Dance - 36

809 40 40
                                    

A/N: Salamat sa lahat ng sumabaybay sa istorya kong ito. Mapa-silent reader ka man o hindi basta SALAMAT, Thank you!

Malapit na po pala itong matapos, 24 chapters to go at sana patuloy niyo itong subaybayan hanggang sa huling chapter. Gusto niyo ng kiligan moment? Ito na ang hinihintay niyo! Isisingit ko ang mga konting love story nila.

Bawat pares ay gagawan ko ng istorya kaya abangan!

Nagmamahal,

Si Pusang Writer.

~*~

Zeke's POV


"May napapansin ba kayo?" Tanong ko sa kanila nang umalis na si Steve at kaming apat nalang nina Bran, Rev at Kei ang natira.


"Na ano?" Ani Kei.


"Kina Steve, Blue at Cliren ba," sagot ko at nagulat naman ako ng biglang pinalo ni Rev ang lamesa.


"Sabi ko na nga ba e! I knew it Bran! I knew it!" Biglang sigaw niya at kumalabog talaga ang mesa.


Lahat kami ay gulat na napatingin sa kanya. "Ano'ng ibig mong sabihin Rev?" Tanong ko.


Bumuntong-hininga siya at seryoso kaming tiningnan. "Alam kong may something sa kanila e, 'yung madalas na pagsasama nina Blue at Steve. Tapos si Cliren biglang iiba ang mood. I sensed it... may something fishy talaga."


"Sus, kayong mga babae, grabe niyo makahinala. Guni-guni niyo lang 'yun," ani Bran at inirapan agad siya ni Rev.


"E, kung sundan kaya natin?" Suhestiyon ni Kei at napaisip naman ako roon.


Sundan? Bakit naman? Para kaming stalker niyan.


"Good idea!" Sigaw ni Rev.


"Na naman?!" Gulat ring saad ni Bran.


Bakit ba sila sigaw ng sigaw? Saka, anong na naman? Sinundan na ba nila sina Steve? Ako yata ang may naamoy dito e.


"'Wag ka naman kayong sumigaw... nakakagulat naman kayo e," sabi ko at nag-peace sign lang si Rev sa'kin.


"So, ano? Game? Alam ko hindi pa sila nakakalayo ngayon," ani Kei at tumango kaming lahat maliban kay Bran.


Tiningnan namin siya at "Oo na! Tch, dinamay pa ako sa kalokohan niyo."


"So ganito gagawin natin," panimula ko. "Tayong dalawa Rev ang susunod kay Steve at sila naman sa mga lalaki."


"Aye, aye ma'am!" Sigaw niya at napakamot naman ako sa batok ko.


"Kami na lang ni Kei, magsama kayong mga maiingay! Sige na, at baka hindi na natin sila maabutan."


"Ay? You're so bad Zeke, hmp!"


Sinundan na namin sila at ang sasakyan nina Blue at Cliren ay nakasunod kay Steve.

Skip a DanceOn viuen les histories. Descobreix ara