Odd 19: Trainor

201 6 2
                                    

A S H

"Kaaga-aga nakakunot 'yang noo mo." mula sa pag-iisip ko sa nangyari kagabi ay nahatak ako sa kasalukuyan nang magsalita si Yanna. Nilingon ko siya na nakahiga sa tabi ko.

"Lagot ako kay Dad nito." bulong ko at tinakpan ang aking mukha gamit ang mga kamay ko. Nahihiya ako e! Bakit ba namin ginawa 'yon?

"Sorryㅡ"

"No, no. It's okay, Yanna. Hinayaan naman kita e. Sige, maliligo muna ako."

"I'll cook breakfast for you." she offered.

"No need. Kasabay ko si Dad mamaya. Umuwi ka na muna. May pasok ka pa ngayon."

"Fine. See you then, my baby. I love you."

Alas nueve na ako nakapunta sa office ni Dad dahil sa kakaisip ko sa nangyari sa amin ni Yanna. Bring yourself together, Ash!

So now, I'm sitting on my Dad's seat for visitors, naghihintay.

"Dad! Ang tagal naman no'ng sinasabi mong magsasanay sa 'kin. Pa-importante." inis na sabi ko kay Dad pero nginisihan niya lang ako.

"Dad, bakit ba ayaw mong payagan si Yanna na ligawan ako?" pag-iiba ko ng usapan.

"Anak, pag-aawayan na naman ba natin 'to? I told you to finish your studies first, right?"

"Good morning." hindi na ako nakasagot kay Dad dahil sa taong bumati. At para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa boses na 'yon. Pamilyar. Sobrang pamilyar.

"Anak, ayan na ang trainer mo'ng kanina mo pa hinihintay." sabi ni Dad. A-Ayoko, ayoko.

"D-Dad, ayoko. A...Ayoko na." bulong ko at ipinikit ang aking mga mata. I'm having panic attacks again. Sobrang kumakabog ang dibdib ko. Hindi ako makahinga ng maayos.

"Sige na, anak. Para makaalis na kayo. Kailangan niyong magmadali." kung kanina'y nakangiti si Dad, ngayon ay seryoso na siya.

Huminga muna ako ng malalim bago muling dumilat. Ayos lang ang lahat, Ash. Ka-boses lang siguro siya ng ate mo. There's no way she's alive, okay?

Sa paglingon ko, nakita ko ang taong 'to na may malawak na ngiti. Ang ngiting miss na miss ko na. Ang...Ang ngiti ni Ate Char.

"Hi, baby sis. It's great to see you, again." damn. Siya nga. Siya nga!

"A-Ate..." nangangatog akong tumayo habang nakatingin lang sa kaniya. Dahan-dahan akong lumakad papunta sa kaniya at nang makalapit na ako, agad ko siyang niyakap ng sobrang higpit.

"Ate!" I cried. As of this time, I don't wanna let go of her. Kasi baka kapag pinakawalan ko siya, bigla na lang siyang maglaho. No. I don't want her to disappear again. I don't wanna lose her again.

"I miss you. Ang laki-laki mo na ah." bulong niya habang hinahaplos ang buhok ko.

"Ate, huwag mo na 'kong iwan. H-Hindi ko kaya ng wala ka."

Against All Odds, Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon