Dance - 46 (Senior's Ball part four)

687 36 12
                                    

~*~

Denaery's POV

Masaya akong nakikita ang mga kaibigan ko na masaya. Habang pinagmamasdan ko si Kei at Zeke ay naka-ngiti ako. Kahit 'di ko man naririnig ang pinag-uusapan nila ay kinikilig na ako.

Tumingin naman ako sa kabila at nakita kong sinusuotan ni Bran si Revenie ng jacket. Sina Cliren at Stevenese ay nag-kukulitan. Kanina ko pa talaga napapansin si Steve na kinukulit si Cliren. Aba't kailan pa naging makulit si Steve?

Napailing na lamang ako sa kanila.

Napagtanto ko rin na pinalilibutan kami ng mga love birds. Hay naku, rarami talaga ang langgang mamaya.

Tiningnan ko ang oras at 1:30 am na pala. Kanina pa talaga sumasakit ang ulo ko pero tiniis ko lang ito kanina, kasi sasamahan ko pa si Blue. Kung 'di lang dahil sa kanya, hindi talaga ako pupunta sa Ball.

Uminom naman ako ng gamot kanina pero nawala na yata ang bisa. Giniginaw na rin kasi ako sa suot ko dito. Duh? Ikaw ba naman naka-suot ng damit na walang likod, 'di ka ba giginawin. Sana maka-uwi na kami, ayoko rin naman maging kj kaya hihintayin ko na lang sila matapos.

Tiningnan ko si Blue na nanahimik lang sa tabi. Ay? Bitter.

Tsk, buti pa si Revenie binigyan ni Bran ng jacket. "Pst," lingon ko kay Blue.

"Pahiram naman ng jacket o? Giniginaw na kasi ako, please?" Pagmamakaawa ko sa kanya.

Kapag hindi niya ako pahihiramin, isusumbong ko siya kay Steve! Hmp!

"Tss, kung bakit kasi nagsusuot ng mga damit na nagkulang sa tela," masungit niyang sabi at inirapan ko lang siya.

Duh? Fashion kaya 'yan, nagkulang sa tela niya mukha niya! Bwiset, hindi gentleman!

"Blue please? Seryoso, giniginaw na talaga ako," sabi ko.

"Giniginaw rin ako."

Ayaw mo ibigay ha!

Nilapitan ko siya at kukulitin ko siya hanggang sa ibigay na niya ang jacket niya. Hinahawakan ko ang tuxedo niya at hinihila ito na parang bata. "Please? Please?"

Hindi niya ako pinapansin at pinapalo lang ang kamay kong nakahawak sa tuxedo niya. Ang sama nito! Pero hindi pa rin kita tatantanan.

"Akin na 'to please? Blue please?"

"Ano ba?!" Sigaw niya at natigilan naman ako.

Sa lakas ng sigaw niya halos magising na niya ang mga kapitbahay nina Zeke. "Shhh, tumahimik ka nga. Nanghihiram lang naman e," pagmamaktol ko at tinantanan na siya.

I give up. Ang sungit niya! Hindi naman siya ganyan dati a. Nakaka-panibago na talaga siya.

Lumayo ako sa kanya at sumanda sa isang puno. Niyakap ko na lamang ang sarili ko upang mainitan ng kaunti. Sheesh, mukhang dadapuan talaga ako ng sipon nito.

Tumingin ako kina Zeke at mukhang hindi pa sila tapos sa pag-uusap. Konting tiis lang Den...


Blue's POV

Ang akala ko ay hindi na ako maaapektuhan kina Steve. Pero nang makita ko silang dalawa ay nasasaktan pa rin ako.

Siguro nga, tama si Den nang sinabin niyang infatuation lang ang nararamdaman ko. Pero hindi naman talaga maiiwasang masaktan ka. Alam kong hihilom din 'to, hihintayin ko lang talaga ang araw na 'yun.

Hindi ko rin alam kung bakit ako biglang nagbago. Siguro nga talaga, pain can changed us.

Inaaamin ko ring nagbago ako para magustuhan ako ni Steve, pero wala namang nagbago. Sana... makalimutan ko na talaga siya.

Umalis ako sa kina-uupuan ko at nakita ko si Den na yakap-yakap ang sarili habang natutulog. Agad akong kinatok ng konsensya ko. Alam niya namang nag-eemote ako sa tabi e, kinulit niya pa ako. Nasigawan ko tuloy, alam kong mali ako kaya nga nako-konsensya na ako di ba?

