Chapter 10 - Stop

109 10 0
                                    

Sabado nanaman. Madaming pinaiwan na assignments. May practice kami ng pangeant ngayon. Nagiiscroll lang ako sa facebook minsan instagram para magpalipas ng oras. Nakita ko yung bagong upload ni Renz sa Facebook. He's with his family, ang gandang tignan ng picture nila. Makikita mong walang problema sa kanila.

"Dwayne" tawag sa akin ng isang lalaki.

Tinignan ko kung sino ang tumawag sa akin at nagulat ako ng makita ko si Peter.

"Peter! Goodmorning" Bati ko, hindi ko alam kung bakit pero that aura. Iba yung dating niya ngayon kesa sa school o kaya sa minimart.

Kitang kita kung gaano kagwapo si Peter. I dont know pero masyado lang ata akong malandi.

"Ang aga mo atang dumating ngayon?" Tanong sa akin ni peter. Tumabi siya sa akin kaya napausod ako.

"Ahh pinapasok ako ng maaga ni ate Tess" Sagot ko sa mga tanong niya.

"Ahh ganon ba? Nagalmusal ka na? Tara kain muna maaga pa naman eh" Yaya sa akin ni Peter.

"Wag na! Baka hanapin ako ni ate Tess" Pagtanggi ko sa alok niya.

Sa totoo lang okay lang. Kasi nakausap ko na si ate Tess. Ayoko sumama kasi siya nanaman yung gagastos, mababawasan nanaman yung para sa pamilya niya.

"Sige ako nalang bibili ano ba gusto mo?" Tanong niya.

"Sus! Wag na nga tabi mo na yang pera mo para sa pamilya mo!"

Di niya ako pinansin at umalis na kaagad para bumili ng pagkain. Biglang dumating si Jackson. Nagulat ako kaya napatingin kaagad ako sa relo ko.

11:30am? ang bilis naman hindi ko manlang namalayan?

Kasama ni Jackson yung Girlfriend niya. 2nd practice namin ngayon, at ngayon niya lang isinama yang girlfriend niya. Nakita kong nagbubulungan yung mga babae. Di ko marinig dahil malayo sila. Sa tingin ko sila Jackson ang pinagbubulungan nila. Tss mga chismosa!

Ibinaling ko ang tingin ko sa kanila at humarap ako sa cellphone ko. Nang hindi ko namalayang scroll lang pala ako ng scroll at wala sa sarili.

Kapag tumitingin ako sakanila saktong nakatingin sa akin si Jackson hindi ko alam. Naiirita ako, ewan ko. Ang swerte ng girlfriend niya! Sana ganyan din magiging asawa ko in the future.

"Americano and eight pieces of California Maki" Sabay ngiti sa mukha kong sabi ni Peter

"Sabi ko huwag na ah? Kung sa kapatid mo nalang ipinambili yan! Ang mahal pa niyan oh!" Di ko kinuha yung inabot niya.

"Loko bente pesos lang yang kape tapos itong maki 99 pesos lang" sabay tawa neto.

"Raulo! 144 pesos din yan! Makakabili ka na ng Sampung brief ng kapatid mo diyan!" sabay pabiro kong irap.

Nilapag niya yung kape at maki sa may tabi ko.

"Sige na! Kainin mo ha? punta lang ako ron" Sabay nguso niya kung saan nakapwesto ang mga lalaki.

Mabango yung dinala niyang pagkain kaya naakit talaga ako nang sobra. Napansin kong kanina pang may nakatingin sa akin kaya napatingin ako sa gawi nila Jackson. Hindi siya nakatingin sa akin at nagpaalam sa girlfriend niyang iihi lang siya. Nagulat ako ng nakatingin pala sa akin yung babae. Biglang siyang tumayo at akmang lalapit sa akin. Napaiwas ako ng tingin at kunwaring nagiiscroll ng Newsfeed.

"Dwayne right?" maamo niyang sabi sa akin. Shocks? She knows my name?

Oh god nanggaling na nga pala ako sa Dorm nila.

Tumango lang ako dahil walang ibang tanong na pumapasok sa utak ko sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.

"Im Hailie" sabay lahad niya ng kamay sa akin.

"Nice to meet you!" abot ko sa kamay niya.

"Kanina pa kasi kitang nakikitang natingin sa amin ni Jackson. I wanna ask if..." Bigla siyang hinila ni Jackson papalayo.

Damn that aura. Tumatayo nanaman balahibo ko sa tuwing lumalapit siya. Ewan ko pero parang may something na nagtitrigger sa katawan ko na kakabahan ako bigla pag lumapit siya.

Nakatusok nanaman ang mga kilay ni Jackson at kumunot ang noo. Galit siyang nakipag usap kay Hailie at si Hailie naman ay tawa lang ng tawa. I dont know? pero ang sweet nila.

Lumapit ulit sa akin si Peter at umupo sa tabi ko. He's saying nothing. Umupo lang siya as in at nagsecellphone.

"Lumalamig na!" Aniya.

Napatingin ako sa binigay niyang kape at maki.

"Sayang nagmadali akong bumalik dito para pag dating sayo mainit paren" Aniya.

"Eto na eto na kakainin na po!"

Kinuha ko yung binigay niyang pagkain at kape, kinagatan yung maki. Napansin kong habang nagsasalita siya kanina ay hindi siya natingin sa akin at sa cellphone lang.

"Busy?" Tanong ko.

"Nagiiscroll lang maam"

Tumingin ako sa cellphone niya at nagiiscroll lang siya through FB. Until i saw a picture with a familiar face.

That's mom. If im not wrong that's mom!

Inagaw ko sakanya yung cellphone at nagulat ako dahil nagrefresh yung Facebook niya. Tinry kong hanapin yung post pero wala.

Tulala kong binalik sa kaniya ang cellphone at tuluyang nawala sa sarili.

.
.
.
End of Chapter 10

TiwalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon