Chapter 11 - Wings of Jealousy

104 11 0
                                    

Maagang maaga at nasira agad ang araw ko. Nakita ko sa overall rank list ng section namin na pang 15th ako. Hindi nasira ang araw ko dahil pang 15th ako. Its because may 2 subjects akong nafail this grading. Math and Science.

Hindi na ako nakapagreview dahil malapit narin ang pangeant ng school. Isa pa don nang malaman kong kaya pala napapadalas ang absent ni Renz ay dahil may sakit si tito. Babalakin ko sanang dumalaw kaso kailangan magreview. Para sa remedial test, sumasakit ang ulo ko dahil sabay sabay ang gawaing iskwelahan. Project dito project don assignments dito assignments don. Bagsak dito bagsak don. Minsan gusto ko nalang mag give up.

While recess di muna sumabay sa akin si Anne, dahil sa club. Siya lang ang natanggap sa piano club at hindi ako natanggap. Ewan ko pero kung sakali man. Atleast nakabawas ng gawain. Mas free time ko.

Naisipan kong dumaan sa library para magbasa ng libro. Madaming libro dito sa school namin. University kasi kaya almost kumpleto for knowledge. Di ko pwedeng sabihing kompleto pero pwede kong sabihing marami. Napadaan ako sa shelf na puno ng geography. Napansin ko ang isang libro na may butterfly sa gilid. Maganda ang design niya at tipong nakakaalit ng mata. I can say that the cover is very minimalistic. As in.

Kinuha ko iyon at humanap ng table na mauupuan. Ewan ko kung bakit ito ang binabasa ko. Pagbukas ko ng libro sa may bandang gitna. May nahulog na papel.

'Troides Rhadamantus?"

Pangalan nung butterfly. Tinignan ko yung butterfly.

Golden Birdwing?

Yun yung english name niya? Itim ang pakpak neto sa taas at ang bandang ibaba naman ay dilaw. Kaya pala Golden Birdwing ang pangalan neto.

Biglang bumukas yung pinto ng library kaya napatingin ako. Pumasok si Jackson kasama si Hailie. Agad akong nagtakip ng mukha para hindi nila makita. Naghiwalay sila ng gawi. Si Hailie ay papunta sa may Fiction Station. At si Jackson na man ay papunta dito sa may table.

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa nang biglang.

"Ganyan ka pala magbasa?" Nagulat ako nang bigla siyang magsalita.

Agad kong binaba yung libro at mas lalo akong nagulat nung nakaupo na siya. Hindi ko manlang naramdaman na may umupo sa harapan ko.

"Diba dapat nagrereview ka? bakit yan hawak mo? Kaya ka napapagalitan ng prof natin eh" Tinignan ko siya ng masama. Halos makalimutan kong kaklase ko nga pala siya. Stress nako gurl my god.

"Tss pake mo ba?" Inirapan ko lang siya.

Ngayon ako naman ang nagsusungit. Sa tuwing hindi ko siya kakausapin ako naman ang kakausap sa kanya ngayong ako kinakausap niya ayoko namang kausapin siya.

"Oh! Nandito ka rin pala Dwayne?" Bungad ni Hailie. Kunwari nagulat ako na nakita ko siya. I dont know.

'best actress of the year gurl?'

Umupo rin sa harapan ko si Hailie which is kinainis ko. Guys? Sa sobrang daming upuan dito sa library dito pa talaga sa inuupuan ko? Wow?

"Babe. Tapusin ko lang itong story ha?" Maarting pagkakasabi ni Hailie.

My god makakasabunot ako. Babe raw? Iww di ba sila nasasawa diyan? nakakasuka pwe!

Tatayo na sana ako para umalis na dahil hindi ko na sila masikmura pa. Nang biglang...

"O aalis ka na agad?" tanong ni Hailie, nagsecellphone lang si Jackson nung tignan ko.

"Ha? Hindi ahh kukuha lang ako ng libro" Shocks! anong pinagsasabi mo gurl? aalis ka na girl! hindi maghahanap ng libro.

Tumayo na ako at pumunta sa may mathematics shelf. Kunwari akong naghahanap ng libro at naghahanap ng tiyempo para makatakbo pero hindi. Nakatingin sa akin si Hailie. WTF ano bang problema neto? Magbasa ka ng libro diyan gurl! library to! di fashion show! Duh!

Wala akong nagawa kundi kuhain uung tatlong libro which is Algebra, Geometry, at Calculus.

Pumunta ako sa gawi ng librarian at pinatake-home yung libro. May 20 pesos na bayad dito sa library pag take home. Tapos they have the full contact para pag di mo binalik ikaw yung pupuntahan. 1 week lang pwedeng iuwi yung libro which sucks. Bumalik ako sa table at nilapag yung libro.

"Tulungan kita sa pagreview?" rinig kong sabi ni Jackson kay Hailie.

Hindi ko sila pinansin dahil tiyak maiirita lang ako.

"Dwayne" Napatingin ako sa kaniya "Need help?"

Fudge ako pala kinakausap niya. Umiling ako para sabihin na hindi na kailangan. Ilang minuto kaming tahimik sa loob ng library at halos walang tumatatak sa utak ko habang nagbabasa ng libro. Every word na binabasa ko pumapasok sa utak ko pero hindi ko na mahanap ewan ko ba! Pumasok lang ata! Parang ako pumapasok lang para sa baon. Charot.

"Dwayne?" Ani peter, Tumingin siya sa librong kinuha ko kanina na about butterflies "Nasayo pala yan? akala ko may naguwi na!" Sabay tawa niya.

.
.
.
End of Chapter 11

TiwalaWhere stories live. Discover now