Dance - 21

881 59 39
                                    

~*~

Bran's POV

"B-bran--" nauutal na sambit niya sa pangalan ko. Hindi ko rin alam kung bakit napaka-sarap pakinggan ng pangalan ko. Puno ng emosyon ang tinig na 'yun. Baka ilang minutoay bubuhos na talaga ang luha niya.

Hindi ko rin alam kung bakit ko 'to ginagawa ngayon.

'I just.. I don't know'

Maybe I know how it feels to be alone. That no one could understand you. That you have no one to lean on. Masakit. Masakit na masakit. Mabigat sa kalooban na wala kang mapagsabihan. Hindi ko siya hahayaang maramdaman 'yun.

"Shhh.. just let your tears fall Rev. Ilabas mo lahat 'yan." sabi ko at hinihimas ang kanyang likod. Ramdam ko na nababasa na ang polo-shirt ko. Umiiyak na talaga siya. Hindi na siguro niya kaya. Masakit naman talaga ang nangyari sa kanyang mga kaibigan. Hindi ko pa man nararansan 'yun, alam pa ring masakit.

"I have no person to talk to! I have no friends! I have no one to lean on.. to cry on." humihikbing sabi niya. Napa-pikit na lamang ako at napa-buntong hininga.

"You have Rev. You have.."halos pabulong na sambit ko. Alam kong hindi maiibsan ang nararamdaman niyang sakit ngayon. But I  just want to let her feel that she's not alone.

"Masama ba akong tao Bran? Bakit nila ako iniwan? Masama ba ako ha? Masama b-ba?" mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya. Ito lang yata ang maibibigay ko ngayon sa kanya.

"No Rev, mabuti kang tao. Alam kong mabigat ang loob mo ngayon. Ilabas mo lang lahat. suntukin mo na ako't lahat, gumaan lang 'yang nararamdaman mo.." kumalas siya pagkaka-yakap ko at humarap sa akin.

Pinunasan ko ang mga pisngi niya na basang-basa ng luha. Tiningnan niya ako ng mabuti sa mukha na para bang sinusuri niya ang anyo ko. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi at--

"Awwww! Aray! Ang sakit! Bakit mo ginawa 'yun?!" namimilipit ako sa sakit ng bigla niyang sinipa ang tutot ko! Damn this girl! Hindi niya ba alam na 'yun ang kahinaan ng isang lalaki? Ang sakit!

Napa-upo na lamang ako sa sakit at mukhang nagulat pa siya sa ginawa niya. Natulala lamang siya habang tinititigan ako.

"Oh my gawd.." mahinang asik niya at natutuop ang sarili niyang bibig.

"Shiiiitt! Ang sakit hooo!" isinigaw ko na lamang ang sakit!

"I'm so sorry. Sorry oh no! You tell me kasi na gawin ang lahat, kaya binuhos ko ang galit ko sa'yo." Kinakagat niya ang kanyang daliri habang tinitingnan ako.

Hindi na ako naka-imik sa sakit. Pakiramdam ko tuloy mahihimatay na ako sakit! Ang lakas ng pagsipa niya. Halata ngang galit. Nagsisisi na tuloy ako sa sinabi ko. Bakit ko nga ba sinabi 'yun?!

"You're so red na oh, huhuhu I'm so sorry." malamang sinipa mo! Masakit dude!

"Hindi ko naman intensyon 'yun eh. Kusa na lang yata gumalaw ang paa ko at nasipa ka. Sorry.." parang nanlalambing na sabi niya. Ano ba'ng klaseng paa na 'yan at nagkusa. May utak ba 'yan? Damn! Damn! Damn!

"Sumagot ka naman oh. Sorry talaga." paano ako sasagot sa kalagayan na'to? Eh namimilipit na nga ako sa sakit eh! Papasagutin pa ako. Nag-iisip ba siya?!

"O-o-okay l-ang.." pilit akong tumayo ng maayos. Parang mamamaga na eh. H'wag naman sana. Swear! Pag-iisipan ko na talagang mabuti ang sasabihin ko kapag kaharap 'tong babaeng 'to.

"S-sure ka?" alanganing tanong niya pa.

Tumango lamang ako bilang sagot. Ang sakit talaga eh. Para na akong maiiyak. Peneke ko lang ang ngiti ko at inalalayan niya naman akong makatayo.

Skip a DanceWhere stories live. Discover now