Odd 9: Sincerity

168 9 0
                                    

A S H

"Saan ka pupunta, Ash?" tiningala ko si Amrei na nakatayo sa harapan ko. Nagtatali kasi ako ng rubber shoes. Pupunta na ako sa meeting place namin ni Talix.

"Manonood lang kami ng sine ni Talix." sagot ko at saka tumayo. Ang tangkad pala niya. Si Ate Yanna kasi mas matangkad lang sa 'kin ng isa o dalawang pulgada. Si Amrei mga apat na yata. Kaasar, nanliliit tuloy ako kapag katabi ko sila.

"Bumalik ka agad." malumanay niyang utos at niyakap ako kaya yumakap din ako pabalik. Nag-ngitian kami bago ako lumabas.

Nakita ko naman si Ate Yanna sa living room. Nakaupo siya sa sofa habang gumagamit ng cellphone. Ano naman kaya ang pinagkakaabalahan niya?

"Ate Yanna." muntik na 'kong matawa dahil nabigla ko yata siya. Tumikhim muna ako bago ipagpatuloy ang sasabihin ko. "Aalis na 'ko."

"Gano'n ba? O sige, mag-ingat ka ha." sabi niya saka ako nginitian bago niya ibalik sa phone niya ang atensyon.

"Ash!" nginitian ko si Talix nang makita ko siya. "Buti pinayagan ka ni J." dagdag niyang sabi. Ang gwapo niya lalo sa suot niyang black maong pants at polo na tinernohan niya ng white rubber shoes. Lintek, bakit ba ang gwapo niya kahit simpleng get up lang?!

"Syempre! Malakas ako ro'n e, hahaha!"

"Ang ganda mo kahit simple ka lang." bigla akong natahimik nang purihin niya 'ko. "Ah, tara na, Ash. M-May nabili na akong ticket."

"Did you enjoy it, Ash?"

"Of course, Talix! The movie is pretty funny and ridiculous. Gosh, hahaha!" I answered happily. The smile I'm wearing right now can't leave my face as of today. Being with Talix is really fun.

"It's nice to see you that happy, my queen." aniya. Teka, ano ulit 'yung pang-huling sinabi niya? Tsk, hayaan na nga lang.

"Ano pala ang full name mo, Talix?" tanong ko at umupo sa isang bench. Nasa labas na kasi kami ng establishment.

"Talix Jung Monteverde."

"Jung?"

"Tama ang iniisip mo. Pinsan ko si Zin." pangunguna niya. Loko talagang Amrei 'yon. Hindi man lang ako in-inform!

"Mga half Korean pala kayo ha. Buti pa kayo." sabi ko habang naka-pout.

"O, bakit naman?"

"I'm an avid fan of Kpop. Gustong-gusto kong may lahi akong Korean kahit konti lang pero hindi 'yon ang ibinigay na dugo sa 'kin. Tapos kayo na mga half Korean, wala man lang alam tungkol do'n? Nah." mukha na akong nagra-rant dito, kaasar.

"Kalma lang, kalma! Tan naman ang middle name mo at Valdine ang surname mo. For sure may lahi ka." sabi niya at ngumiti. Shemay ang gwapo.

"Yeah, meron nga. Half Chinese at American ako."

"Woah. Chinese pala ang mom mo 'no? I thought bawal sa mga Chinese ang mag-asawa ng hindi nila kapwa Chinese e." it's the power of love, Talix.

Against All Odds, Still YouUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum