Chapter 13 - Inlove

101 10 0
                                    

Pagpasok ko sa loob agad akong lumapit kay ate at nagkwento. Ikinwento ko sakaniya lahat ng nangyari sa amin ni Jackson. Pati narin nung nalaman kong siya yung bagong lipat sa kabila.

"Ano naman?" Tanong ni ate Kylie.

"Anong ano naman?" Balik kong tanong sa kaniya.

"Ano naman kung diyan siya nakatira? Ikaw may ari nitong dorm?" Sabay irap ni ate Kylie. Inirapan ko lang siya at pumasok na ako sa kuwarto.

Hindi ako makapagreview. Kahit anong pilit kong review ay hindi ko magawa. Damn? Siya pala yung natugtog ng piano kada umaga? Andaming pumapasok sa isipan ko. Pero yung nirereview hindi manlang pumasok pasok sa isipan ko.

Kinabukasan kakagising ko lang. Hindi ko naririnig yung piano. Ewan ko pero wala ngayon. Gising na si ate at nanonood ng TV.

"Aga natin magising ah?" Aniya.

Nang biglang may kumatok. Nagkatinginan kami ni ate. 'Jackson' Ang pagkakaintindi ko sa buka ng bibig niya.

"Baka nagpadeliver ka nanaman online? Buksan mo!" Utos ko sa ate ko.

"Aba bahala ka diyan. Asang may magdeliver ng ganto kaaga" Sabay lipat ng tingin niya sa TV.

I knew it already si Jackson to. Nagpapanic ako. Wala akong nagawa kundi ako ang magbubukas ng pintuan. Pag bukas ko ng pintuan.

"Goodmorning!" Ngiting bungad ni Jackson sa mukha ko. Holy Sheep! Nakabihis na siya! 5:25 palang ng umaga!

"A..Aga natin ah?" Ani kylie "Pasok ka!" Gulat ako nang ginawa ni ate yon. Hindi ko maintindihan kung bakit pero naiinis talaga ako.

"Hindi okay la.." Bigla akong tinulak ni ate paalis sa pinto at hinila papasok si Jackson.

"Crush mo?" Bulong ni ate "Aken nalang"

Nanlaki mga mata ko sa pinagsasabi niya.

"Pano yung girlfriend mo?" Napatingin sa akin si Jackson nung tinanong ni ate yon.

Bumulong si Jackson kay ate at biglang tumawa si ate, Si Jackson naman ay pangiti ngiti lang.

"Nagalmusal ka na ba?" Tanong ni ate kay Jackson "Hoy yung jowa mo, Este si Jackson asikasuhin mo" Inirapan ko lang siya at padabog kong sinara yung pintuan ng kwarto.

Ano itong nangyayari?

Close agad sila ni ate?

Anong kalokohan ito?

Maiistress ako sa kanila!

Kung ano anong pumasok sa isip ko. Lalo na nung marinig ko silang tumatawa ng malakas. Nang maihanda ko na ang mga damit na sosootin ko, lumabas na ako ng kwarto at nagulat ako nung nakain sa lamesa si Jackson. Nagtatawanan silang dalawa. Nagdala nako ng damit para di nako lalabas ng nakatapis lang. Naligo na ako at binilisan ko lang. Rinig na rinig sa loob tawanan nila kaya di ko magawang magtagal dahil baka kung ano masabi ng ate ko.

Pagkatapos kong magayos ng sarili. Derederetso akong lumabas ng Dorm na parang wala akong kasama sa Dorm.

Irap lang ang tanging nagawa ko non.

"Sabay na tayo!" aya ni Jackson.

"Maglalakad ako sasabay ka?" Tanong ko, magjejeep talaga ako kunwari lang na maglalakad ako.

"Nandiyan yung kotse ni dad pinahiram sakin"

"Tara na malalate na tayo"

Agad kaming bumaba at sumakay sa sasakyan niya.

"Bakit nagdodorm ka pa?" Tanong ko sa kaniya. Medyo may dating yung tanong. Pinapatamaan ko na bakit dun pa lumipat.

"Malayo bahay namin, this one is the nearest one" He smiled, Sabay tingin niya sa akin "Di ko ren ineexpect na don ka pala nagiistay"

"Pano yung dorm niyo ng girlfriend mo? Ang ganda naman dun ah? mas maliit ngalang"

"Ah yon? Di akin yon sakaniya yon nakikihati lang" He looked at me "Tadhana nga ata na malapit ako sayo eh"

I blushed. I dont know pero hindi ko mapigilan.

"Tss landi. May girlfriend na humaharot pa" I said. Nginitian niya lang ako.

Nung makarating na kami sa school napansin ko yung sasakyan na itim. Bumaba si Anne galing sa loob non. Nakangiti siya at pulang pula ang mukha, sumunod na bumaba si Clark mula doon sa driver's seats. Napabuka nalang ang bibig ko.

Damn? That girl looks innocent pero grabi kung lumandi ha? Ako nga mukhang b*ld star pero walang mabingwit bingwit.

"Nung sabado naging sila" nagulat ako nang sinabi sa akin ni Jackson iyon.

I was shocked kasi di manlang ako nasabihan? Ako itong bestfriend niya ha?

Bumaba kami at pinuntahan silang dalawa. Instead na ako yung magulat si Anne ang nagulat.

"Kayo na?" Turo sa amin ni Anne. Nagulat rin si Clark.

"Ha? Kami?" Pagpanic ko.

"Oo bakit?" Ani Jackson.

"Wtf? Hindi ahh? Sinungaling ka!" Sabay siko ko kay Jackson.

.
.
.
End of Chapter Thirteen

TiwalaWhere stories live. Discover now