Odd 38: Detested

157 5 4
                                    

A S H

Once talaga na tumama na ang lahat sa dapat kalagyan, ang gaan sa pakiramdam. Hindi mo namamalayan na lumipas na pala ang panahon sa sobrang perpekto ng pagkakataon. Katulad na lang ngayon. Isang buwan na naman ang dumaan. Yngrid is doing good, she's better now. Hindi na siya katulad ng dati na halos isumpa at patayin na niya si Yanna. Hindi na siya katulad ng dati na muntik nang mawala sa kontrol at masaktan ako kapag nababanggit ko ang pangalan ni Yanna. She's letting us to spend time with each other, even without her. Mas nagtitiwala na siya sa akin ngayon, and she learned to trust her former right hand as well. I told you, she's better now. Mas nakaka-in love.

About Yanna's moving on stage? I can say that she's near. Hindi ko sigurado kasi siya lang naman ang nakakaalam n'on. Hindi rin niya sinasabi sa akin. Wala rin akong napapansin na nagpapahiwatig sa kaniya kaya wala akong mai-push. Masikreto itong si Yanna. Hay.

"Miss Ash, handa na po ang conference hall." sabi sa akin ni Ate Miyu habang nakatingin sa sahig. Ewan ko ba, kapag oras ng trabaho, itinuturing talaga nila akong isang reyna na dapat igalang at pagsilbihan. Partida pa at karamihan sa kanila ay mas matanda sa akin.

"Susunod ako. Salamat, Agent Miyu." tumango na lamang siya at lumabas na ng opisina ko. Tumayo ako't inayos ang aking mga gamit bago tumungo sa aking destinasyon.

Huminga ako ng malalim at dahan-dahang ibinuga ito. Nanginginig ang buo kong katawan, hindi dahil sa takot o kaba, kundi dahil sa galit na pinipilit kong huwag ipakita. No one knows what I know. Ngayon pa lamang nila malalaman dahil nagpatawag ako ng meeting. Ang mga high ranking lamang ang naririto.

Binuksan ko ang pinto at pinagmasdan sila. Agad silang umayos ng upo at naging seryoso. Pumunta ako sa unahan at isa-isa silang tiningnan.

"I want to perform basic introduction. Let's start with you." agad na tumalima ang lalaking nakaupo sa bandang kanan ko at tumayo.

"Good afternoon, Miss. I am the newly bestowed Rank 3 in the section of Fighters, Jameson Lee."

"Danica Laurel, the recently promoted Rank 5 in Snipers Section. My greetings, Miss Ash."

"Second ranker in the Agents Section, Miyu Shiena Lazaro."

"The first ranker and the Spy Master, Charcoal Dhane Valdine."

"The first runner up of the Surgeons, Gianna Jung at your service."

"Scientist Celestina Evans, Rank 1."

Mataman ko silang pinagmasdan habang isa-isa silang nagpapakilala. Let's see kung mababanggit pa nang isa sa kanila ang propesyon at ranggo nila pagkatapos ng pagpupulong na ito.

Against All Odds, Still YouWhere stories live. Discover now