Nilapitan ko siya at hinuban ang tuxedo ko. Inilagay ko ito sa kanya at nang ayusin ko ito sa bandang leeg niya--- ang init niya.

Kinapa ko ang noo niya at ang init talaga niya. Nasapo ko na lamang ang noo ko, gago ka kasi! Hindi mo binigay ang jacket mo kanina!

"Den?" Tawag ko sa kanya.

Umungol lang siya at halatang giniginaw. Shit Blue! Tulungan mo!

Tiningnan ko sila at puro sila busy sa mga love life nila. Leche na 'to o, saan ko siya dadalhin?

Iniwan ko muna siya sandali at nilapitan si Zeke. Sinabi kong ipapasok ko muna si Den sa bahay nila. Um-oo naman siya kaya agad kong kinarga si Den.

Habang karga-karga ko siya patungo sa loob, bigla siyang gumalaw. Mukhang nagisinng ko yata.

"Anong-- Huh? Blue---"

"Shhh, ang taas ng lagnat mo. Sana sinabi mo agad para naagapan."

"Ibaba mo na ako, kaya ko naman--"

"Hindi! Manahimik ka diyan," matigas kong sabi at mabuti naman at sumunod siya.

Ano ba'ng nasa isip ng babaeng 'to at kinimkim lang na masama pala ang pakiramdam. Sana sinabi niya kanina nang maihatid siya sa kanila. Edi sana nakapag-pahinga siya. Tsk, mas lalo tuloy akong na-konsensya. Siya kasi e!

Nang marating namin ang sala at pinahiga ko siya sa sofa. Naghanapa ko ng iilang gamot at kumuha ng tubig.

"Inumin mo nang gumaan ang pakiramdam mo." Utos ko sa kanya at tiningnan niya lang ako.

Kumunot naman ang noo ko. "Bakit?"

"Hindi ako nakaka-lunok ng tablet o capsule."

Kinamot ko na lamang ang batok ko. Paano siya um-inom ng gamot? Wala naman yatang syrup doon sa medicine kit nina Zeke. Aish!

"Pilitin mo," suhestiyon ko at agad naman siyang umiling.

"Susuka ako niyan, gusto mo bang dagdagan sakit ko?"

Aish! Napasubo tuloy ako nito. "Dudurugin ko 'to at ilalagay sa tubig. Inumin mo, okay?"

Dinurug ko ito sa maliliit na piraso at inilagay sa tubig. Tiningnan ko siya mula sa kusina at nakahiga lamang siya.

Bakit ba kasi ang tagal nilang nag-uusap? Nagka-sakit na nga 'tong kaibigan nila, 'yun pa rin inaatupag. Tch!

"Den," tawag ko sa kanya at nagising naman siya. "Inumin mo muna o."

Ini-abot ko sa kanya ang gamot at mabuti naman at in-inum niya. Inalalayan ko siya sa paghiga at isinuot sa kanya ang tuxedo ko.

2:00 am na at hindi pa rin sila tapos. Grabe naman 'yung pag-uusap nila. May plano pa ba silang matulog? Tch, siguro sasabihin ko na lang kay Zeke na dumito na muna si Den. Mukhang pagod na talaga kasi siya at baka hindi na niya kaya pa.

Kaya pala hindi siya masyadong nagsasaya kanina sa Ball. Baka kanina pa sumasakit ang ulo niya at iniinda niya lang ang sakit. Bakit niya naman ginawa 'yun? Pwede namang hindi na rin ako dadalo sa Ball. Tutal, hindi naman importante sa 'kin 'yun.

Denaery... bakit mo ginagawa ang lahat ng 'to?

Um-upo ako sa gilid niya. Nilagay ko sa tainga niya ang iilang lagas ng buhok niya. Kinapa ko ang noo niya at mabuti naman at hindi na siya masyadong nilalamig.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Pinagmasdan ko ang mala-anghel na mukha niya. Kung sana una kitang nakilala Den... sana ikaw na lang ang nagustuhan ko. Sana nga ikaw na lang.

Hindi ko sinasadyang masigawan ka kanina. Nagsisisi na rin ako dahil hindi ko binigay ang tuxedo ko. Dahil dun mas lalo ka tuloy gininaw.

Itinaglid ko ang aking ulo at lumapit sa kanyang mukha. "I'm sorry," bulong ko at hinalikan ang kanyang noo.

"I'll take care of you."

~*~

Skip a DanceWhere stories live. Discover now