Dance - 33

876 44 26
                                    

~*~

Revenie's POV


Isang linggo na ang nakaraan noong sumayaw kami. Naging successful ang pinaghirapan naming lahat. Medyo naging magulo pa kami sa sayaw namin dahil hindi pa masyadong organisado ang galaw namin. Siguro dahil marami kami, pero nagawa pa rin namin iyon ng maayos.


Ang resulta ay syempre- kasali kami sa Battle number two, which is semi-finals na. Ang sasayawin naman namin ay tango, kaming lahat ang sasayaw nun. Pero may konting problema lang kami, wala kasing pares si Blue. Hindi rin naman namin hahayaang hindi siya makasali sa round na ito.


Suhestiyon ni Steve ay maghanap raw kami ng makaka-pares ni Blue, pero ang hirap naman yata nun.


"Eh kung sa theme kaya natin ay may isang babae na dalawa ang partner? Kumabaga ay inaagawan kunwari siya ng dalawang lalaki. What do you think?" Suhestiyon ni Cliren at napatango naman ako.


"Good idea Cliren!" Pagsang-ayon ko at tiningnan ko naman sila. Tumango rin sila kaya napalakpak ako sa saya.


"Ang galing! So, let's start?" Anyaya ko at nagsimula kaming mag-choreo.


Gusto ko ang sasayawin namin ngayon dahil sabay2 na kaming lahat. Medyo mahirap nga lang dahil hindi ako mahilig sa tango.


"Naaay! Gustong-gusto 'to ni Cliren kasi medyo malandi ang tango. Hahaha." Pang-aasar ni Blue kay Cliren.


"Tch! Bakit ba palaging ako?"


Tinawanan lang namin siya dahil mukhang pikon na pikon na siya. Talaga naman oh. They are so cute kapag nag-aasaran. Sana bumalik ang dating Wild Cats. I want us be back again. I want Wild Cats back, pero paano?


Kaibigan ko pa rin si Den but I just can't give her my full trust. Alam ko ang ugali nina Tierra at baka trap lang 'yun. Ginamit si Den upang mapaniwala kami at mabitag sa patibong nila.


Hindi ko lang talaga maintindihan. Siguro ay aalamin ko ang lahat na'to. Darating ang araw na mabubuking din ang lahat- lalabas ang katotohanan at magiging normal na ang lahat... gaya ng dati.


"Rev?" Natauhan na lamang ako nang tapikin ako ni Bran.


"Are you okay? Natulala ka yata?" Tanong niya at umiling lang ako.


"Okay lang ako, 'wag mo akong intindihin." Nag-peke lang ako ng ngiti at mukhang naniwala naman siya.


Nagpatuloy ang practise namin at nang gumabi ay sabay na kaming pumasok sa klase. Ginagawa namin 'to matapos ang practice namin upang makahabol sa klase. Syempre graduating kami kaya nagsisikap kami.


May binibigay lang sa'min na special project upang hindi kami bumagsak.


"That's all for tonight and you may now go." Paalam ng ni Miss Yuri na siyang nagtuturo sa'min sa gabi.


Skip a DanceWhere stories live. Discover now