Dance - 15

1.2K 66 35
                                    

~*~

[ See media. For imaginary purposes only ]

Revenie's POV

This is it! It's our concert day! Busy'ng-busy ang lahat sa pag-aayos ng stage na sasayawan. They really make sure, na safety kami mamaya sa concert. Alas-diyes pa lamang ng umaga pero nandito na ngayon kami sa Waterfront. Nagre-rehearse na rin kami at inayos ang iilang kagamitan namin.

Ilang linggo namin to pinag-handaan, kaya ayokong maging palpak to. We have to make our fans happy, and also our family to be proud of us. Kumpleto ang mga pamilya namin mamaya, excited na excited na nga sila eh. But I did not let them watch our final rehearsal, kasi hindi magiging surprise.

"I can't wait this afternoon! Nanginginig ako sa excitement. This is our first concert, so dapat bongga!" Magalak na usik ni Denaery habang winisik-wisik ang kanyang nanginginig na kamay. Siguro ay dala ng kaba at excitement. Syempre first ever concert namin to.

"Oo nga eh, sold out lahat ng tickets natin. So expect na natin ang maraming tao mamaya." Dagdag pa ni Zeke, na hindi na rin makalma dahil sa sobrang excitement.

"Ang dami na namang magpapa-picture. Tsk!" Sabay naman kaming napalingon kay Stevenese na nagrereklamo. Sinamaan ko siya ng tingin at napataas naman ang kanyang kilay.

"Don't be like that Steve! Kahit ngayon lang please.." Paki-usap ko sa kanya, ugh! This girl talaga, pinapa-iral na naman niya ang kanyang nakaka-iritang ugali. Ang pagiging suplada, kahit fans walang utang na loob. Hmp!

"Okay okay okay.. Whatever!" Napilitang sagot niya, pero mas mabuti na iyon kaysa hindi.

"Pero hindi ko talaga mapigilang mairita eh. I hate crowds." Dagdag niya pa at dinilatan siya ng mata ni Zeke.

"Isang reklamo mo pa d'yan, tatakdyakan na kita!"

Nagpatuloy kami sa pagre-rehearse at mabuti naman at hindi na nagrereklamo si Stevenese, natakot yata kanina kay Zeke. Good for her, hindi man lang kasi sumabay. I hope hindi gagana yung pagiging suplada niya mamayang hapon.

Mabilis ang takbo ng oras at hindi namin namalayan na alas-dos na pala ng hapon. Tapos na rin ang paghahanda sa stage. Iginala ko ang paningin ko at napa-ngiti na lamang ako sa aking nakikita.

"Perfect!" Ang ganda ng set-up. Maraming lights ang ikinalbit sa itaas at maging sa gilid na bahagi ng stage. May walong poste ang nakatayo sa bandang likuran ng stage, gold ang theme ng concert namin kaya pati ang upuan ay nilagyan ng tela na kulay light gold. Napaka-elegante nitong tingnan. Mas lalo tuloy akong na-excite.

Sinimulan na kaming ayusan, naka-suot na rin kami ng mga costumes namin. Syempre naka-cat costume kami na kulay pink at may animal print na kulat brown at may itim ang gilid. As an opening number namin ay ang sasayawin namin ay Hello Kitty, yan ang napili napili dahil nababagay ito sa pangalan ng grupo namin.

Nang matapos kaming ayusan ay dinig ko na ang ingay sa labas ng backstage. Siguro ay nagsidatingan na ang mga tao. Kinakabahan na ako, at kita ko rin sa mga mukha nia Denaery, Steve at Zeke ang pinaghalong kaba at excitement.

Nagka-tinginan kaming apat at binigyan ko lang sila ng ngiti, ginantihan rin naman nila ako ng ngiti. Lumapit ako sa kanila at bumuo kami ngi sang maliit na bilog at naghawak-kamay.

"Kaya natin to Wild Cats!" Sabi ko sa kanila at nagsilabasan naman agad ang kanilang mga ngiti.

"Yeah! Go go go!" Masiglang saad ni Denaery at nagtawanan lang sina Zeke at Steve.

"Pray muna tayo?" Ani ni Stevenese at tinaguan lang namin siya.

Humigpit ang hawak namin sa isa't-isa, nagdasal kami bilang grupo at matapos ay nagdasal kami ng sa amin lang. Nang matapos iyon ay pinaglapat namin ang mga kamay at sumigaw.

Skip a DanceOn viuen les histories. Descobreix ara