Chapter 25.1 - If you would mind

87 11 3
                                    

Jackson's POV

"Edi akin ka na?" Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin iyon, nanlaki ang mga mata ni Dwayne.

Buong klase akong lutang, ewan ko pero na kay Dwayne lang ang aking atensyon. Tila lahat ng galaw niya e napapansin ko. Ewan ko ba, im so freaking obsessed with Dwayne. Wala lang akong lakas ng loob para makausap siya, nahihiya ako everytime na kasama ko siya at the same time naman e ansaya sa pakiramdam.

Habang naglalakad sa hallway, as always, nagtitinginan ang mga estudyante sa amin. I can't stand this. Naiilang ako sa tingin nila sinusungitan ko sila ng tingin para umiwas sila. Hindi ko alam kung napapansin ba ito ni Dwayne.

Papauwi na dapat kami pero hindi ko iniistart yung makina. Hinihintay ko kung ano ang magiging reaksyon niya. Tahimik lang siya at nakatingin sa labas. Hindi ba ito magsasalita?

*Cough*

Nagpapeke akong ubo at sakto sa pinaplano ko lumingon siya. Tinitigan niya lang ako, I'm not looking though.

"Sinong iniintay?" tanong ni Dwayne sakin. Napatingin lang ako sa kaniya at inistart na ang makina. Hindi ako nakapagsalita. "Oy? Parang timang" Tanong niya ulit.

"Ahh wala wala" F*ck! Mission failed pa ata ako. Nagkunwari akong may binasa sa text messages sa cellphone ko. "Ahh hindi pala sasabay si Hailie ngayon" Tumingin siya sa akin "Kakatext lang" inistart ko na ang sasakyan at umalis.

Habang nasa biyahe kami tahimik kaming dalawa hanggang sa binasag niya ang katahimikan.

"Okay ka lang?" napatingin ako sa kaniya saglit, at ibinalik ang tingin sa kalsada.

"Ako? Oo naman" Bakit kaya niya naitanong?

"Kanina ka pa kasi weird eh" napataas ang kilay ko nung sinabi niya iyon. Nagpatuloy ako sa pagdadrive ng sasakyan hanggang sa makarating na kami sa harap ng Dorm.

*Phone ringing*

Biglang may tumawag kay Dwayne. Hindi siya naka Loud Speaker kaya siya lang ang naririnig ko. Parang may nangyari, her voice sounds worried. Nung matapos niyang kausapin yung kausap niya sa phone tinanong ko siya.

"Sino yon? anong nangyari?" tanong ko sa kaniya, matagal bago siya nakasagot.

"Si kuya Robin" sagot niya.

"Ahh yung pinsan mo?" tanong ko sa kaniya.

"Oo, na-ospital rin daw" nagulat ako sa sinabi niya. "He's suffering asthma"

"asthma? Bakit saan ba siya galing?" tanong ko sa kaniya. Kinakabahan pati ako sa sinabi niya. Robin was a good person, at me. Balak ko talaga siyang awayin nung una ko siyang nakita. Not until nalaman kong magpinsan lang pala sila ni Dwayne.

"Australia, inasikaso niya yung files nila papa sa kompanya nila"

Huh? paanong naasthma yun dun?

Umakyat na kami sa dorm room namin at nauna na siyang pumasok sa dorm nila. Pumasok narin ako sa dorm na tinutuluyan ko.

Humiga ako saglit at bumangon. Doing my night routine, kada paguwi. Magwoworkout, midnight meal, advance reading at tulog.

3:00 nakaset ang orasan ko, saktong 5:45 lalabas ako ng dorm at magpapahangin ng 15 minutes. Pagkatapos nun ay kakatok sa pinto ng dorm nila.

"Goodmorning" bungad sa akin ni Kylie "Nasa CR si Dwayne naliligo na, patapos na rin siguro" umupo ako sa may living room nung dorm at hinintay si Dwayne.

"Hindi ka na kakain?" tanong ni Kylie.

Nakakahiya man sabihin na Hindi pa talaga ako nakain, still...

"Kumain na ako"

"Sigurado ka?" Paninigurado niya. Nagpatuloy na siya sa pagkain nung nginitian ko lang ang sagot niya.

Ilang minuto lang ang lumipas ay lumabas narin si Dwayne at pumasok sa loob ng kwarto niya para magayos.

"Kylie" tawag ko kay Kylie at lumapit sa kanya "If you would mind, pwede mo bang sabihin kung anong nangyari kay Robin?"


TiwalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon