor ah! Ibinalik na niya sa akin ang stick.

"Ayan na mahal na reyna, oks na ba? Nakain ko na! So tuloy pa rin ang mission ko! Yes!"

"Sabi ko sayo masarap eh. You want more?"

"Ayos na, solve na ako sa nakain ko. Hehe."

Inubos ko na yung last part ng isaw na natira. Oh. My. Gulay. Di ba may kinain siyang part dito? So ibig sabihin...

NAG-INDIRECT KISS KAMIIIIII! HALAAAAAA! Naniniwala pa man din ako dito. Nakooo. Erase, erase. Ang nag-iisip lang nito ay may malisya. Waaaa. Bakit ko ba naiisip ito? May pagnanasa ba ako sa guardian angel ko? Lord! Sorry! Alisin Ninyo po ang karumihan sa isip ko. Mukhang napapadalas ang pagdarasal ko dahil sa lalaking ito. Hay.

"Hoy, natahimik ka diyan! Lalim nang iniisip ah! Share mo naman!"

"Wala, may naalala lang ako. Ah eh..Pwede bang malaman kung gano katagal itong misyon mo?" Kasi maloloka ako sayo kapag tumagal pa ito. 

"Hmm. Sa totoo lang, hindi ko din alam. Kapag siguro naalis ko na ang galit mo sa mga lalaki, ganun."

"Ah. Sus, madali lang pala eh. Matatapos mo agad to. Haha!" Para saan pa't naging theater actress ako sa Theater Guild ng school namin? Wahaha! Mautak ata to! ^_^v

"Bakit? May gagawin kang kalokohan noh? Lagot ka kay Lord, sige ka! I'm warning you. Makikinig ka lang naman sa akin eh. Pwede mo akong ituring as a friend. Please, let me do my job peacefully. At wag kang magsinungaling na naiintindihan mo ang mga ituturo ko sayo kasi I can see a person's sincerity through his/her eyes."

"Hay, naku. May magagawa pa ba ako."

--------

Pananaw ni Otor: Oops. Wala na akong maidagdag. Sa next chapter na lang, hehe! Muka namang mahaba na ito, at tungkol lang naman sa isaw ang story na ito. Hope you like it! But if you don't feel free to comment para malaman ko kung paano ako mag-iimprove. Konti pa lang ng reads. Pangit po ba ako sumulat? Hehehehe. First time ko po kasi gumawa ng novel, ang hirap pala! Daming writer's block! While waiting, you can read my other stories, mostly short stories lang. Ay drama! Dami kong sinabi. Salamat! :D

The Papabol Angel Who Won My Heart (COMPLETE!)Where stories live. Discover now