Chapter 19 - Favorite

105 11 1
                                    

Kinaumagahan napaisip-isip ako. Sa totoo lang namimiss ko na talaga si mama. Sinasapawan lang talaga ako ng inis sa kaniya. I wanna listen to her pero huli na kasi di ko nahingi yung number niya at nakauwi na siya. Biglang may kumatok sa pinto. Binuksan ko yung pinto at si Jackson pala yung kumakatok.

"Goodmorning" Bati niya, may dala siyang pagkain "Kagabi ka pa hindi kumakain"

Pumasok siya sa loob at nilapag sa may maliit na mesa yung pagkain. Oatmeal saging at fresh milk.

"Salamat" pinaupo niya ako sa upuan at tinabihan niya ako.

"Nagusap kami kagabi ng mama mo"

"What?" tinignan ko siya ng masama. "Kasabwat ka rin niya?"

"You need to give her time Dwayne. To explain her side"

"Explain her side? Malinaw naman ang lahat ahh?" i said. Hindi na siya nagsalit at ngumiti lang siya. Habang nakain ako he was just scrolling through his phone. Nung maubos ko na yung kinakain ko nagulat ako nung bigla siyang tumayo.

"Tara swimming" Nagunat siya ng katawan.

"Ikaw nalang" i said "Baka mangitim ako"

"Mamayang gabi?" he asked.

"Ikaw nalang"

"Tss.. Sayang binayad ko" Sabay labas na niya ng kuwarto.

Wala ako sa trip para makapagswimming. Ewan ko, wala lang siguro ako sa mood na magsaya. Nakakulong lang ako magdamag dito sa kuwarto at minsan pasilip silip sa bintana.

*knock knock*

"Dwayne?" katok ni Jackson. Pagbukas ko ng pinto, lumantad sakin ang nakahubad ng damit na si Jackson at tanging summer shorts lang ang suot. I can't believe this, yung katawan niya pang 20 above? Di ko alam na pwede palang nakagain ng gantong katawan yung mga Teenager. "tara swimming?" Sinara ko yung pinto dahil nakaramdam ako ng pagkaka-uncomfortable.

"I'll wait" aniya.

Meanwhile, nagulat ako kung bakit ko sinuot yung swimming trunks at T-shirt . Akala ko ba ayaw mong magswimming Dwayne? siraulo ka!

*Knock knock*

Binuksan ko yung pinto at kanina pa pala nandun si Jackson.

"Tara na?" He smiled. Inilahad niya sakin yung kamay niya.

"Ayoko ikaw nalang" Pagtanggi ko. Bigla niya ako binigyan ng nagtatakang mukha.

"Ha? eh bakit ka naka swimming trunks" bigla siyang sumilip sa loob "May swimming pool diyan?" biro niya.

"Tss.. Tara na, tara na" tinulak ko siya at isinarado ko na yung pinto.

"Bakit di mo sinuot yung binigay ko?" He said. Alin don yung Swim suit? wadahek? eh ayoko eh.

"A..ayoko"

"Buti naman" Napatingin ako sakaniya "Sobrang bait ng mama mo noh?" Aniya

"Ha?" I said, agad akong naglakad pabalik pero hinila niya ako.

"Wait lang! Sorry na sorry na" Hinawakan niya ako sa may kamay ng mahigpit.

Habang naglalakad kami ni Jackson nakatingin yung iba at yung iba Pasulyap-sulyap lang. Mainit yung kamay niya at malambot. Hindi ko magawang magsalita dahil wala akong masabi omaisip kahit isang topic. Nung makarating na kami sa swimming pool nakaupo lang ako sa side ng pool at nakalublob ako paa. Siya lumublob na.

"Tara na!" Yaya niya sa akin. Bigla siyang nag front-stroke.

Those bicepts and triceps. Natitignan ko lang siya pag hindi siya nakatingin sa akin. Pag natingin siya sa akin napapaiwas ako bigla ng tingin. Nung napansin kong pabalik na siya sa akin. Tumalon ako sa pool at lumangoy papunta sa kabilang side. Nakita ko na nagulat siya kaya napatawa ako. Lumangoy ulit siya papunta sa side ko pero hindi na ako umalis at umakyat lang ako at umupo ulit sa side nung pool.

