Dance - 5

1.9K 104 58
                                    

Kei Xan Padilla-  the Epic Fail Guy of the Group.

~*~

Kei's POV

Maaga pa ngunit dinig na dinig ko na ang beat ng music kaya bago ako naligo ay sumayaw muna ako at humarap sa whole body mirror ko.

Lalala, gumewang-gewang pa ako at ginagalaw ang kamay ko.

"Woh woh oh oh," kanta ko habang naghe-headbang pa nang biglang--

Napalingon ako ng bumukas ang pinto ko at nakita ko ang aking nakakababatang kapatid na babae.

Nag-freeze ako at naka-pose pa rin ng naghe-headbang at taka naman akong tiningnan ng kapatid ko.

'Damn!'

"What are you doing kuya?" Kunot-noong tanong niya at saka naman ako umayos ng tayo.

"Ehem! A-ah wala princess, may dumapong insekto e k-kaya niyugyog ko ang ulo ko para makuha i-ito," sagot ko at bahagyang ini-yugyog ang ulo ko.

'Hindi talaga ako marunong magpa-lusot!'

Napa- O ang bibig niya at nginitian ko lang talaga siya ng napaka-lawak.

"Hi pala princess ko, maaga ka yata?"
Pag-iiba ko ng usapan.

"Kuya... Pwede mo ba akong ihatid mamaya?"
Malambing na tanong niya at nginitian ko naman siya.

"Of course princess! Princesa nga kita 'di ba? Mag-bihis ka na ha? Kumain na rin at saka na kita ihahatid."

Masaya siyang tumango at mabilis na umalis sa kwarto ko.

Naligo na rin ako at nag-bihis at pagkatapos ay tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin.

'Tsk ang gwapo ko talaga hahaha.'

Kahit anong angulo ako tinganan ay ang gwapo ko. Kapag nakatalikod ako, ang gwapo tapos kapag tumagilid sobrang gwapo! At kapag humarap aba! Daniel Padilla! Tsk tsk ang swerte ng mapapangasawa ko nito.

Matapos kong pinuri ang sarili ko ay bumaba na ako at nakita ko si Manang na nilalagyan ng pagkain ang plato si Seina Rye.

( Seina Rye is pronounced as Sena Rii )

"Kuya!" Masayang tugon ni Seina at nginitian ko naman siya.

"Hi princess, sige kain na tayo," naka-ngiting sambit ko at umupo sa upuan ko.

"Manang, saan po ba sina mom at dad?"
Tanong ko at tumingin kay Manang.

"A, may meeting po sir," pormal na sabi niya at tumango ako at nagsimulang kumain.

Nang matapos kaming kumain ay inihatid ko na si Seina sa skwelahan niya bago pumasok sa Muce Academy. Ikalawang araw na namin ito sa M.A kaya medyo galak na akong pumasok.

~*~

"Grabe dre, 'di ko inaasahan na kilala pala tayo sa school na 'to," sabi ni Cliren habang kumakain ng sandwich.

Tapos na kasi klase namin at recess na ngayon at nandito kami sa canteen.

"Oo nga e, 'di ko rin inakala yun. E, 'di naman tayo lumalabas sa t.v, " natatawang sagot ni Blue.

"Ulul! Kahit hindi tayo sumasayaw sa tv sumusulpot naman tayo kung saan-saan at biglang sumasayaw. Sino'ng 'di makaka-kilala sa atin niyan?" Sagot ko naman sabay batok sa kanya.

"Aray Kei! Masakit yun a!" Reklamo ni Blue.

"Ang ingay niyo naman, istorbo," singit naman ni Bran.

Ayan na naman siya. Napaka-tahimik, suplado pa.

"Sorry boss," sarkastikong sabi naming tatlo ni Cliren at Blue at nag-bow pa.

"Tss, mga sira."

"'Wag ka naman kj Bran, ayan ka na naman," sabi ni Blue at tinapik ang braso ni Bran.

"Okay," tipid niyang sagot.

"Kahit kailan talaga wala kang kwentang kausap!" Singhal ni Blue tsaka tinalikuran ito.

"Edi 'wag mo 'kong kausapin. Tss," sagot ni Bran saka umupo na nakapan-dekwatro.

"Ewan ko lang talaga sa 'yo Bran," walang ganang sambit ni Blue.

"Sige na, sige na, tama na nga 'yan!" Pagpipigil naman sa kanila ni Cliren.

"Puro kayo satsat, tara na nga. Malapit na time oh." Lumakad siya kaya sumunod na rin kami.

Tumango lang kami at tumayo at pumasok na kami sa room namin.

Agad kong nakita ang babaeng nabangga ko kahapon noong nagmamadali akong pumunta sa gate upang salubungin sina Bran. Sinasabi ko sa inyo ang sama talaga ng tingin niya sa amin-- este sa akin lang pala. Ganun ba kasama ang ginawa ko? Wala lang talaga ako sa mood kahapon.

Lalapitan ko na sana siya para makapag-sorry sa nangyari kanina nang...

"Oy? Lalapit ka kasi mag-sosorry ka? Che! Sorry mo mukha mo!" Maangas na sigaw niya sa akin dahilan kung bakit napatingin sa akin halos lahat ng mga kaklase namin.

'Lalaki ba siya? Psh abnoy.'

"Shoot! wala ka na diyan pre," sabi ni Blue animoy nagsho-shoot ng bola habang humahagikhik.

Narinig kong tumawa ng mga ugok sa likod. Bwesit!

Tumawa ako.

"Sa tingin mo ikaw lalapitan ko? Oh c'mon nandito ako para kunin ang pera ko, nahulog kasi kanina," ani ko sabay yuko at pinulot ang pera.

Phew! Muntik na ako dun buti nalang at may napalusot ako. Hindi na nga lang ako mag-sosorry ang maldita niya sobra! Angel in disguise yata 'tong pera na nahulog.

"Palusot," dinig kong bulong niya sa kanyang sarili at lumakad na ako papalayo sa kaniya.

'Para siyang lalaki kung umasta. Tomboy ba siya?'

Ang ganda naman niya kung tomboy siya at saka ang pananamit niya pambabae naman. Hot chick kumabaga pero ang paggalaw at pananalita niya ay mukhang hindi bagay.

'Interesting.'

Umupo agad ako sa upuan ko.

"Oy! Galing magpalusot a!" Pang-aasar sa akin ni Blue.

"Hindi no, talagang pupulutin ko 'to." Sabay pakita ko sa kanya ng pera na pinulot ko kanina. Kahit totoo naman talagang palusot lang iyon. Tsk!

"Asus! Ang babaw ng palusot mo pre!"

"Tumahimik ka Asul ha!" Sigaw ko sa kanya at tiningnan niya ako ng masama.

"Blue! Hindi Asul! Ulul!" Sigaw niya rin sa akin.

Natawa nalang ako sa reaksyon niya. Naasar kasi 'yan kapag tinawag na asul. Pikon talaga.

"Hmm... mas bagay yata Asulul e. Pinagsama ang Asul at ang Ulul. Ulul ka kasi ng ulul eh." Tumawa ako para mas mapikon siya

"Hahahaha!"

"Bwahahahahaha!"

Halakhak naming tatlo habang nakabusangot naman ang mukha ni Blue.

~*~

Skip a DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon