Chapter 7 - ano naman kung iniiwasan kita?

117 14 0
                                    

Agad kong hinanap sa stage si Jackson para magsorry sakanya. Nandoon na siya kasama yung babae na kasama niya sa Dorm.

"Dwayne!" Bati ni ate Tess. "Oo nga pala naarrange ulit yung practice niyo. Bukas na ang practice niyo sabado naman bukas"

"Ahh ganon po ba? bakit po namove?" i asked. Namove nanaman lagi nalang akong gumigising ng maaga para dito.

"Ahh kasi napagusapan sa meeting na bawal kayong di umattend sa klase"

"ahh ganon po ba?" i looked back to jackson.

Nakikipagtawanan siya dun sa girlfriend niya. May inabot sakanya yung babae na lunchbox. Nakita ako ni jackson na nakatingin sakanya kaya nagmadali akong umalis.

"Ahh sige po ate Tess mauuna na po ako. Salamat po" hindi ko na narinig ang sagot ni ate Tess at umalis na ako kaagad.

Pagdating ko sa room uupo na dapat ako sa tabi ni Anne pero nakaupo na si Clark.

"Clark palit ulit tayo" i asked. Sumimangot siya.

"Ayoko! Lagi akong natatawag ng teacher diyan!" I looked at my chair. Pero nahagip ng mata ko si Jackson na kakarating palang kaya no choice ako kundi ang umupo duon kung hindi malalaman niyang nakikiusap akong makipagpalit kay Clark.

Umupo ako sa upuan at umupo na rin siya.

Tahimik kaming parehas at walang kumikibo.

"Good morning" Bati sa akin ni Jackson.

"Morning" hindi ako tumingin sakanya dahil hindi ko kaya. "Sorry pala kagabi"

"Its your first time isn't it?" Tanong niya.

First time? alin yung kiss? hala kala ko ba panaginip lahat yon?

"O trip mo lang tunggain yung wine?" Nakita niya yon? Ininom ko kasi yung isang punong baso ng wine.

Hindi ko na siya sinagot basta nakapagsorry na ako.

Magdamag kaming tahimik sa klase at magdamag din kaming hindi nagusap. Hindi ko rin siya sinubukang tignan.

Sabay sabay kaming lumabas ng room nina Renz at Anne para magrecess pero may humila sa kamay ko. It was jackson.

"Can we talk? In a private place?" He asked.

"Bakit hindi nalang dito?" i asked.

"Kasi maririnig nila" Tumingin siya kila Anne at Renz pati na rin sa mga naglalakad na estudyante.

"O eh ano kung marinig?" I said na may mataray na tono sa aking boses.

"Nakakahiya" Umiwas siya ng tingin sa akin.

"Bakit di mo nalang kasi sabihin? Gutom na kami eh" Palusot ko, i tried my best para sungitan siya. I want to make him feel na galit ako sa kanya. Kahit hindi naman talaga.

"Bakit moko iniiwasan?" He stopped, matagal kaming tahimik dahil di ako nakasagot "Bakit hindi ka na dumadaldal sakin tuwing nasa klase"

So kailangan magdaldalan kami tuwing may klase?

"Tara na" yaya ko kila Renz.

Hindi ko masagot yung tanong niya, kasi maski ako di ko alam ang isasagot ko.

"Please answer me" Ani jackson.

"Dwayne!" sabay hila sa kamay ko ni Jackson.

"Dude stop! Kung ayaw niya ayaw-" pigil sakanya ni Renz. Pero tinulak siya ni Jackson

"Wag kang makisali!!" Sigaw ni jackson kaya nagtinginan ang mga estudyante.

"Hayaan mo siya" Sabi ko. "Eh ano naman kung iniiwasan kita? Diba ganyan karen naman dati sa akin? Ganyan pinaparamdam mo sa akin! Diba? Pinaparamdam ko lang lahat nang pinaramdam mo sa akin non na wala kang pake sa akin"

"What do you mean?" Pagaalalang tanong ni Jackson. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkatakot sa isasagot ko.

"Na wala akong pake sayo!" irap ko sakanya sabay alis ko.

Natapos na kaming magrecess at nahalata kong iniiwasan ng dalawa kanina na pagusapan lahat ng nangyari.

Nakabalik na kami sa room at wala si Jackson sa room.

"Bukas practice niyo diba?" tanong sa akin ni Renz. I nod at him saka ako umupo.

Nagrereview ako para sa Quiz mamaya. Hanggang sa dumating si Jackson kasama si Clark. Wala sa mood si Jackson at hindi siya natingin sa akin.

Nagalit ko ata siya ng husto. I didn't mean to. Hindi ko alam na masasabi ko yon.

"Sorry" paghingi ko ng tawad kay Jackson.

"Ok lang" tipid niyang sagot. Hindi nagbago ang facial expression niya at hindi manlang siya tumingin sa akin.

"May quiz mamaya, nakapagreview ka na ba?" Tanong ko sakanya para mabasag yung katahimikan sa aming dalawa.

Hindi siya sumagot.

I dont know kung bakit ngayon. Ako naman ang kumakausap sa kaniya. Ano bang nangyayari sakin? Crazy as hell?

Natapos ang klase na hindi niya ako tinignan kahit isang beses. Sinubukan kong magopen ng topic sakanya pero bumalik siya sa dati na maikli ang sagot sa akin.

.
.
.
End of Chapter 7

TiwalaWhere stories live. Discover now