Odd 26: Don't Look After Me

208 7 0
                                    

A S H

"Sit down." seryoso kong sabi kay Yanna. Umupo siya sa tabi ko ng walang pag-aalinlangan. Bumuntong hininga ako at tiningnan siya. Gosh, she didn't change. Still the gorgeous lady I met. But, is she still the one I'm in love with?

"Ash, I miss you so much. I, I wanna touch you. I wanna kiss you so bad."

"Yanna, I'm sorry." I apologized. "I'm sorry. Hindi ko alam kung mahal pa ba kita. Hindi naman ako pinilit ni Yngrid na mahalin siya pabalik, e. I voluntarily did. Kusa akong nahulog sa kaniya noong mga panahong hindi kita naaalala. Yngrid is a very tough and fierce woman and seeing her breaking down like earlier just ripped my heart into tiny pieces."

"Pero, pero ako pa rin n-naman 'di ba? Mahal mo pa rin ako 'di ba? 'Di ba?" she sounded so desperate while asking me those things and I hate it. Hindi siya ganito, hindi siya 'to.

I'm wrong. Nagbago na siya. Binago ko siya.

"Please, please Yanna. Stop. Just stop." naaawa na ako sa kaniya. Hindi niya deserve 'to e. Hindi dapat siya umiiyak nang dahil lang sa 'kin.

I wiped her tears dry. "Please don't cry. I hate seeing you like that. It's hurting me."

"Then you stay with me!" agad kong naibaba ang kamay kong hawak ang pisngi niya dahil sa kaniyang pagsigaw. Useless din naman ang pagpunas ko sa luha niya dahil umiiyak na naman siya ngayon.

"You know that I can't, Yanna. Siya ang lagi kong kasama sa loob ng matagal na panahong nalayo ako sa inyo. Siya ang may walang pag-aalinlangang tumulong sa 'kin noong pinahihirapan nila ako. She love me, and so I am. Pero dahil sa 'yo, dahil biglang nagbalik ang alaala ko, nagkagulo na ang lahat. Yanna, two days from now second monthsary na namin. Ayokong ganito ang ireregalo ko sa kaniya."

"Kaya ka naguguluhan dahil mahal mo pa rin ako. Dahil ako pa rin 'yang nasa puso mo." buong diin niyang pagsalungat habang itinuturo ang dibdib ko. "Ash, apat na buwan. Apat na buwan akong nangulila sa 'yo. Apat na buwan akong halos wala sa sarili. Tuwing gabi, iyak lang ako ng iyak! Ngayon sabihin mo sa 'kin, sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan?! Sa tingin mo ba naging madali para sa akin ang lahat?! Sa tingin mo baㅡ!" bago pa siya tuluyang mag-breakdown ay hinalikan ko na siya.

Meron pa ba? Nando'n pa rin ba 'yung spark sa tuwing maglalapat ang mga labi namin?

I'm about to get away when I didn't felt anything but she pulled me closer and deepened the kiss. And fuck. There, I felt it! I fuckin' felt it!

I pushed her away. "Yanna!"

"What?! You kissed me first!"

Ginulo ko ang buhok ko dahil sa frustration. Matapang akong tumingin sa kaniya. "Let's end this here, Yanna. Goodbye."

One week after I left them, the Piarre Sisters, nag-book agad ako ng flight patungong Baguio. Ang layo ng narating ko 'di ba? Nasa Visayas lang ako tapos napuntang Luzon. Buti na lang at may dala akong cash kahit papaano.

But seriously, ayoko munang makita si Yngrid. Natatakot ako sa maaaring maramdaman ko. Matagal nang tapos ang second monthsary namin, at sobra akong nagi-guilty sa pagiging missing in action ko.

Against All Odds, Still YouWhere stories live. Discover now