Odd 36: O.L.D.

141 8 1
                                    

A S H

Buong buhay ko ay hindi ako nakaramdam ng ganitong klase ng kaba, ng takot, ng pag-aalala, because my loved ones are always with me, lalo na noong nakaranas ako ng impyerno sa kamay ng kapatid at kaibigan ni Yngrid na sina Ynna at Erquiza (the bitch). Hindi ko ma-kontrol ang panginginig ng mga kamay ko. Akala ko ako na ang dominante, ngunit nananatili pa ring mas dominante si Yngrid over me.

Nakaupo ako ngayon sa couch habang siya ay nakatayo sa harap ko, towering me. Iba ang aura niya ngayon. Nakakatakot. 'Yung tipong nagpupuyos na sa galit ang kalamnan mo, pero pinipilit mong magpigil at huwag sumabog. Ganyan ang nakikita ko kay Yngrid ngayon. Her eyes are blank, her face as well, and she's crossing her arms on her chest. Parang nawalan siya ng kakayahang makaramdam, parang nawalan siya ng pagmamahal sa katawan. She looks like she's not in love with me right now. It scares me so bad.

Alam kong kapag ganito ang estado niya, makagagawa siya ng mga bagay na makakasakit sa iba, kahit hindi naman niya gusto. Wala siyang kontrol sa katawan niya, sa isip niya, sa mga gagawin at sasabihin niya. Matagal ko nang na-obserbahan 'to. What exactly is this?

I swallowed the lump on my throat before uttering her name. "Yngrid"

"I still didn't give you permission to speak, Valdine." matigas niyang pagputol sa pagsasalita ko na agad kong ikinatahimik. Mas dumoble pa ang panginginig ng mga kamay ko at halos lumabas na sa dibdib ko ang aking puso sa sobrang pagkabog nito. Hindi ko na mapigilan ang mga kamay ko, it's trembling terribly.

"Stop your hands from trembling. It's getting me distracted." she ordered so I just hid my hands behind me. Para akong isang bihag na kailangang sumunod sa anumang gusto't iniuutos ng captor niya para mabuhay. With her state right now, my words couldn't affect her. My presence couldn't affect her. Ano bang gagawin ko?

"So where would I want you to start explaining?" she asked more likely to herself while caressing her chin. Nakamasid lamang ako sa kaniya, naghihintay nang go signal para makapagpaliwanag.

Relax, Ash. You did nothing wrong.

"Ah!" she snapped her fingers. "Doon sa part na, pinuntahan ka niya sa bahay mo dis-oras ng gabi." she smiled that makes me scared even more. I fucking don't wanna see that smile ever again! "And what did she said that time? Hmm." umakto pa siyang hirap na i-recall ang bagay na 'yon. "Oh, naalala ko na. Hindi ka dapat iniiwasan ng girlfriend mo para hindi ka niya nilalapitan noon. Wow, kunwari pa siya e. Gusto rin naman niya 'yung oportunidad na kinuha niya. A two-faced bitch." she mocked while I was surprised. S-She saw us? It means, matagal na siyang nandito noon at sinadyang taguan ako?! N-Natiis niya ako ng dalawang buwan?! H-How dare she?! "Tapos nasundan pa pala ang mga pagkikita niyo. And you look so happy with her, hmm?"

Against All Odds, Still YouWhere stories live. Discover now