Odd 8: Analysis

191 8 1
                                    

A S H

Kasalukuyan na kaming nanonood ng movie. Pinapagitnaan ako nina Amrei at Ate Yanna. Binulungan ko rin kanina si Ate Yanna na pinapatawad ko na siya. Baka kasi makahalata si Jane na mag-kaaway kami ng ate niya e. Mahirap na.

But here's the thing. Sobrang nakadikit talaga sila sa 'kin. Kahit malamig ang klima at may aircon pa ay naiinitan pa rin ako dahil sa kanila. Tsk! Sana dumating na si Jane para mabakuran na niya ako sa dalawang 'to. Grabe!

"May suggestion ako, sweetie."

"Hmm. Ano 'yon?" tanong ko at umayos ng upo saka siya tiningnan.

"Sabay tayong maligo."

"Ano? Hahaha, ayoko nga! Mamaya pagnasaan mo pa ako e. Sexy pa naman ako." sagot ko na may halong biro kaya parehas kaming natawa. Ate Yanna cleared her throat that's why we stopped from laughing. Tsk, kill joy masyado.

Pagkatapos ng mahabang oras ay malapit ko nang makita si Jane. Nandito na kasi kami ni Ate Yanna sa airport para sunduin sila.

"Ate Yanna, kapag umuwi na kayo isabay niyo na si Amrei, ha? Baka kasi mag-tantrums na naman si Jane kapag nakita niyang gano'n kung makadikit si Amrei sa 'kin." sabi ko habang nakatingin kung saan.

"Okay lang sa 'yo na gano'n makakapit si Zin? Hindi ka ba naiilang? 'Cause, you know." I glanced at her before answering.

"Yep, it's fine with me. And I don't care if she's a lesbian."

"Tss, anyways, may bago pala akong manliligaw, Ash." parang may tumusok na karayom sa puso ko dahil sa sinabi niya. Grabe ha.

"Talaga? Sino naman?" pilit kong pinasigla ang boses ko sa kabila ng kirot na nararamdaman ko. Shocks, Ash. Manliligaw pa lang 'yon!

"Si Darkane. He's a very nice guy." sagot niya at ngumiti pa. Tss. Very nice guy ka pang nalalaman e. Lokohin ka sana niyan kapag naging kayo. Joke. I won't wish that the girl I like will suffer. I can't.

"Hey, Ash!" hinanap ko kung sinong tumawag sa pangalan ko. Nakita ko naman si Talix na kumakaway sa gawi ko.

"Oh, Talix!" bati ko at kumaway pabalik.

"Sinong hinihintay niyo rito?" tanong niya habang nakangiti. Shocks, promise sobrang gwapo niya talaga.

"Sina Jane at ang mommy niya. Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" sabi ko na may ngiti sa aking labi. Kinikilig ako e, enebe!

"Hindi ko rin alam e. Nag-aala Dora the Explorer ako." sagot niya at tumawa kaya natawa na rin ako. Gosh, he's so adorable!

"Anyway, manonood ako sa sine mamayang alas nueve ng umaga. I'm alone, can I invite you to accompany me?"

"If Jane would let me. Saan ba tayo magkikita if ever payagan ako ni Jane?" tanong ko at saka hinawakan ang aking batok.

"Umm, sa Johnny's Restaurant na lang din. Okay lang ba sa 'yo?"

"Yep, sure." I answered. Bigla niya akong niyakap kaya sumabog na ang kilig ko. Parang napawi lahat ng sakit na naramdam ko kanina. Gosh!

"Ah, sorry. Na-excite lang ako, hehe. Matagal ko na kasing gusto na mapalapit sa 'yo. Sige, see you!"

"Bye, Talix! Hope to see you too!" sabi ko habang kumakaway sa kaniya na papaalis na rin.

Grabe. Ang tagal naman nilaㅡ

"Ate Ash!" parehas kaming napalingon ni Ate Yanna roon sa sumigaw.

"Jane!" sigaw ko pabalik at tumakbo papunta sa kaniya. Niyakap ko siya ng mahigpit at saka ko siya hinalikan sa noo. Niyakap ko rin si Tita Joshille at binati siya.

"Ang saya mo yata masyado, hija." natatawang puna ni Tita.

"Mommy. J."

"Hello, Yanna! Bakit mukhang puyat ka?"

"Hindi naman po, Mommy. Pagod lang po siguro. J, how are you?" baling niya kay Jane na nakayakap naman sa 'kin. Napaka-clingy niya talaga. But I like it that way.

"I'm perfectly fine, my dear sister!"

"Si Ash, aalis mamayang alas nueve."

"Ate Yanna!" saway ko at pinanlakihan siya ng mata. Pero siya, tinikom lang ang bibig na halatang pinipigilan ang tawa niya. Kaasar, humanda siya sa 'kin mamaya!

"Ate Ash, sinong kasama mo?" tanong ni Jane at humiwalay sa pagkakayakap sa 'kin. Tiningnan ko siya at nakakunot ang kaniyang noo.

"Si Talix. Talix Monteverde."

"Ah, si Kuya Talix? Siya naman pala e. Yep, you can go with him." what? She know Talix?

"I know that expression, Ate Ash. Yup, kilala ko si Kuya Talix. Maliban sa kaklase siya ni Ate, siya rin 'yung gumawa ng bike ko. Free time ko 'yon kaya nasa field ako para mag-bike. E nasira. So, ayon."

"Good." bulong ko at ngumiti sa kaniya.

"Ang bait kaya ni Kuya Talix. Gwapo pa at matangkad. Balita ko nga mayaman siya at single! Kung hindi ako mas bata sa kaniya, bagay kami eㅡaray!" daing niya dahil hinampas siya sa braso ng ate niya. Kami naman ni Tita Joshille ay natawa. Hay, itong magkapatid talaga na 'to.

Ngayon ay nasa hotel room ako nina Tito, Tita, at Jane. Sina Tito ay nasa sala, nag-uusap. Probably about their work. Kaya kaming dalawa lang ni Jane ngayon dito sa kwarto nila.

"Spill it, Ate Ash." utos niya at nginitian ako. Huminga muna ako ng malalim bago magsimula. Come on, Ash. Just do it. Say it. Jane's your best friend, for sure she'll understand you.

"Jane, b...bisexual nga ako." kinakabahan kong pahayag at kinagat-kagat ang dulo ng thumb ko. Hinintay ko siyang mag-react pero wala. Wala akong nakuha sa kaniya. Nakatingin lang siya sa 'kin.

"Y-You're not shocked?"

"Yep. Sa mga tingin pa lang na ibinibigay mo sa ate ko, alam ko na. Hindi kita masisisi dahil iba talaga ang ganda ng ate ko. May gusto ka sa kaniya 'no?" what the...

"Hay, oo na. Meron nga." wala na akong choice kundi aminin iyon. Halata na niya e, itatanggi ko pa ba?

"Pero may isa pa akong problema. Si Talix. P-Pakiramdam ko, nagkakagusto ako sa kaniya."

"Ano?! Dalawang tao ang gusto mo?! Talix at Yanna pa?!" ay. Grabe namang maka-react.

I sighed. "Wala sanang lalabas na kahit ano, Jane." pakiusap ko at tumango naman siya.

Against All Odds, Still YouWhere stories live. Discover now