Chapter 12 - Dito ka pala nauwi?

99 12 0
                                    

"Dwayne!" tawag sa akin ni Anne. "Pinapasabi kanina ni Ma'am Sherly na bukas daw ng maaga pumunta ka sa Faculty" Nagulat ako nang sinabi ni Anne yon.

"Huh? Bakit daw?"

"Ewan ko nga eh pinapapunta ka" Inayos niya na yung gamit niya at akmang aalis na "Sige uwi nako! Magingat ka rin ha?" Pagpapaalam niya.

Nagpaalam na ako sa kaniya at naiwan ako sa room. Shocks di ko alam kung paano ko aayusin itong gamit ko. Madami masyadong libro. Binitbit ko nalang yung tatlong librong tinake-home ko sa library. Ako na naglock ng pinto at nagpatay ng ilaw ng room namin. Sobrang onti nalang ng students sa hall. Shocks makakauwi naren ako! Magrereview pa! Plus may assignments pa! Di pako college neto ha?

Paglabas ko ng room nakita ko si Jackson na naglalakad. Napaiwas ako ng lakad at napalipat ng lakad.

"Dwayne!" Tawag niya sa akin.

Dahan-dahan akong lumingon at paglingon ko ang lapit na niya sa akin. That aura! Iba aura ni Jackson ngayon. That damn eyes! Hindi siya galit hindi rin masaya. Pero parang may ilaw na nakatutok sa kaniya. Charot wala talagang ilaw. Mabilis tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung kaba ba o ano.

"Uuwi ka na?" Tanong niya sa akin. Tumango ako para sabihing 'oo' damn buksan mo bibig mo dwayne! say something.

"Tara kain?" Tinignan ko lang siya "Saglit lang! Promise!"

" 'Wag na mag rereview pako eh" Palusot ko. Totoo naman eh magrereview pako pag ako bumagsak eto sisihin ko.

"Edi tutulungan kita" Bigla siyang ngumiti. Hindi siya nakatingin sa akin pero kita kong namumula pisngi niya. Nagtaka ako sa ginagawa niya.

"Huwag na makita pa tayo ng jowa mo eh" He looked at me. Di ako nakatingin sa kaniya pero kita kong nakatingin siya sa akin.

"Hindi yan! Tara libre ko naman eh" Hinila niya ako.

Nakatingin lang ako sa kamay niyang nakahawak sakin. Malambot mga kamay niya. Iba feeling pag nakahawak na. Nadadanggi ko man minsan kamay neto sa room pero kahit minsan di ko naramdaman ito. Kay Renz man o kay Peter.

Bigla siyang huminto sa may Mini Mart. Nakita ko sa loob si Peter. Hindi niya pa kami nakikita.

"Dito nalang tayo kumain" Aniya. Hindi ako sumagot at sumunod kay Jackson na pumasok sa loob.

Pagpasok namin sa loob nakita ko si Peter na nakatingin sa amin at bakas sa mukha ang gulat. Busy ang counter dahil madaming bumibili.

Pinaupo ako ni jackson sa may high chair. At siya ang bumili ng pagkain.

Di manlang ako pinapili •-• pag yang nilibre neto di ko gusto. Charot basta libre gusto ko.

Umupo na siya sa tabi ko dala yung Tobleron na chocolate at dalawang Cup Noodles at isang habang Yakult. Damn? Bakit ganto pinagbibili neto?

"Libre to?" Tanong ko.

"Oo naman!" Sabay ngiti niya ng malaki "Ubusin mo ha?"

"Bakit di mo nga pala dala sasakyan mo?" tanong ko.

"Sira yung sasakyan ko pinapaayos pa ni Dad. Eh ikaw? bakit nalate ka lumabas?" Tanong niya sabay tingin sa akin.

That look. Yung tipong pag tinignan ka niya mahihypnotize ka.

"Hindi ko kasi alam kung papaano ko bibitbitin itong mga libro, hindi na rin kasya sa bag ko" Pagpapaliwanag ko. Humigop ako ng sabaw sa cup noodles para tignan kung mawawala yung kaba. Siyempre hindi tumalab.

"Ahh ganon ba? Bakit di ka nagpatulong" Tanong niya.

"Kanino? Sayo? Syempre mamaya maistorbo pa kita" Tapat na sagot ko sakanya. Kulang yon sa totoo lang. Dapat 'Syempre baka maistorbo ko kayo ng girlfriend mo'

"Pwede ka namang humingi ng tulong sa akin kahit kelan." Sabay ngiti neto. Sa noodles siya nakatingin hindi sa akin. "Wala ka paring Boy... Friend?"

Halos mabilaukan ako sa tanong niya. Tumayo siya agad at kumuha ng tubig. Binayaran na niya ito sa counter at nakita kong nakasimangot si peter.

Ininom ko yung tubig at kumalma. Damn! what a relief.

"okay lang kahit di mo sagutin" He said.

"No, no. Ano kasi wala pakong tiwala masyado sa lalaki" I answered.

"Bakit naman?" Deretsahang tanong niya sa akin.

"Wala lang"

"Di ka pa nakakamove on?" He asked. Hindi ko siya tinignan kasi TBH di ko alam ang isasagot ko.

"Nako bata pa naman ako pagaaral muna uunahin ko. Puppy love lang yung kay Renz" I said. "Tara na magrereview pako" Inubos ko na yung noodles na libre niya atsaka lumabas.

Hindi niya pa ubos yung sa kaniya. Dinala niya yung toblerone at yung isang haba ng yakult na hindi nabawasan. Inabot niya sa akin yon at kinuha ko. Sayang baka di siya mahilig dito.

"Saan ka sasakay?" Tanong niya.

"Pa santa luna ako, ikaw?"

"Ah parehas pala tayo sabay na tayo" Yaya niya "Hahanap nalang ako ng Taxi" He said.

Damn yayamanin ka talaga ha? Mahal babayarin don! Malayo layo santa luna aba.

"Sige" Sagot ko.

"Ikaw? Sabay ka na!"

"Ha? di na! magjejeep nalang ako" I smiled.

Binaba niya yung cellphone niya at ibinulsa. Nang may dumaan na jeep na papuntang Santa Luna agad akong pumara para sumakay. Nagulat ako ng sumakay rin siya.

"Kala ko ba magtataxi ka?" Tanong ko nung makaupo na kami.

"Sasabay nalang ako sayo" Aniya.

Matagal kaming walang imikan sa loob ng jeep. Hanggang sa makababa na kami sa Santa Luna.

"First time ko sumakay ng Jeep" He said.

Damn? Halata naman! Kung pagmasdan niya yung jeep kanina parang ngayon lang nakita eh.

Naglakad kami ng mahaba. Still Jackson is following me around. Ihahatid ata ako hanggang sa Dorm. Hanggang sa makarating na kami sa Dorm.

"Sige na dito na ako! Salamat sa paghatid" Pasasalamat ko. Nagulat ako nung pumasok ako sa loob ay pumasok rin siya.

Hanggang sa pagakyat eh sinundan niya ako.

"Dito ka pala nauwi?" Sabay turo niya sa pinto ng dorm namin.

"O sigi umuwi ka na ren at pagabi na!"

"Dito ako nauwi" Sabay turo niya sa katabing pintuan nung Dorm namin.

.
.
.
End of Chapter Twelve

TiwalaWhere stories live. Discover now