Odd 7: Confirmed

238 9 0
                                    

A S H

Dumating si Amrei rito bago kami mag-hapunan kaya nakasabay siya sa amin na kumain. Ngayon ay nasa kwarto na nga kami ni Jane. 'Yung may-ari ay knockout na. Nakahiga na siya sa kama at mahimbing na natutulog.

"Ilang araw ka ba kasi ro'n?" I asked Amrei.

"Depende sa pocket money na dala ko!" aray! Makasigaw ha!

"Ash! Sa kwarto ko raw matutulog si Zin!" pero mas malakas ang isang 'yon. Lintek, ang sakit nila sa tenga! Shouting day ba ngayon at sigaw sila ng sigaw?! Ugh!

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock. Ugh, 3:30 am kasi ang ni-set ko.

Pupungas-pungas pa akong bumangon at pumunta sa CR upang maghilamos. Pagkatapos no'n ay bumaba na ako. Naabutan ko sina Tito Darius at Ate Yanna pati na si Amrei na inihahanda ang umagahan. Pagkakita sa 'kin ni Amrei ay nginitian niya ako agad. That eyesmile again.

"Good morning, sweetie!"

"Good morning too, Amrei. Sa inyo rin po Tito." and they all smiled at me.

Naging mabilis ang aming byahe at ngayon ay nakalapag na ang eroplanong sinakyan namin.

"Ash, hija, maiwan ko muna kayo rito ha? Magpapa-book lang ako ng hotel room."

"Sige po, Tito." sabi ko at ngumiti naman siya sa 'kin bago tuluyang umalis. Akala ko susunod si Ate Yanna pero naiwan din siya.

"Sweetie, nagugutom ako." daing sa 'kin ni Amrei at kinalabit ang braso ko ng paulit-ulit. Before I forgot, narito kami ngayon sa lobby ng hotel.

"May pera ka 'di ba? Bumili ka." pilosopo kong sagot kahit alam kong humihingi siya sa 'kin.

"Ay, ang harsh mo naman." she said with a pout and stood up.

"O, saan ka pupunta?" tanong ko. Humarap siya sa 'kin ng walang bahid ng emosyon. Hala?

"Bibili na ako ng ticket. Babalik na lang ako sa Pilipinas." napatayo ako dahil sa sinabi niya.

"What?! No!" sigaw ko. "Okay, Amrei. I'm sorry. Hindi ko sinasadya 'yon."

"You are?"

"Of course. Here, may sandwich ako sa bag. Bigyan kita." sabi ko at bumalik sa pagkakaupo at hinalungkat ang bag ko.

"Pero, Ash, ginawa 'yan ni J para lang sa 'yo." sabi ni Ate Yanna kaya tiningnan ko siya. Sumabad na naman e.

"I know. Ginawa niya 'to para sa 'kin pero masama bang magbigay ako sa iba?"

"Masyado ka naman kasing paranoid, Yanna. It's just a sandwich, ya' know?"

"Shut up, Zin. Bakit ba kasi sumama ka pa?!"

"Dahil, pumayag si Tita Shille?" painosenteng sagot ni Amrei.

Against All Odds, Still YouOnde histórias criam vida. Descubra agora