Chapter 17 - News

103 10 0
                                    

Hindi ko masyado kinakausap sila ate Kylie. Kapag kinakausap nila ako maiikli lang ang sagot ko. I felt anger, on my own family. Para kasing pinaglalaruan lang nila ako.

Oo nga pala, nanalo kami ni Jackson sa contest. Wala namang Question and Answer portion, buti nalang talaga. Nanalo si Jackson as best in formal suit at best in talent. Ako naman nanalo lang sa gown. Pero still we won.

"Dwayne" Tawag ni peter "Congrats!" Sabay abot niya sa akin.

"Salamat" Pasasalamat ko, bigla siyang may inabot na libro sa akin "Butterflies" yung title nung libro. "Ano to?"

"Book about butterflies, ingatan mo yan ha? regalo ko yan para sayo" aniya. He looked at his phone and i think his catching something. "Sige mauna na ako! Congrats ulit!" Sabay alis niya.

"Dwayne uwi na tayo" aya ni ate Kylie. Tumayo na silang tatlo at ako nalang nanatiling nakaupo. "Di ka pa uuwi?"

"Mauna na kayo" napansin ni ate na wala ako sa mood kaya nag nod nalang siya. Nung makaalis na sila biglang may nagsalita sa likod ko.

"Tara kain sa labas" Paglingon ko nakita ko si Jackson "Treat ko"

Sumama ako sa kaniya. Ayoko kasing umuwi muna at mas lalong ayokong mag stay don sa event. Nung makasakay na kami sa sasakyan ni Jackson hininaan niya yung aircon.

"Saan tayo kakain?" Aniya.

"Hmm" Gusto ko kumain sa may paborito kong kainan. "Kamaon" Yes! doon nga!

Jackson tapped the monitor at his car. He searched at the monitor, biglang may lumabas na blue na linya. I think yun yung daan.

Habang nasa biyahe nakatulog ako sa kalagitnaan neto. Malayo-layo kasi yun, pero mura. Nagising ako nung tinapik ako ni Jackson. Nagulat ako nung makita kong madilim na.

"Hala?" Nagpalinga-linga ako at sinigurado kung gabi na nga. Baka kasi tint lang nung salamin and then i wasn't wrong. Gabi na nga "Sobrang haba ba nung biyahe?" Tanong ko sa kaniya.

"Di naman, tulog ka kasi eh" He looked at me "Mukha kasing pagod na pagod ka kanina kaya hinayaan muna kitang matulog" I looked at him and gave him a seriously?-look.

"Ha? sira ka! dapat ginising mo manlang ako" I said. Inunlock ko yung pinto at saka bumaba. Nung nakita niyang bumaba ako, hinugot niya yung susi at bumaba narin. Dumeretso na ako sa may mismong store at sumunod din naman siya.

"7:30 na pala?" Nung makita ko yung orasan sa may store.

Malinis yung store at marami-rami ring nakain. Halo-halong pagkain ang naamoy ko. Nakakagutom, dumeretso ako sa may counter at umorder ng pagkain para sa aming dalawa. Habang hinihintay namin yung pagkain namin bigla akong tinanong ni Jackson.

"Bakit mo naisipang kumain dito?" biglang tanong ni Jackson.

"a.. dito kasi kami nakain ni mama dati tuwing nananalo ako sa pangeant" sagot ko sakaniya.

"Ahh..." He took something in his pocket "Eto oh" sabay abot sa akin ni Jackson nung kwintas na may pendant na asul paru-paro.

"Blue? sayang dapat yellow" I demand. Pabiro kong sinabi iyon pero biglang sumeryoso mukha niya.

"Nahirapan kaya akong hanapin yan" Sabay tingin niya sa malayo. "Napansin kong malungkot ka kanina eh Blue butterfly signifies as Joy... and also beauty"

I laughed. Hindi dahil sa sinabi niya, dahil may alam pala siya tungkol sa mga paru-paro.

"Pano mo naman nalaman?" tanong ko sa kaniya "Mahilig ka rin sa paru-paro"

"Wala lang.." Bigla niya akong tinitigan "Rin? sino yung isa?" Seryoso niyang tanong sa akin.