"loko" Aniya.

Tumabi siya sa akin, still i can't look at him. Nakatingin lang ako sa mga taong naglalakad at nalangoy sa ibang pool. Maraming pool kasi ang nandito. Isang island bars ata yun tapos isang may wave machine, meron din yung normal pool na may kiddie pool sa tabi.

"Okay ka lang?" Napatingin ako sa kaniya pero saglit lang.

"Ha? A-ako oo naman! bakit?"

"Di ka kasi makatingin saken eh" He said at bigla siyang tumawa.

"Ako? Di makatingin?" Tumingin ako sa kaniya pero hindi ko magawang hindi umiwas. Hinawakan niya yung baba ko at hiniharap sa kaniya. Still di parin ako nakatingin.

"See? Tumingin ka sakin" Di ko mapigilang magblush. Damn stop it! Ngumiti rin siya bigla at binitawan yung baba ko.

"Maganda ba yung katawan ko?" Napatingin nanaman ako sakaniya. This time nakakatingin na ako kasi di siya nakatingin. Ngayon ko lang nakitaan si Jackson ng kagwapuhan. Damn that sharp jaw line matangos rin ang ilong niya pag tinignan dito sa gilid. I wonder nagkagirlfriend na kaya ito?

Bigla siyang tumingin sa akin at napaiwas din ako ng tingin. Bigla siyang tumawa ng malakas.

"Masyadong palang manipis yung nabili kong T-shirt" Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya. Kaya napatingin din ako sa T-shirt ko.

P*tang*na kaya pala kanina pa ako pinagmamasdan nung mga lalaki sa pool. Nakabakat na pala yung bra ko.

"Tara na?" Yaya niya na bumalik nalang.

"Hindi okay lang yan" saka ako bumaba sa pool para ilublob yung katawan ko. Bumaba rin siya sa pool at nakasandal lang kami sa gilid ng pool.

"How sweet of these two" Ani ng isang pamilyar na boses. Napatingin ako pataas at nakita kong nakatayo si mama at nakaswimsuit pa.

"Akala ko umalis ka na?" I asked pero may pagkamagalang.

"Would you mind if i join you?" Aniya.

Mom still looks young even she's in an old age na. Sexy si mama i think sakanya ata ako nagmana. Kurbadong-kurbado ang katawan niya kaya siguro suki sa mga lalaki.

"Aghh i miss this so much" She looked up and smiled. "Dati dito tayo natambay buong pamilya every summer"

"Kung di ka lang sana umalis" I said. Pinipigilan ko yung sarili ko na magsalita para bigyan siya ng pagkakataon na makapagsalita.

"Alam mo ba Jackson? si Dwayne ang pinakapaborito kong anak?" She said.

"Talaga ta? Bakit po?"

Nanlaki ang mga mata ko at napatingin ako kay Jackson.

Anong ta? Tita? Hala makaTita to ha?

"Kasi siya lang yung naging kamukha ko" She laughed.

"Nagsisisi ngako eh kung bakit kita naging kamukha" Sarkastiko kong sabi. Hinawakan ako ni Jackson pero di ko pinansin. Instead inirapan ko lang ang kawalan.

"I'm so sorry" she apologize, pagtingin ko sa kaniya nangingilid na pala ang luha niya. Hindi pa siya naglulublob sa pool ng mukha kaya pansin na pansin ko. "I hate your dad so much"

"Dad? bakit anong ginawa ni dad? ilang taon ko siyang isinumpa tapos sasabihin mo you hate my dad?" I said. Umakyat kaagad ako ng pool at naglakad papuntang sa kuwarto.

"Dwayne" Sabay hila ni Jackson nung kamay ko "Magbanlaw ka na"

i nod

"May pasok pa tayo bukas" Aniya.

.
.
.
End of Chapter 19

TiwalaWhere stories live. Discover now