Odd 4: New To This

238 12 0
                                    

A S H

Bumungad sa 'min ang walang emosyon na si Jane. Naku naman talaga. Bakit ba ang seryoso ng batang 'to?

"Bitawan mo siya." malamig na utos niya sa ate niya. Hala?

"Okay, okay. Relax lang." sagot na lang ni Ate Yanna at binitawan ang kamay ko.

And there, reality slapped me.

"Pumasok ka na sa loob."

"Oo na. Tsk, sungit talaga." muling pagtugon ni Ate Yanna sa nakababata niyang kapatid at pumasok sa loob ng bahay nila.

"Nakausap ko na sina Mommy at Daddy. Pumayag sila na dito ka magbakasyon for the rest months bago mag-June." paliwanag niya. Lumambot na ang ekspresyon ng mukha niya. Bumalik na sa dati. Hay, buti naman.

"Huh? Bakit naman ako magbabakasyon dito? Dapat nga uuwi ako ngayong araw e." nagtatakang tanong ko with matching kamot pa sa sentido. Para cute syempre, hahaha!

"Hindi ba nga aalis ka na sa June? Susulitin ko lang 'yung mga araw na kasama pa kita kaya ako nag-request na magbakasyon ka rito. Huwag ka nang magpapahawak kay Ate kasi ako lang dapat 'yon. Understood?" tss, pwede ba naman 'yon? Ano, iiwasan ko si Ate Yanna na para bang may sakit siyang nakakahawa?

"Grabe, uso pa naman siguro 'yung salitang konting respeto 'di ba?" I replied.

"Yeah, right. Pasok na tayo, Ate Ash." sabi niya at ngumiti.

"Ang peke, Jane." puna ko sa ngiti niya at nauna nang pumasok. Dumiretso ako sa kuwarto ni Ate Yanna.

"Ate Yanna, may pupuntahan ba tayo, sana?"

"Yep. Kaya lang bad mood si J e. Next time na lang." sagot niya at umupo sa kaniyang kama. "Bagay pala sa 'yo 'yang damit ko, ano?" puri niya at sinamahan pa ng ngisi. Bago ako makapag-react ay nagsalita ulit siya. "Sige, matutulog muna ulit ako. Napuyat ako kagabi e." sabi niya at humiga na. Pumikit siya at naghikab. Ang cute.

"Ate Ash." hala.

"Jane?"

"Aalis lang ako sandali. May bibilhin lang. Ilang oras siguro akong mawawala." paliwanag niya. Lumapit ako at hinalikan siya sa noo.

"Ingat ka, ha? I love you."

"I love you too, Ate Ash. Pakisabi na lang din kay Ate." sagot niya bago tumalikod at tuluyang umalis. Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina at pinagmasdan ang mukha ni Ate Yanna.

"How could you be that beautiful?" I mumbled. Inilapit ko pa ang upuan sa kama niya kung saan malapit ako sa mukha niya and I heard her soft snores. Tulog agad ah? "Why do I feel so strange about you? Hindi ito normal gaya ng iba." okay, kausap ko po ang isang tulog. "Kahit hindi ka gaanong maputi, bagay pa rin sa 'yo. 'Yang kapal ng kilay mo, bumagay sa maganda mong mukha. Kahit hindi gano'n katangos ang ilong mo, wala e. Maganda ka pa rin." mukha na talaga akong ewan dito. "Yanna Piarre, you're so beautiful. Mas maganda pa sa kahit na anong uri ng bulaklak." I whispered as I gave her a peck on her forehead down to her closed eyes, to her nose, and on her cheeks.

"Damn, Ash." I cursed when my eyes fell on her lips. Ugh, magtigil ka, Ash. Mali 'yang iniisip mong gawin. Kakikilala niyo pa lang, okay? Lumabas ka na ng kwartong 'to habang napipigilan mo pa ang sarili mo.

Tatlong araw na rin since nag-stay ako rito sa bahay ng mga Piarre. At sa wakas ay nakilala ko na rin ang parents nina Jane at Ate Yanna. They are both really kind and lovable. Okay sila sa 'kin at gano'n din naman ako sa kanila. Ngayon ay alas nueve na ng gabi at katatapos lang ng dinner ko with the Piarre Sisters. Ang mga magulang nila, mga busy sa trabaho e. Kaya nga hanggang end of April, kami lang tatlo ang magkakasama rito.

Pero, aalis si Jane bukas. Igagala raw ng parents nila sa New York City bago sila tuluyang maging subsob sa trabaho. Ewan ko nga kung bakit hindi sasama si Ate Yanna, e ang ganda kaya sa NYC.

"Ate Ash, tulog na tayo. Maaga pa kami bukas."

"Sige, mauna ka na. Hihintayin na lang muna kitang makatulog." sabi ko at gaya ng nakagawian ko nang gawin, hinalikan ko siya sa noo.

"Okay, goodnight." she said before closing her eyes. Ilang minuto pa ang lumipas ay tuluyan na siyang nakatulog habang nakaunan sa kanang braso ko at nakayakap sa 'kin.

Naalimpungatan ako dahil sa isang mabigat na bagay sa ibabaw ng tiyan ko kaya kinapa ko ito. Hala, braso?

"Umalis na si J. Matulog ka muna ulit. Maaga pa." she informed me with her husky voice. Ugh, why does it sound so sexy?

Damn it, Ash. Stop. Hay, makatulog na nga lang ulit.

Mahabang oras na ang lumipas at hindi na nga ako nakabalik sa pagtulog pero itong si Ate Yanna kanina pa naghihilik. Hindi naman sobrang lakas, mahina lang siya. Cute nga e.

"We're alone in this house, Ate Yanna." I whispered as I cupped her cheek. "I..." damn it, Ash. Don't dare, please. Don't say it. "ㅡI like you." sabi ko na halos walang boses na lumabas. Damn, damn! I just hope she didn't hear it kung hindi, shit na lang talaga!

I gulped before speaking, "Sleep well, Ate Yanna."

Alas ocho na ng umaga pero hindi pa rin nagigising si Ate Yanna. Kahit ayaw kong istorbohin ang tulog niya, gigisingin ko na siya.

"Ate Yanna, gising na. Magluluto pa ako ng breakfast natin." sabi ko at inuga siya ng mahina. "Hey, Ate Yanna." tawag kong muli sa kaniya. Dapat nga hindi na ako nakahiga ngayon e pero si Ate Yanna kasi. Yakap-yakap niya ako at ang higpit pa. Gusto kong kiligin pero nagugutom na ako!

"Ate Yanna naman. Gutom na 'ko o."

"Later, please." she replied with her bedroom voice.

"Naman." bulong ko at dahan-dahang iniaalis ang braso niya na nakayakap sa 'kin pero ang higpit talaga ng kapit niya. At ayaw niyang bumitaw.

Ugh, she leave me no choice.

Pinatihaya ko siya kaya ang labas ay nakapa-ibabaw ako sa kaniya. Kusang nalaglag ang mga braso niya na nakakawit sa bewang ko at saka ako umalis sa ibabaw niya.

"Bakit ba sobrang puyat 'to?" bulong ko. Hinalikan ko muna siya sa noo bago lumabas upang maghanda ng makakain.

Against All Odds, Still YouWhere stories live. Discover now