Dance - 50

1.2K 41 14
                                    

~*~

Denaery's POV

Una akong umahon sa dagat dahil nag-presenta akong magluto ng hapunan. Igi-grill ko ang isda, manok at baboy. 'Yun kasi ang request ng karamihan. Masarap din kaya 'yan lalo na't kakagaling lang namin maligo sa dagat.

Habang naglalagay ako ng sauce, masaya ko silang tinitingnan sa dagat. Nang mahagip ng paningin ko si Blue, agad nag-init ang pisngi ko. I really don't know what is he thinking. Hindi ko naman kasi binibigyan ng malisya ang ginagawa niya sa 'kin.

Pero hindi ko alam kung unti-unti na akong naapektuhan. He's a nice guy, hindi malayong magkaka-gusto ako sa kanya. But ayoko talagang umasa na may nararamdaman din siya sa 'kin. Alam kong kaka-move on niya lang. Hindi naman siya siguro makaka-hanap kaagad ng pamalit kay Steve. Puppy love man iyon o infatuation, still, nagustuhan niya si Steve.

Hindi ko na muna 'yun inisip at tinuon ko na lamang ang atensyon ko sa pagluluto. Lumubog na ang araw pero hindi pa rin sila umaahon. Kanina pa ako nagluluto dito at na-eenjoy ko naman. Kapag ganitong outing, ako talaga ang nagluluto. Gusto ko kasing mag-grill.

Umupo muna ako sandali at napagod ako sa kaka-paypay ng mga isda. Isang plato na lang talaga ang tapos na ako.

"Den." Napalingon ako sa gilid. Si Blue.

Umayos ako sa pagkaka-upow. Why is my heart pounding so fast suddenly? "Blue, gutom na ba kayo? Sandali na lang 'to," sabi ko at agad naman siyang umiling.

"I just want to help you," aniya at kinuha ang paypay sa kamay ko.

Buti naman naisipan niyang tumulong. Tch, ngayon pa na konti na lang. Tseh! Pero okay na rin nang makapag-pahinga ako sandali.

Tumayo ako at tiningnan siyang nagpapaypay. "Marunong ka?" Tanong ko sa kanya.

Liningon niya ako. "Syempre naman, ano'ng akala mo sa 'kin?"

Tumawa ako at nag-peace sign sa kanya. "Nagtatanong lang naman e."

Naging tahimik lang kaming dalawa, habang tiningnan ko siyang nagluluto ay tumutulo ang pawis niya. Kinuha ko ang towel at ini-abot 'yun sa kanya. "Magpunas ka muna o."

"Okay lang, malapit naman rin itong maluto," aniya.

"Sige na o," pangungulit ko sa kanya.

"It's okay Den."

"I insist."

Bumuntong-hininga siya. "Ang kulit!" Kinurot niya ang ilong ko.

Para akong ginapangan ng mga boltahe nang gawin niya 'yun. Hindi ko na siya kinulit pa at ako na mismo ang nagpunas sa kanya. Inilag niya ang kanyang mukha pero hinawakan ko ito at inilapit sa 'kin. Ang arte ng lalaking 'to! Ako pa aayawan niya a.

"O edi tapos!" Sabi ko at inilagay ang towel sa upuan.

Ngumiti lang siya at umiling. Lumapit ako sa kanya at tiningnan ang isdang niluluto niya.

Inamoy ko ito. "Ang bango!"

Napaigtad ako nang bigla siyang lumapit sa 'kin. "H-hoy, ano'ng ginagawa mo?"

"Thanks," bulong niya sa tenga ko.

Nagwawala na naman ang mga paru-paru sa tiyan ko. His voice is just like a song playing on my head. "K-kailangan ba talagang ibulong ang thank you?" Tanong ko sa kanya at nginisihan niya ako.

Damn smile Blue! Nakakalusaw!

Pakiramdam ko ay kasing pula na ng kamatis ang mukha ko ngayon. Ghad Denaery, calm your self okay? Thank you lang 'yun! Ano ka ba!

Skip a DanceWhere stories live. Discover now