Dance - 25

948 54 39
                                    

~*~

Zeke's POV

Naiinis talaga ako sa pagmumukha nung Kei na 'yun! Sarap pektusan at isako patiwarik! Leche! Nakaka-badtrip!

Hindi ko rin alam kung bakit ako naiinis sa kanya basta't naiinis ako sa kanya. Oo, tinulungan nga niya-- nila kami, feel na feel niya naman na superhero siya. Tch!

Sa badtrip ko ay nauna na akong lumabas kay Revenie. Baka maka-suntok pa ako ng hindi sa oras dun. Kunot ang noo kong lumabas dun. Badtrip nga kasi ako!

Papunta na sana ako sa gate nang makita ko si Denaery na umiiyak sa ilalim ng kahoy. Nakaupo siya doon at pinako ang ulo niya sa kanyang mga tuhod. Umalingawngaw ang boses niya dahil wala ng tao sa skwelahan at tahimik na.

Hindi talaga ako nalilinawan tungkol sa pag-alis niya. Gusto kong malaman ang dahilan niya. Wala naman kasing sinasabi sa'kin si Revenie. Ang sabi niya parati ay-- pagod na raw siya sa amin. Weirdo di ba?

Nakaramdam ako ng galit sa kanya, ngunit hindi ko rin mapigilang maawa. Kaibigan pa rin namana ang tingin ko sa kanya.

Halatang nagpipigil siya sa paghikbi. Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan niya. Mukhang hindi niya namalayan ang presensya ko dahil busy'ng busy siya sa kakaiyak. May konting kirot akong naramdaman sa dibdib ko. Naaawa akong nakamasid sa kanya na nag-iisa.

Tumikhim ako nang makalapit ako sa kanya. Nasa harap niya ako. "Den."

Tumahimik siya ngunit hindi nag-angat ng tingin. Mukhang nagulat ko yata siya.

"Denaery.." tawag kong muli sa kanya.

Mukhang pinakiramdaman niya muna kung sino. "Stay away from me." Humihikbing saad niya.

Hindi niya pa rin ako tinitingnan. Umupo ako upang maging pantay kami.

Kinapa ko ang panyo ko sa bulsa ko at ini-abot ito sa kanya. "Can you just look at me for a sec Den?" Paki-usap ko sa kanya. Gusto ko talaga siyang maka-usap. Gusto kong malinawan sa lahat-lahat ng nangyayari.

"No," gumagaragal ang kanyang boses. "Wala na akong m-mukhang ihaharap sa i-inyo." Nagkakandautal na saad niya.

"Pwede mo akong maka-usap Den. Makikinig ako." Pinunasan niya muna ang kanyang luha bago humarap sa akin.

Namumugto at namumula na ang kanyang mga mata. Kita ko rin na ang laki na ng eyebugs niya at medyo pumayat yata siya. Mukhang depress. Mas lalo akong naawa ngayon sa kanya.

"Denaery!" Napaigtad ako sa galit na boses na umalingawngaw. Sino 'yun? May tao pala?

Agad tumayo si Denaery at mariing pinahid ang kanyang luha. Tumakbo siya at hindi ko na siya nahabol pa dahil may kumalabit sa braso ko na ikinagulat ko naman.

"Sino ka?!" Aambahan ko na sana ng suntok kaso lumantad ang mukha ni Steve.

"Leche! Nakaka-gulat ka ah!"

"Ako pa ni-leche mo? Ako na nga 'yung malapit mo masuntok! Kapal neto," inirapan niya lang ako at ngumiwi. "Sadista." Bulong niya pa.

Nanlaki ang mga mata ko at tiningnana siya na may halong pambabanta.

"Ano'ng sinabi mo?"

"Wala!" Sigaw niya. Akala siguro nito nasa kabilang baryo ako kung maka-sigaw. Malala pa sa nakalunok ng megaphone. Tatahimik-tahimik lang pero kapag naka-dada na ang ingay!

Pero teka-- nakita niya ba si Denaery kanina? Bakit hindi man lang siya nagtanong patungkol doon? Ay nga pala, nakalimutan kong wala pala 'tong pakialam. Tch!

Skip a DanceWhere stories live. Discover now