Episode 5: Clash of Titans (Part 3)

Ξεκινήστε από την αρχή
                                    

"Kung nagpapaka-martyr ka dito sa DVG, hindi ko kasalanan 'yon," durot ng kanyang tinig sa nakikinig. "Kaya 'wag mong isisi sa trabaho ko ang heartbreak mo."

"... Ginusto mo 'yan diba? Ikaw ang nagsusumiksik ng sarili mo sa buhay namin ni Xander."

Tuluyan nang nawalan ng kibo si Alice. Sa mabibilang na beses niyang nakasalamuha ang dalaga'y ngayon lang niya itong nakitang tumitig nang marupok. May ngiwi sa patuloy nitong pag-atras na awtomatiko nitong ginawa habang iginigiit niya ang katotohanan. Siguro nga nasasaktan ito—pero hindi parin iyon dahilan upang tuluyan siyang manahimik.

"Akala mo ba hindi ko alam na tine-text mo parin ang asawa ko?" Pagbubuko niya rito.

"... 'I dreamt of you kissing me and me kissing back.'"

"... 'Maybe in another lifetime, we'll have our happy ending.'"

"... Sounds familiar to you?"

Lalong nagulantang ang itsura ni Alice. Nanlaki nang labis ang mga mata nito't bumugso ang dibdib na tila hindi na makahinga. Sa pamumula ng mukha't pag-iwas ng tingin ng babae'y alam niyang unti-unti itong kinakain ng hiya sa mga ginawa.

"Y-You read his messages?" Sabi ng dalagang advisor.

"At bakit hindi?"

"That's his private... personal... propert—"

"Property?" Tumaas ang parehas niyang kilay sabay ng paghalukipkip ng mga kamay. "Sige, let's talk about that. Let's talk about what's yours... and what's mine."

"... Your opinion on my decisions? That's yours. Keep it to yourself. But Xander? He's my husband, he's mine. So back off."

Parehas na mala-tigreng panlilisik ang naging batuhan nilang dalawa ng tingin. Kung anong itinapang ng palaban niyang mga mata'y siya namang ikinapusok din ng halu-halong emosyon sa buliga nito. Hindi ata talaga ito magpapapigil. Lalaban at lalaban ito hangga't kaya pa't pwede.

"Do you think you can get rid of me that easily?" Wika na ng nagiinit ulit na si Alice. "As far as you're concerned, I'm already a partner. I have a say when it comes to certain things in this company."

"That doesn't mean the entire operations would have to go through you," patuloy naman niyang alma rito.

"... I'm the one in charge here. So, check your ego before you go through that door, because once you're in my office, my word is final."

"So, matapang ka na ngayon? Is that it?" Buwelta parin nang naka-angil na babae.

Natawa na lang siya't saka tumalikod at lumakad pabalik sa kanyang upuan.

"Magpasalamat ka na lang na hinahayaan lang kita. You can proclaim yourself a 'partner' all you want, but I'm still your superior," huling banat niya't banta.

"... So watch yourself. Klaro ba?"

Wala nang nagawa si Alice kundi ang magdabog nang pahampas sa kanyang mesa. Hindi naman siya naingli. Sinundan lang niya ng malamig niyang tingin ang lahat ng kilos at yabag nito bago ito tuluyang kumaripas palabas ng kwarto.

Fated to Love You: BOOK 3 || Social Serye [FINALE]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα