Odd 1: Smile

819 14 1
                                    

A S H

"Ate Ash, hindi ka pa ba uuwi? Parating na sina Daddy. Baka maabutan ka nila." sabi sa 'kin ni Jane, ang kinakapatid ko. Hindi naman halatang alalang-alala siya e 'no?

"Hayaan mong maabutan nila ako. Besides, kaibigan mo naman ako e. Kailangan mo na akong ipakilala sa kanila. Come on, it's been a long time." sagot ko naman. Actually, ahead ako sa kaniya ng dalawang taon kaya tinatawag niya akong ate. Paano kami nagkakilala? Wala na kayo roon! Hahaha, just kidding.

"Ate naman e! Pagagalitan ako ng mga 'yon! Lalo na si ate ko!"

"Ate mo? Sige, iharap mo sa 'kin 'yang ate mo at ipaghihiganti kita." I replied as I made my left hand into a fist.

"Seriously, Ate Ash? Seventeen na siya, hello? Kaya mo kaya 'yon? At saka mas matangkad siya sa 'yo. Isang tulak lang sa 'yo no'n, tumba ka na." sabi niya habang pinipigilan ang kaniyang tawa. Ang sama talaga ng batang 'to sa 'kin!

"Pasalamat ka, Jane, at bata ka lang. Baka ma-pektusan na kita ng todo riyan e."

"E di pektusan mo." sabi niya kaya nag-evil smile ako at binatukan nga siya. Um-aray siya habang hawak ang batok niya. Matagal-tagal din akong tumatawa habang iniinda ni Jane ang sakit ng pagkakabatok ko.

"At sino ka para saktan ang kapatid ko?" agad naman akong napatigil sa pagtawa nang makarinig ako ng isang medyo malalim na boses. Sasabihin ko sanang inire ako kaya lang huwag na.

"Ate! Ang aga mo naman yata?" tanong niya sa ate niya at heto ako, nakaupo't nakatalikod pa rin mula sa kanila. Baka kasi 'pag humarap ako sapakin na ako. Naku! Sayang ang ganda ko 'no.

"Hindi raw makakauwi sina Daddy at Mommy. Baka sa matagalan pa raw sila kaya umuwi ako ng maaga to check on you." sagot naman ng ate niya. Siguro ganyan lang talaga ang boses niya, deep and husky.

"Okay. Mami-miss ko sila." malungkot niyang pahayag. "Anyway, Ate. Si Ate Ash nga pala. Ate Ash, harap ka rito." since malakas sa 'kin si Jane, humarap na ako. Mula sa pagkakaupo ay agad akong napatayo nang makita ko ang walang emosyong mukha ni miss.

"H-Hi, Ash Valdine is the name. Jane's f-friend." seriously, Ash? Nautal ka talaga? Tsk!

"Yanna Piarre, Jane's sister." oh gosh. Ang cold niya sa 'kin, huhuhu!

"Nice toㅡ"

"It wasn't nice to meet you, Ash." uy, aray. "Okay lang ba 'yang batok mo, J?" baling niya sa kapatid niya. Naku naman! Bad shot agad ako sa ate niya!

"I'm fine, Ate. At saka, huwag kang magalit kay Ate Ash, okay? Walang-wala 'yung pambabatok niya sa 'kin sa mga pagliligtas at pagtatanggol niya sa 'kin sa mga bullies sa school." medyo na-touch ako sa pagtatanggol ng kaibigan ko sa akin. At least, 'di ba?

"So, siya 'yon?" tanong ni Ate Yanna. Nakakunot pa ang noo niya. Gosh, why so cute?

"Yup. Siya nga, Ate. Kaya relax ka lang, okay?" ang hinhin ni Jane ha. Pero anong ako ba 'yun?

"Sorry sa sinabi ko kanina. Protective lang talaga ako sa kapatid ko." sabi niya at shocks! Ngumiti siya sa 'kin! Ang ganda niya, shems!

"Huy! Ate Ash, natulala ka? May problema ba?"

"A-Ah, wala. Haha. Sorry." sagot ko at tumungo. Nakakahiya ka, Ash! Natulala ka talaga dahil lang sa nginitian ka?!

"Sige, matulog ka na J. 1 o'clock na o."

"Ate naman e! Hindi na ako bata! Teenager na ako, Ate. Teenager!" she disagreed with a pout. Ang cute talaga ng batang 'to, hahaha!

"Wala akong pakialam, J. Go to your room now and sleep."

