AGAINST ALL ODDS, STILL YOU

300 9 9
                                    

Two years later...

Naghahalungkat ako ng casual outfit dito sa closet ko. May pupuntahan kasi akong importante. Lumagpas na nga ako ng kalahating minuto sa itinakda kong oras ng pag-alis. Kainis naman kasi, na-late ako ng gising.

I was tying my hair into a bun when someone just suddenly wrapped their arms around me, back hugging me. I was startled, of course. Who wouldn't?

I turned around only to see her smiling like an idiot. Here she is again.

"Why would you just come crashing into my house?!" kunwaring pagalit na singhal ko at nagpamewang sabay taas pa ng aking kilay.

She pouted like a child who was scolded by her mother. "Why? Ayaw mo na ba ako rito?" pagda-drama niya pa at hinawakan ang dibdib niya na para bang sobrang sakit ng sinabi ko. Gosh, ang kulit niya talaga!

Ano bang ginawa niya rito sa babaeng kaharap ko at naging ganito?

I rolled my eyes. "Pa'no 'pag sinabi kong oo?"

Umawang ang labi niya na tila ba hindi makapaniwala sa narinig niya sa akin. Grabe, malala na siya. Nahawa na ngang talaga sa kabaliwan niya. "Am I that worthless to you?"

"Come on!" singhal ko. "Stop this shit. Tara na. Late ka na nga, gumaganyan ka pa." pagpuna ko at inambaan siya.

"Yabang neto. Matangkad ka?" pang-aasar niya at ngumisi. Wala na, talo na ako.

Pero syempre 'di ako papayag.

"For your information, tumangkad ako. I'm 18 years old now!" defensive kong sabi. Tinawanan lang niya ako at tinapik ang balikat ko.

"And I'm 20." she chuckled that made me frown even more. "Tara na." aya niya at inangkla ko naman ang braso ko sa braso niya. I don't know, that's automatic between us.

"Buti naman naisipan mo pa, Yanna."

Yanna opened her car's door for me. Sa tabi niya ako pinaupo dahil daw meron nang nakaupo sa likod. Tsk, sabi ko kaming dalawa lang dapat e. Kulit!

Nakaupo na si Yanna sa driver's seat at ni-start na ang engine ng kotse. Tumingin ako sa rear view mirror. Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino ito.

"Why so shocked, babe?" she asked in a flat tone with a blank expression. I shook my head.

Why does she have to act like a stone and cold hearted bitch?

Against All Odds, Still YouWhere stories live. Discover now