Dance - 31

1.1K 54 35
                                    

~*~

Blue's POV


Alas-sais pa lamang ay gising na ako. Nag-usap kami ni Steve na hahanapin namin ang taong nasa picture. Alam naming mahirap dahil hindi namin alam kung saan magsisimula. Kaya naisipan naming manghingi ng tulong sa isang investigator. Hindi ito alam ng grupo pero wala naman silang pakialam kaya hindi na rin importante.


Matapos kong maligo at magbihis, hindi na ako nag-abala pang kumain at umalis na ng bahay. Sina Bran, Rev at Kei ngayon ay abala na sa pagpa-practice. Hahabol kami mamaya ni Steve dahil may practice din kami para bukas.


Nang nakarating ako sa pinag-usapan naming lugar ay wala pa roon si Steve. Isa itong park, may mga nagjo-jogging pa at may nagtitinda. Medyo marami ang tao na tumatambay dahil maraming kahoy dito at nakaka-relax.


"Haay, ang tagal naman ni Ste- ay! Stevenese!" Sigaw ko nang nakita ko na siya sa harap ko. Grabe naman 'tong babaeng 'to, pasulpot-sulpot na lang bigla. Bakit ba kasi hindi siya nagsasalita?


"Magsalita ka naman! Hindi ko yata namalayan na nasa harap na kita?" Tanong ko.


"Tss, tara." Aba't- ang sarap talaga nito kausap.


"Mahal ba talaga ang mga salita mo?"


Hindi na niya ako sinagot at naunang naglakad. Naku.. naku.. naku! Kung hindi lang 'to babae, kanina ko pa 'to binatukan. Hindi marunong sumagot ng maayos!


Naging tahimik ang paglalakad namin na para bang may patay na nasa unahan sa sobrang tahimik. Kahit tanong ako ng tanong sa kanya eh- wala akong nakuhang sagot kundi kibit-balikat at tango. Ang sarap no?


Narating namin ang opisina ang investigator at saktong naroon na siya. Binuksan ko ang pintuan at pina-una si Steve. Siyempre sa ugali nun ay wala akong nakuhang "thank you" sa kanya.


"Good morning Sir Isas, kami po 'yung tumawag sa'yo kahapon." Panimula ni Steve at umupo.


"Good morning, so you... kids?"


"We are not kids." Supladang sabi niya at nginitian ko na lang si Sir Isas bilang paumanhin.


"Okay then, ano ba'ng kaso yan?" Tanong niya.


Sinabi naman ni Steve ang mga pangyayari at ipinakita ang pictures. Mukhang hindi na nga kailangan ang tulong ko dito. Halos wala akong nasabi at si Steve lahat. Ano ako dito? Body guard niya? Aba sarap ng buhay ng babaeng 'to.


Tutulungan naman daw kami ni Sir Isas at gagawin niya ang kanyang makakaya. Mas madali ay mas mabuti ngunit kulang raw kami sa ibedensya kaya matatagalan ng konti.


"Tara, puntahan na natin sila, magpa-pratice pa tayo para bukas. Tsaka may klase tayo sa lunes. Kailangan nating humabol sa klase." Sabi ko sa kanya ngunit tiningnan niya lang ako na para bang walang kwentang bagay.

Skip a DanceWhere stories live. Discover now