Kabanata 21: Pain and Regrets

574 10 2
                                    

Junie's POV

Ang saya kahapon. I hit two birds with one stone. Napakasaya talaga! Mga taong pinagkatiwalaan ko, niloloko lang pala ako.

Si Harry na itinuring kong kaibigan, hawak pala ni Liza. Alam ko na magkakilala sila. Noong magkasama kami ni Harry isang hapon, hindi ko sinasadyang marinig ang pag-uusap nila. May kausap si Harry sa phone, at parang nirereport niya sa kausap niya ang lahat ng ginawa namin sa araw na iyon. Tinapos niya yung usapan with the sentence, 'I love you, Liza.'

Hindi ko siya sinumbatan after kong marinig iyon. I played innocent, parang walang alam sa mga nangyayari. Ang alam ko, mabait si Harry. For sure, napag-utusan lang siya.

I also treated Liza as my friend. How could she do it? Dahil gusto niyang makuha ang WHBF? Sa kanya na! Wala na akong pakialam. Solohin niya, the hell I care!

I won't deny it kung magkikita-kita kami. I'll give her what she wants. Ako na ang magmukhang masama. Fine!

And for Marion? Aaaargh. Ang sakit. Iyon ang pinakamasakit sa lahat. At ang ama kong magaling, niloko ako for the second time. Nagsama pa talaga sila.

Ubos na ang mga luha ko. Maghapon na akong nagkulong sa kuwarto ko. Si Ate Helena, kanina pa kumakatok. Ayokong makipag-usap sa kahit kanino. I want to be alone.

Darkness fills my room. This is where I belong. 

Everything went black and cold. So did my heart. 

Marion, how could you do this to me? Bakit? Sana, nakita ko nang maaga kung anong klaseng tao ka. Manloloko ka! You betrayed me! Lahat ng itinuro mo, I hate them! Kung bakit ba kasi ako nakinig sa mga kasinungalingan mo. Kung bakit ako pumayag sa istupido mong plano. I felt so ashamed, napaniwala mo ako na guardian angel kita. Haha! Grabe, I'm a deluded moron! 

Sana talaga dati pa lang di na ako pumayag. I hate to say this but you won my heart. Bakit sayo pa?

How can people become so heartless, so cruel, so sadist? They always inflict pain to the people who never did anything wrong. Bakit kailangan akong lokohin? Masama ba ako? Ang sakit. Kirot nang kirot ang puso ko whenever I remember what happened. 

Sana, last na ito. Sana, wala nang ibang taong manakit pa sa akin. I've had enough. Ayoko na.

------

I woke up with sun shining on my face. Nakakasilaw! Nakasara kagabi ang mga bintana ah! ATE HELENA!!!

Tiningnan ko ang paligid ng kuwarto ko. Ayos na lahat ang mga gamit na ginulo ko. May pagkain na rin sa bedside table ko. Magdamag nga pala akong di kumain.

I heard footsteps coming near my bed. Inangat ko ang ulo ko at nakita ko sina Charlie at Nica sa may footboard.

"Kumusta, Prinsesa Junie? Anong drama mo ngayon?" Charlie said while raising his eyebrow.

"How did you two enter my room?"

"Malamang may spare key si Ate mo! Kami ang kinausap niya na alagaan ka. Now tell us, Tseb. What happened? What about all this?" Nica asked. 

"I don't want to say anything. I need to rest. Now go," I said while lying on my bed.

Naglakad si Nica sa bedside at umupo sa tabi ko. "Ano ba Tseb? Ano bang nangyayari sayo? Akala ko ba, bestfriends tayo? You should tell me what's going on. I can listen to you. Nasaan na ang Junie na matatag, na hindi nagpapatalo sa mga problema? Show me that side of you, Tseb."

I don't know why pero naiiyak na naman ako. Hay. Bakit ba unlimited ang luha ko ngayon? Lagi na lang tumutulo. Nakakaasar naman. Ayan tuloy, napangawa na ako ng tuluyan.

The Papabol Angel Who Won My Heart (COMPLETE!)Where stories live. Discover now