"Pero kung sakali mang mangyayari 'yun sa ibang babae mo dati... humanda ka sa 'kin Ericjan. Baka ikaw ang una kong gilitan. Sa itaas at ibaba." Saad pa ni Devee habang matalim ang mga titig na ipinukol sa binata.

Mabilis namang napalunok ng laway ang lalaki at wala sa sariling napayakap sa baywang ni Devee.

"I won't do anything, wife. Promise. Takot ko nalang sa 'yo. Mahal kita." Anito at mabilis na hinalikan ang pisngi ng dalaga.

"Mas maganda na ang nag kakalinawan tayo ng maaga pa. At least alam mo na kung ano ang mangyayari sa 'yo."

"Roger Commander." Anito na sumalodo pa sa dalaga. "Tara na sa sala at nag hihintay ang bisita mo." Aya nito mayamaya.

"SALAMAT ulit sa tulong mo Devee ha."

"Huwag ka muna mag pasalamat sa 'kin Ingrid. Dahil baka mag bago ang isip ko mamaya at palayasin rin kita dito sa bahay ng fiancee ko. Mag behave ka lang at mag kakasundo tayo." Mataray na saad ni Devee rito. "Ito ang magiging kuwarto mo ngayon habang nandito ka. Kung may kailangan ka, mag sabi ka lang sa kasambahay para maibigay sa 'yo ang kailangan mo. Alam ko naman na wala kang hiya, pero gusto ko pa ring sabihin sa 'yo na feel at home at huwag kang mahihiya." Aniya sa dalaga pagkapasok nila sa guest room.

Natawa pa ng pagak si Ingrid dahil sa mga itinuran ni Devee sa kanya.

"You're so straight forward, Devee. Kung sabagay, hindi ka naman maganda kaya bumawi ka nalang sa ugali mo. Thank you."

"Say it again at ako mismo ang hihila sa 'yo palabas ng bahay na 'to." Anito at inismiran pa ang kausap. "Mag pahinga ka na muna. Ipapatawag na lang kita mamaya pag kakain na. Huwag ka na rin mag abala na kunin ang mga gamit mo sa hotel na tinutuluyan mo, pinakiusap ko na kay Joseph 'yun. Mamaya nandito na rin 'yun. Pahinga ka na."

"Salamat again." Anang Ingrid pag kuwa'y umupo ito sa gilid ng kama habang sinusundan ng tingin si Devee na papalabas ng pinto.

"IS SHE okay?" Usisang tanong ni Ericjan sa dalaga ng makita niya ito sa sala.

"Okay na. Nag papahinga na siya."

"Are you really sure? Hindi ba mag babago ang isip mo wife? I mean, baka magalit ka na naman sa 'kin bigla." Anang Ericjan at mabilis na kinuha ang isang kamay niya para igiya paupo sa mahabang sofa. Sa halip na tumabi siya rito, sa kandungan ng binata siya pinaupo nito habang nakakadena sa baywang niya ang mga braso ni Ericjan.

"Don't worry. Hindi naman ako magagalit sa 'yo. Basta huwag ka lang papalandi sa kanya habang mag kasama kayo dito sa bahay mo."

"Tsk. Of course not. Ikaw lang naman ang hinihintay kong mang lalandi sa 'kin eh." Aniya na nag taas baba pa ang mga kilay kasabay ang nakakalokong ngiti nito sa mga labi. "Gawa na din tayo, wife." Pag kuwa'y nito mayamaya.

"Gawa ng alin?"

"Baby natin. Look, si Ingrid mayroon na tapos tayo wala pa. Dali na. I'm excited na mag karoon na rin tayo ng baby natin." Pangngungulit pa nito sa dalaga habang nag papacute ang mga mata. "Please. Tinulugan mo ako kahapon eh!"

"Sorry. Kinakabahan lang kasi ako." Anang Devee.

"I know. Alam ko kinakabahan ka kasi first time mo. But don't worry I know how to handle... a precious and fragile like you." Aniya na kumindat na naman sa dalaga.

Mabilis na pinamulahan ng mukha niya si Devee dahil sa mga sinabi nito.

"Ang bibig mo. Baka mamaya niyan marinig tayo nina Ate Aning at Marie. Nakakahiya." Anang Devee.

"Tsk. Please---pretty please, wife." Ani Ericjan na pinaulanan pa ng maliliit na halik ang mukha ng dalaga.

Napapabuntong hininga na lamang si Devee habang nag iisip ito kung pag bibigyan ba ang kahilingan ng nobyo. Aaminin niyang bigla rin siyang nainggit kay Ingrid kanina nang malaman niyang buntis ito at mag kakaroon na ng anak.

Agad niyang idinikit ang bibig sa puno ng tainga nito at may ibinulong na siyang naging dahilan ng malapad na ngiti sa mga labi ni Ericjan.

"Oh! Jesus. Thank you." Anito at nag kukumahog na tumayo mula sa kinauupuan at mabilis na kinarga ang dalaga.

"Dahan dahan. Pag ako nahulog. Sinasabi ko sa 'yo."

"Sorry. Baka kasi mag bago ang isip mo wife eh!" Nakangiting saad ng binata at nag tuloy na sa pag akyat sa mataas na hagdan. Pagkarating sa ikalawang palapag ng bahay, halos inilang hakbang lang din ng binata ang kanilang kuwarto at nag mamadaling isinarado iyon.

"Wait, wife. Double locked ko lang. Para walang isturbo." Ani Ericjan na ikinahagikhik na lamang ni Devee habang pinag mamasdan ang binata na nag mamadali binalikan ang pinto at siniguradong naka lock na nga ng maayos.

••••

MY SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED)Where stories live. Discover now