Dance - 43 ( Senior's Ball part 1 )

814 38 15
                                    

~*~

Stevenese's POV

Minsan sa ating buhay ay may malungkot na karanasan, ngunit binabawi rin ito ng mga kasayahang pangyayari na naganap sa ating buhay. Tulad ng pagkaroon ng bagong kaibigan, hindi lang basta-bastang kaibigan kundi tunay na kaibigan.

Hindi ko namalayan na malapit na kami ga-graduate at parang kailan lang, first year high school pa lang kami. Ngayong gabi na 'to ay ang Senior's Ball namin at bukas makalawa graduation na namin.

Malungkot isipin na magkakahiwalay na kami dahil magco-college na kami. Hindi naman sa hindi na kami magkikita-kita, pero hindi na kami magkakasama sa isang skwelahan. Si Revenie ay sa Paris na magco-college, ang layo nun dito sa Pilipinas. Hindi ko pa alam kung saan sila ni Zeke at Den dahil pinag-iisipan pa raw nila. Ako naman... hindi ko rin alam.

Bahala na nga 'yan, hindi ko muna iisipin 'yun at magsasaya muna kami ngayon.  Kasalukuyan akong nagkukulong sa buhok ko. Nakasuot ako ng isang petite na red dress hanggang sa paa, sleeveless ito at kita rin ang buong likod ko. Naka-heels ako ng silver na 6 inches at konting make up lang.

Medyo naco-concious lang ako sa suot ko, si Revenie kasi ang nag-pili sa mga susuotin namin. Oo naman ako ng oo sa mga sinasabi niya at huli nang na-realize kong sobrang sexy pala ng pinili niya. Wala akong choice kaya ito na lang talaga ang susuotin ko.

Nang matapos ko na ang pagkukulong ko ng buhok ko, may biglang kumatok sa pinto.

"Pasok," sabi ko.

Bumukas ito at nakita ko si mommy. Ang kunot ng noo niya at hindi ko maipinta ang reaksiyon niya, mukha bang naka-kita ng bold star.

Napairap na lamang ako. Revenie kasi! "Dalaga na ang baby ko!" Sabay lapit niya sa 'kin at akmang hahalikan ako.

Agad akong umiwas at ngumiwi naman siya. Ayan na naman si mommy sa kalokohan niya. "Mom! Alam niyo namang ayaw kong kinikiss." Pagmamaktol ko.

"Sus, pero baby pa rin kita. Magpa-halik ka lang ng kung sinong lalaki, naku! Ma-uupakan ko talaga."

"Mommy! Hindi no."

"Tseh! Hindi mo mukha mo. Lumabas ka na at naghihintay na si Cliren," may halong panunukso ang mga mata niya at ngumuso naman ako. Si mommy talaga o.

"Why are you looking like that mom?" Ngumuso ako.

Ayan kasi ayaw ko e, ayaw ko talagang tuksuhin. Nakakapikon at nakakarindi!

"Like what baby? Hahaha ang ganda talaga ng anak ko, sige na labas na! Shoo!" Ayan na naman siya sa pantataboy sa 'kin.

Tumango lang ako at muling sumulyap sa salamin. "Okay na 'to."

Lumabas na ako sa kwarto at agad kong nakita si Cliren sa sala. Nanlaki ang mga mata ko nang makita na naka-red suite rin siya, white polo sa loob at red ang neck tie.

"Well look at that, magka-parehas pa tayo ng kulay o, nag-stalk ka 'no?" naka-ngiting sinabi niya at kinuha ang kamay ko.

Inirapan ko lang siya. "Asa ka, nagkataon lang."

Humalakhak siya at inalalayan ako papalabas. "Bye mom," paalam ko kay mommy ay ngiting-aso niya naman akong kinawayan.

"Bye baby ko!"

"Huwag po kayong mag-alala ma'am at iingatan ko ang date ko." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Kung maka-ma'am ang isang 'to.

Tumawa si mom. "Just call me tita hijo," ngiti niya at nasapo ko na lamang ang noo ko.

"Una na po kami." Paalam niya bago ako pinag-buksan ng pinto.

Nang naka-upo na siya ng matuwid ay agad niya itong pina-andar. Tahimik lang siya at hindi na rin ako nagsalita. Pakialam ko ba kung ayaw niya akong kausapin.

Skip a DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon