Dance - 41

724 46 24
                                    

~*~

Revenie's POV

Ilang buwan ang lumipas mula noong nangyari sa'min na aksidente. Nahuli na sina Tierra at napag-bayaran na nila ang mga kasalanan nila. Nalaman na rin namin ang lahat na wala palang kasalanan si Denaery at tanging ginawa lang niya ay ang protektahan kami.


Ang dating pagkaka-kaibigan namin ay bumalik, hindi man namin nakuha ang pagiging kampeon sa Battle of Dance. Nagpapasalamat pa rin kami na bumalik sa dati ang aming samahan.


Marami na rin ang nagbago sa'min. Lalong lao na kay Blue, ang dating makulit at masayahing Blue ay naging tahimik at walang imik na ngayon. Hindi namin siya maintindihan sapagkat sinasagot niya lang kami na "baka may magka-gusto sa kanya kapag seryoso siya."


Ewan ko ba sa kanya kung ano'ng kinain no'n o nakalunok ba na kung anong medisina at nagka-ganyan.


Gusto kong bumalik ang dating Blue na kilala na palaging nagpapatawa sa'min. I hate that he changed a lot from before.


Isang linggo na lang at graduation day na namin, dalawang araw mula ngayon ay seniors ball din namin. Syempre I'm ready na. Sabay-sabay kaming mga girls sa pagpili ng mga dresses namin.


May mga date na rin kami except kay Den, marami namang nag-aalok sa kanya pero ang choosy kasi. Minsan pa nga siyang inalok ni Kiro na maging date raw nito sa ball pero muntikan na niya itong napatid kaya ayun natakot.


"Dre, ano ba talagang problema mo? Nabasted ka 'no? Tingnan mo nga ang sarili mo, daig mo pang naka-drugs!" Pang-usisa ni Kei kay Blue pero wala siyang nakukuhang matinong sagot mula nito.


Nasa canteen kami ngayon dahil break time namin ngayon. Wala na rin kaming masyadong klase ngayon dahil pinapa-relax kami ng mga teachers namin.


"Dre, sabihin mo kung may problema ka. Huwa mong kimkimin," dagdag pa ni Bran.


Bumuntong hininga si Blue at halos kaming lahat ay nakatutok sa kanya. "Siya!" Napaigtad ako nang bigla siyang sumigaw at itinuro si Steve.


"Siya?" Takang tanong ko.


"Si Steve?" Ani Zeke at kunot na kunot ang noo.


Suminghot siya na parang bata at tiningnan kami isa-isa.


Oh my... para siyang adik. "Hindi niya ako gusto!" Pagmamaktol niya at halos kami ay nailuwa ang kinakain sa kakatawa.


Tiningnan ko naman si Steve at wala man lang itong reaksiyon. Halatang gulat. "Bakit nasali ako?" Tanong niya at naghagalpakan naman kami ng tawa.


"Hindi 'yun katatawanan. Hindi joke ang feelings!" Pikon na sabi niya at nag-walk out.


Oh my Blue. "You're inlove!" Sigaw ko at hindi na talaga siya lumingon.


I can't believe it! All this time, akala kung ano na ang nangyayari sa kanya pero ang totoo ay hindi lang pala siya gusto ni Steve. Paano niya naman nalaman? Nag-confess ba siya o ano? Well, whatever! Our Blue now is inlove, oh my ghad! Sa best friend ko pa.

Skip a DanceWhere stories live. Discover now