Chapter 15 - Mom?

107 10 0
                                    

"Dwayne Princess papasok ka ba?" Gising sa akin ng ate ko. "Alas sais na ng umaga oh! Naghihintay si Jackson sayo!" Napabangon ako nang wala sa oras. WTF anong ginagawa niyan dito? Araw-araw yan?

"Bakit wala ka kagabi?" tanong ko sa kaniya.

"Nakalimutan kong magpaalam naalala ko nanjan lang naman dorm ni Jackson pede ka naman kumatok" Palusot niya sa tanong ko. Palabas na sana siya pero pinigilan ko.

"O bakit wala ka nga kagabi?" Ulit kong tanong sa kaniya.

"Maligo ka na malalate ka!" Aniya.

She's hiding something. Gusto ko siyang bukingin.

"Nakipagdate ka nanaman?" Tanong ko sa kaniya. She smiled. "Pwede namang sabihin saken nahiya pa eh" Sabay irap ko.

"Dalian mo at nakakahiya kay Jackson. Magdamag naghintay sakin kagabi sa labas. Wala pa 'tong tulog." Nung marinig kong sinabi ni ate iyon. Agad akong lumabas at sinilip si Jackson. Nakahiga siya sa may Sofa.

"Eh? Hala ikaw may kasalanan! Umalis alis ka kagabi eh! Edi sana di nagkaganyan yan!" Sisi ko sakanya. Totoo naman eh! aba sus ginoo maria, nakipagdate di manlang nagtake-out.

Pagkatapos kong magayos at kumain. Agad ko nang ginising si Jackson dahil malalate na kami. Habang nasa sasakyan kami inabot sa akin ni Jackson yung Saging at Gatorade.

"Ano to?" Tanong ko sa kaniya.

"Pampaalis ng hangover" He doesn't look and smile. That aura again, hindi siya kagaya nung umuwi kami kagabi.

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kaniya pero hindi siya sumagot "Dapat di ka muna pumasok" I suggested.

Deretso ang tingin niya sa kalsada at hindi natingin sa akin. Mulat ang mata niya at hindi bakas sa mukha na inaantok.

Umabot ang ilang araw na ganon ang aura ni Jackson na badtrip i think? Ganto pala tumagal hangover nito. Habang nagpapractice kami for pangeant dun ako nakahanap ng chance para tanungin talaga siya.

"Jackson" He looked at me with those spiky eyebrows and mad scary eyes "May problema ba? Mag tatatlong-araw ka nang ganyan"

Tinignan niya lang ako na parang walang alam.

"Simula nung hinatid moko pauwi lagi ka ng badtrip. May problema ba?" Bigla niya akong hinila at dinala sa labas kung saan walang makakarinig.

"You really wanna know?" He asked.

"Oo, bakit? may nasabi bako sayo nung nalasing ako? say it! everything! wala akong matandaan" Yun lang kasi ang naisip kong dahilan kung bakit siya nabadtrip. Simula kasi nung kinaumagahan non badtrip na siya.

"You said you love Renz" Aniya. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya hindi rin siya natingin sa akin , kung hindi sa malayo "Tumawag ka sakin hindi kay Renz, i hate to hear that actually"

Wala akong masabi sa mga sinasabi niya. Ang alam ko si Renz talaga ang tinawagan ko. Natatandaan ko yon hanggang don. Pero di ko matandaan na kay Jackson ako tumawag.

"It's hard to be an introvert, Ya know. Hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas para makausap ka. Everytime na kakausapin mo ko o kahit tignan mo lang ako eh parang kakainin mo ako" He said. "Everynight i want to text you, but im pretty scared. Im scared of people i guess? It's hard to socialize" He's biting his lips. Kitang-kita ko sa kanya na kinakabahan siya dahil sa bilis ng paghinga niya.

"I-im sorry" Hinila ko yung kamay niya para humarap sa akin. Oo humarap siya pero sa baba nakatingin. "Jack-"

"Nandiyan lang pala kayo! Tawag kayo ni ate Tess" Sabay kaming napalingon kay Peter nung pinutol niya yung sasabihin ko. Sumabay kami ni Jackson kay Peter na bumalik sa loob. Until i saw something in Peter's phone.

"Pahiram nga ako" Sabay kuha ko sa phone niya. I looked at the photo uploaded by Renz.

'Best mom ever'

This can't be. Si mama ito kung di ako nagkakamali. Sinave ko yung photo at sinend sa phone ko through airdrop.

"What's wrong?" Tanong ni Peter.

"Wala wala" Sabay abot ko kay Peter nung phone niya.

Habang nagpapractice hindi ko magawang ngumiti. Tulala ako sa backstage at halos ilang beses ako tawagin bago bumalik sa malay. Halos ilang beses na akong pagalitan dahil bukas na ang pangeant.

"Ya okay?" Tanong ni Jackson. "You can open up, im free" Sabay abot ni Jackson nung tubig.

"Private matter" Iwas ko sa tanong niya.

Im sure that was my mom. Alam na ba ito ni ate? sila ni papa? Sinubukan kong tawagan si Renz at nakailang tawag na ako at walang sumasagot.

"Anong nangyari?" Tanong ni Jackson.

"Bakit ba?" Tanong ko "Pwede ba? Mamaya ka na manggulo!" Inis kong sabi kay Jackson.

"Nagaalala lang ak-" Aniya.

"Wala akong pake!" Sigaw ko sa kaniya. I overload. Jackson Smiled, a fake one. And he walked away.

.
.
.
End of chapter 15

TiwalaWhere stories live. Discover now