Odd 5: New Found

219 10 0
                                    

A S H

Matapos ang proseso ng aking pagluluto, ngayon ay nasa hapagkainan na ang lahat. Itlog na may sibuyas ang niluto ko. Oo weird pero ang sarap kaya nito!

Hay, bigla ko tuloy naalala si Ate Char. Siya talaga ang nagturo sa 'kin na magluto nitong magiging ulam namin ni Ate Yanna ngayon.

Ayon, na-curious ako kaya nagpaturo ako kung paano ba lutuin 'yon. Simula noon, itlog na may sibuyas na ang paboritong ulam ko.

Ate Char, bakit kasi iniwan mo ako ng sobrang aga? Wala na tuloy magluluto ng favorite food ko.

"Kaaga-aga ang lungkot ng mukha mo." tiningnan ko siya at saka ngumiti ng malungkot.

"Na-miss ko lang ang ate ko." sagot ko at sumubo. Masarap naman siya pero, mas gusto ko 'yung gawa ng nagturo sa 'kin e. If only I can turn back the time and taste her version of this again, I would do it. But that's just so impossible.

"Hmm." tumatangong tugon niya. "Dahil ba riyan sa ulam mo?" tanong niya at tumango naman ako bilang pagsang-ayon. "Can I?" she asked as she pointed my dish.

"Yeah, sure." I agreed.

"In fairness, masarap siya." komento niya at sumubo pa ng sumubo. At ako naman ay pinanood lang siya. Hihi, ang cute niya kumain. Parang gusto ko tuloy siyang yakapin ng sobrang higpit!

"Uh, can you stop watching me? Nakakailang kasi e."

"Oh, sorry." I apologized and stood up. "Ilalagay ko lang 'to sa lababo." paalam ko.

"Just leave it there, Ash. Ako na ang bahala."

"Sige." pagpayag ko at dumiretso na sa living room. Maglalaro lang ako no'ng...ano na nga ba 'yon?

"Anong laro ba 'to?" bulong ko at tiningnan ang title nitong video game. Ah, hindi ko maintindihan e, hahaha. Japanese kasi. Basta isa siyang arcade game.

I positioned myself for the game.

Natapos ang first match na panay lang ang sigaw ko.

"Yes! First place! Hindi ka pa rin talaga kumukupas, Ash! Galing! Woah!" sigaw ko dahil sa sobrang tuwa at sumapak sa hangin.

"Ano ba 'yan, Ash?" tanong ni Ate Yanna pero hindi ko siya pinansin at nagtuloy sa second match.

Ready, Set, Go!

Against All Odds, Still YouWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu