Chapter 25 - Edi akin ka na?

92 12 3
                                    

Author's Note
Sorry di ako nakapagupdate ng maaga kakatapos lang kasi ng exam namin. Promise tatry kong magupdate ng mabilis gaya ng dati. Salamat sa mga bumasa!
---

As usual inihatid nanaman ako ni Jackson hanggang school, kanina pa siya pangiti-ngiti dito sa sasakyan kaya ako nawewirdohan.

"Problema mo?" pagsusungit ko sa kaniya. Napatingin siya sa akin bigla.

"A-ako? Bakit?" ani Jackson. Mas lumaki lalo ang ngiti niya.

"Kanina ka pa pangiti-ngiti diyan eh!" sabay irap ko sakaniya.

"Ano kase.." Sabay tawa niya ng malakas "Ambango nung binigay kong pabango"

Pinark ni Jackson yung sasakyan at pinatay na ang makina. Inirapan ko siya at pagbaba ko ng sasakyan nahagip ng mata ko si Peter.

"J..Jackson!" sabay abot ko nung bag sa kaniya "Mauna ka na sa room! May kakausapin lang" sabay takbo ko palayo.

"Teka lang!" rinig kong habol niya pero di na niya ako naabutan.

Nakita kong papasok ng Faculty si Peter kaya tinawag ko kaagad, lumingon siya sa akin at nginitian ako

"Dwayne!" Bati niya. Lumapit siya sa akin at sinalubong ako "Kamusta? Okay na kayo?" tanong niya sa akin.

"Ahh oo okay na kami!" Hingal kong sabi.

"Si Jackson?" Tanong niya sa akin at tumingin sa likoran ko "Di mo kasama?"

"Nauna na siya sa room"

"Ahh ganun ba?" Nawala yung ngiti niyang normal, pilit na yung natira.

"Sorry nga pala" Paumanhin ko sa kaniya. Bigla niyang hinawakan yung balikat ko at nginitian niya ako.

"Raulo! Okay lang! Kuya mo naman ako diba?" Sabay kindat niya sa akin "Ayos lang yun! Atleast i made you happy!"

"Ako lang sasaya dito?" Tanong ko sa kaniya.

"Basta makita kitang masaya, masaya narin ako" i felt that sincerity in his words. Damang-dama ko hindi ko alam kung maguguilty ba ako o hindi "Basta pag sinaktan ka ni Jackson ha? Lapitan moko bubugbugin ko" Sabay tawa niya ng malakas.

Pagkatapos namin magusap ni Peter. Nagpaalam nadin ako sa kaniya at nagpasalamat. Sana tunay na kuya ko nalang talaga siya. Ang hirap pag puro babae kami, walang experience na may kuya.

Pagbalik ko sa room, nakasalubong ko si Renz.

"Kuya!" tawag ko kay Renz, di ako sanay.

"Ano ka ba? Renz na ngalang! Di ka paren sanay?" Aniya.

Ngayon ko lang napansin na wala pala kaming Call-sign ni Renz nung naging kami. Tumagal kami ng ganon katagal ng walang call-sign?

Sabay kaming pumasok ni Renz sa room at pagtabi ko kay Jackson ramdam na ramdam ko yung Aura niya. Parang dilim na mangangain ng tao kung sino man ang lumapit dito.

"Okay ka lang?" tanong ko.

"Bakit hindi mo sasagutin si Peter?" nagtaka ako sa tanong niya kaya napatingin nalang ako sa kaniya "O baka kayo na?" sabay tingin niya sakin. Damn these eyes again.

"Wag mo nga akong tignan ng ganyan!" sabay irap ko sakaniya "Kuya ko siya okay? Kuya" sabi ko sa kaniya.

"Kuya? Kapatid niya si Renz? saka ikaw?" Sabay yugyog niya sakin.

"Anong kapatid ka diyan? basta!" irap ko sa kaniya.

"What if ako nalang sagutin mo?" sabay tanong ni Jackson. Napatingin nalang ulit nanaman ako sa kaniya "What?" Aniya.

"Tss wag ka ngang magulo magrereview muna ako."

"Then what about this" tinignan ko siya "If you passed, your mine" Sabay dalawang beses na taas ng kilay niya.

Inirapan ko siya at itinuloy ang pagrereview, Matapos ang ilang klase lumabas ako ng room para dumeretso sa library para magreview sumama si Jackson sa akin.

"Tulungan na kita?" hindi ko siya pinakinggan at patuloy na hinanap yung libro. Nang mahanap ko na ang libro umupo na ako sa mesang inupuan ni Jackson, nakatungo si Jackson sa mesa at natutulog. Hindi ko magawang hindi titigan si Jackson. Seryoso walang nagkakagusto dito? I mean katulad nung nababasa ko sa Wattpad! Yung tipong sikat na sikat sa school kasi ang gwapo. Damn Jackson tao ka ba? Artistang-artista eh.

"Kala ko ba magrereview ka?" biglang salita ni Jackson.

"H..Ha? Ako? O..oo nga!" Pagpapanic ko. "Nagrereview naman ako ah?"

"Ng? Math o Mukha ko?" sabay dilat niya at tumawa ng malakas. Nasitsitan kami nung librarian kaya napairap ako kay Jackson.

Pinipilit ako ng pinipilit ni Jackson na turuan niya ako kaya nabwisit ako.

"Bakit ba gusto mo akong turuan? Ayoko nga sabi!"

"Eh bakit ayaw mong magpaturo?" Tanong ni Jackson at nilapit niya ang mukha niya sa akin "Ayaw mo akong sagutin no?"

Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa pagbabasa. Ramdam kong habang nagrereview ako halatang pinagmamasdan ni Jackson ang mukha ko. Binaliwala ko lang siya at nagpatuloy mag Review.

Kinabukasan, natapos ang exam. Kabadong kabado ako dahil lahat nung nireview ko ay nasagutan ko sa exam.

"Nasaan si Anne?" tanong ko kay Jackson.

"Nakikipagdate kay Clark malamang" Nagpalinga-linga si Jackson sabay tumingin sakin "Baka gusto mo tayo rin magdate?" Inirapan ko si Jackson at siya naman ay nilakasan ang tawa.

Buong gabi akong di nakatulog kakaisip sa Exam ko. Pag bumagsak ako dito di ko na kayang mahabol grades ko.

Kinabukasan, inaannounce na kung anong grades namin sa test. Nakapasa ako sa lahat ng subject na dumaan, naipasa ko rin yung science. Math nalang ang hinihintay ko. Eto na, math na yung ibibigay na result.

Inabot na sa akin ni ser yung Test namin at kinakabahan ako.

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Jackson.

"A? Nakapikit siguro?" Biro ko sakaniya.

"Kinakabahan ka?" tanong niya.

"Hindi! Bakit ako kakabahan? Test lang naman yan noh?" Sarkastiko kong sabi, malamang kakabahan ako! Siraulo ata to eh! sino bang di kakabahan? Edi yung mga bagsakin malamang. Sanay na eh. In short ako!

"90?" basa ni Jackson sa papel ko.

90 over 100? Pagharap ko nung test. Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko.

PASADO!

"Edi akin ka na?" Biglang singit ni Jackson sa kasiyahan ko.

.
.
.
End of Chapter 25

TiwalaWhere stories live. Discover now