"Fine!" pilit na pagsang-ayon niya sa nakatatandang kapatid. "Ate Ash, huwag kang aalis ha? Stay put." pagbaling niya sa 'kin at itinuro pa ako. Tumango naman ako at ngumiti sa kaniya bilang pagtugon. Ramdam kong nakatingin si Ate Yanna sa 'kin kaya medyo nailang ako.

"Para sa 'yo, cutie. Sleep well." sabi ko. She smiled back and entered her room without further protesting.

"Umupo ka, Ash." nilingon ko siya nang siya'y magsalita.

"S-Sige po, Ate Yanna." sagot ko at umupo, pero sa isa pang single sofa nila ako umupo. Nahihiya ako sa kaniya e.

"Dito ka." sabi niya at itinuro ang kaliwang parte ng long couch nila kung saan nga siya nakaupo. Kahit ayoko, sumunod na lang ako. Baka magalit e.

"So, paano kayo nagkakilala ni J?" ay? Tanong agad?

"Ah, that? Well, umm, haha. I'm just walking on the hallway nang nahagip ng mata ko na nadulas siya sa putikan. But it turned out na may nagtulak pala sa kaniya. I helped her first before settling with her bully classmate. By the looks of that bully, mataray siya at spoiled brat. Wala pang galang e ka-edaran lang siya ni Jane. Syempre, dinaan ko na sa marahas na pananalita. Ayon, lumuhod sa harap ni Jane at nag-sorry. Nakakatawa nga siya e. Hahaha!" hay, nakakatawa talaga 'yung first meeting namin niyang si Jane. Parang naging taong putik siya, pero cute pa rin. Hahaha!

"Ewan ko ba riyan sa kapatid ko. Mabait at malambing naman 'yan, bakit ba nabu-bully siya?" I must admit that she's cute when being annoyed. "Hindi ko naman siya maipagtanggol sa mga bullies niya dahil busy ako sa pag-aaral. Also, our parents are busy. Kaya, salamat sa 'yo. Salamat dahil lagi kang nandyan para sa kapatid ko." medyo nabigla ako sa salamat niya ha. Maasar nga.

"Kanina lang hindi mo ako gustong makilala. Tapos ngayon nagpapasalamat ka na?"

"Huwag kang fc, Ash. Huwag mo akong pag-trip-an." most of the time, hindi naman ako nasasaktan kapag nasasabihan ako ng fc o feeling close. But imagine that? Nasaktan ako sa Huwag kang fc, Ash niya. Ugh.

"Are you okay?" tanong niya pero hindi ko siya pinansin. Nakatungo lang ako. "Okay, I'm sorry. Hindi ko lang talaga gusto 'yung napipilosopo ako."

3 o'clock na pero nandito pa rin ako kina Jane. I promised her that I will stay, so heto. E 'yung parents ko nasa Cebu at inaasikaso ang mga papeles ko. Lilipat na raw kasi ako ro'n next school year. Recently ko lang din nalaman. Ayoko nga sana at wala nang magtatanggol kay Jane 'pag nagkataon at ayoko rin siyang iwan. Pero dahil baka i-freeze nila ang mga ATM cards ko (one for my allowance and one for my personal expenses) I have no choice but to obey.

Baka kasi maghirap ako, hahaha.

"Ate Ash!" ayan na naman ang nakakarinding tili ni Jane.

"Oo na, Jane. Nandito pa rin ako kasi nangako ako sa 'yo. Okay na?" pilosopo kong sabi. Tinampal niya ng malakas ang noo ko dahil do'n.

"Ugh! Napaka-bastos mo talaga, Jane Piarre! Nakakainis ka!"

"Iiyak na 'yan! Iyak ka na, Ate Ash!" may namumuo na ngang luha sa mga mata ko hindi dahil sinabi niya kundi talagang masakit ang pagkakapalo niya sa noo ko. Feeling ko nga namumula na e.

"Ano na namang kalokohan 'yan, J? Namumula na 'yung noo ni Ash o!" kikiligin na sana ako dahil sa concern niya kaso mamaya na lang. Masakit 'yung noo ko, hello?!

"Ash? Ash!"

"O-Okay lang ako, Ate Yanna." kahit hindi naman talaga.

"No! J, idala mo siya sa kwarto ko. Kukunin ko lang 'yung first aid kit." at dali-dali siyang nagpunta ng kitchen. First aid agad? Grabe. Todo alala siya ah.

Inakay naman ako ni Jane at panay ang pagso-sorry niya sa 'kin.

"Sige, Ate Ash. Babalikan kita kapag tapos ka nang gamutin ni Ate. Sorry ulit ha?" she said before leaving.

Against All Odds, Still YouWhere stories live. Discover now