"Si Peter. Binigyan niya pa nga ako kanina nung libro"

"S...sakanya galing yon?" Gulat na gulat siya nung malaman niyang kay Peter nanggaling yung libro. Actually, napansin ko kanina na nawala sa bag ko yung libro at nakalabas na. Kaya nalaman kong binasa niya.

Habang nakain kami ni Jackson. Biglang nay tumawag sa akin. Hindi ko pinansin yon kaya nawala rin naman agad.

"Teka try mo ito" sabay abot ko nung crickets.

"Ayoko" Aniya habang nandidiri ang mukha.

"Try mo isa lang! masarap kaya!" Sabay abot ko sa kaniya nung cricket. Isusubo ko na sana sakanya yung cricket nang biglang may tumawag nanaman. Kinain na ni Jackson yung cricket. Bakas sa mukha niya yung pandidiri kaya tawa ako ng tawa.

"Ops bawal iluwa!" pigil ko sakaniya nung napansin kong iluluwa niya yung cricket.

"Bakit ayaw mo sagutin yung phone mo?" I didn't answered "Mamaya mahalaga yan!"

"Si Renz lang yan" i said. Nung biglang tumawag nanaman.

"Sagutin mo" I pretend that i didn't heard everything "Isa?"

Aba aba! jowa kita ha? makautos ha?

"Eto na eto na" Inirapan ko siya at sinagot ang phone.

"Hello?" bati ko sa telepono.

"Dwayne, i just want to say sorry" aniya.

"Yun lang? sige ibababa ko na-" Ibababa ko na dapat yung cellphone nang...

"Pupunta si mama sa resort nila Robin" Aniya. Natigil ako, agad akong tumayo at binaba ang cellphone.

"Anong nangyari?" Tanong ni Jackson, nagmadali akong lumabas at agad na nagbayad si Jackson sa may counter kaya nauna akong nakalabas.

"Oy anong nangyari?" Ani Jackson nung makalabas na siya.

"Mauna ka ng umuwi may pupuntahan ako"

"Saan? samahan na kita" He said.

"Malayo iyon, gagastos ka pa para sa gas" I said.

"Gas? bakit saan ka ba pupunta?" he asked.

Nung sinabi ko kung saan ako pupunta pinilit niya ako na samahan niya raw ako. Hanggang sa pumayag na ako. Tahimik kaming dalawa sa biyahe alam ni Jackson kung kelan lang siya magsasalita. Kabisado na niya ugali ko. Hanggang sa makarating na kami sa Resort nila Robin. Dumeretso na kaagad ako sa loob at tinanong kung may nakacheck-in na Katherin Yuan don - my mom.

"Meron pong nakareserve ma'am sa VIP room po, bukas po ata ang dating niya dito" Sabay sarado niya nung check-in list "Magchecheck-in rin po kayo nung boyfriend mo? i recommend room 2-"

"Kami? di kami magjowa! uuwi na yan! ako la..."

"Dalawang kwarto miss Check-in" Singit ni Jackson. "Ilang araw ba?" tanong ni Jackson.

"Huwag na umuwi ka na" pagpumilit ko.

"One-week" Aniya.

"Ha?? Anong one-week ka diyan? Isang araw lang po!" Sabi ko sa kaniya.

"Ahh ma'am ikaw po ba yung pinsan ni Robin?" Sabi nung babae.

"O..opo bakit po?"

"Ahh wala naman po" Kinuha niya yung susi sa may likod niya. "Here's your key ma'am and sir, room 10 and 11" at sabay abot niya nung susi sa amin. Dere-deretso akong pumunta sa designated room ko. Pagod na rin kasi ako at inaantok. Hindi ko na rin nagawang magpaalam kay Jackson. Bagsak ako nung makapasok sa kwarto.

Tomorrow morning. Masarap sa pakiramdam, nawala lahat ng pagod ko.

Damn suot ko parin yung white long-sleeves na pinanloob ko sa gown nung sa event. Wala akong dalang damit. Agad akong lumabas nung kwarto at bumulantang sa harapan ko si Mama....

.
.
.
End of Chapter 17

TiwalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon