Chapter 22 - Hindi?

101 9 0
                                    

Nalaman kong naospital si Renz dahil bigla nalang daw siyang nahimatay. Agad-agad akong umalis ng school at pinilit ako ni Peter na ihatid ako hanggang ospital. Buti nalang at maaga pa, bukas pa ang gate ng school.

Kabadong-kabado ako hanggang sa makarating kami sa hospital. Sobrang payat ni Renz, makikitang makikita mo ang pagod sa kanyang mukha. Naiwan sa labas ng kwarto si Peter at pumasok ako sa loob at lumapit kay Renz.

Habang natutulog siya, pinagmamasdan ako ang mukha niya. Pagod, gutom, at hinihingal si Renz. Gusto ko nalang maiyak sa nakikita ko.

"Im sorry" biglang nagsalita si Renz, naiyak na ako ng tuluyan nung bigla siyang nagsalita. "Bakit ka naiyak?" ngumiti siya pero pilit.

"Sorry din" paghingi ko ng tawad sa kaniya. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa.

Nabalik sa mga ala-ala ko kung papaano kami naging magkalapit ni Renz. Naging kapatid, kaklase, boyfriend at naging prince ko siya. Ang sakit lang.

"Ako dapat ang nagso-sorry" aniya.

"Pinapatawad na naman kita" pinunasan ko ang mga luha kong nagpapalabo sa mata ko.

"Nagpanggap akong maging boyfriend mo para bantayan ka" nakatingin siya sa akin, may awa sa kanyang mga mata "Ayokong sabihin na kapatid kita kasi natatakot ako"

"Natatakot?"

"Natatakot akong itaboy mo ako dahil anak ako sa iba ng mama mo" nangingilid na ang luha niya.

"Bakit ka naman matatakot? Kung sila ate nga hindi ka tinaboy eh bakit kita itataboy?" Tanong ko sa kaniya.

"Your dad will" Sabay iwas niya ng tingin "Nagpanggap si mama na kabilang siya sa sumabog na barko para samahan ako"

"S-samahan ka?" Naguguluhan ako. So kami magaadjust?

"I know, naging selfish ako. Kaya sana mapatawad mo ako"

Hindi ko alam kung ano bang dapat na reaksyon ko. Magalit o Maawa?

"My dad dies at si mama nalang ang naiwan sa akin" Aniya "Ngayon wala na siya. Wala nang naiwan sa akin"

Si mama wala na?

Gusto kong bumagsak nalang bigla.

"Renz, alam mo? Hindi ko alam kung kaaawaan ba kita o kaiinisan" Lumabas ako ng kwarto. Dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko.

Tumakbo ako palabas ng hospital ng naiyak. Gusto kong tumakbo, tumakbo ng tumakbo. Hanggang sa mawalan nako ng lakas para tumakbo.

"Dwayne" hinila ni peter yung kamay ko. Hinawakan niya ako sa dalawang balikat ko at iniharap sa kaniya "Ayos ka lang?"

"Ayos lang ako, naiyak ako kasi ayos lang ako" sabay ngiti kong pilit "Gusto mo mag rides? tara sa Enchanted Kingdom"

"Sorry" hinakap niya ako.

Damn! These hugs, kapag may problema ako siya lagi ang humaharap sa akin. Itong yakap niya? Parang miracle hugs, yung tipong kapag hinakap ka mararamdaman mong okay lang ang lahat.

"Dwayne?" Ani ate Kylie. Bumitaw si Peter sa akin at inabutan ako ng panyo. "Ayos ka lang?"

"Ayos nga lang! Naiyak ako kase ayos lang ako"

"Gusto mo iinom natin?" yaya ni peter na kaagad kong sinagot.

"Tara! libre mo? dalian niyo" sabay hila ko kay ate.

Dumeretso kami sa MiniMart ulit. Kung saan kami nag-inom ni Peter dati. Walang nagsasalita sa aming tatlo, maski ako.

"Mom died" Biglang buhos nanaman ng luha ko "Tama ka nga Peter, Hindi manlang ako nakapagsorry sakanya, napakatanga ko"

"Dwayne. Naaawa ako sakanya! Nawalan siya ng Tatay at Nanay!"

"Nawalan din tayo ng nanay! Una tayong nawalan ng nanay! Ano siya nagpapakasarap ng isang dekada tapos tayo nagdudusa kasi wala tayong ina?" halos madurog ko yung hawak kong lata sa inis kay Renz.

"Dwayne, kabit lang si papa kaya wala tayong magagawa" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya "Sila Renz ang unang pamilya ni mama"

Nadurog ang puso ko sa sinabi ni ate. Gusto kong bumalik sa hospital para magsorry sakanya.

"Sorry, napakatanga ko" tumingin ako kay ate "Ate anong gagawin ko?"

"Magsorry ka sakaniya" Aniya.

"Si Jackson" Singit ni Peter na nakatingin sa labas.

Galit na galit ang mga mata ni Jackson. Yung kinakatakutan ng lahat. Lumabas ako at sinundan si Jackson.

Huminto siya nung na aninag niyang sinundan ko siya.

"Nagalala ako kasi absent ka" ani Jackson "Naalala ko siya yung huli mong kasama, kinabahan ako kasi baka kung ano na yung nangyari. Okay ka naman pala" sabay talikod niya.

"Jackson wait"

"Sinagot mo na ba? Ambilis ahh?"

Pinagsasabi niya? Hindi ko siya maintindihan.

"Walang kami! Hindi niya nga ako nililigawan eh"

"Pag niligawan ka niya sasagutin mo?" tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin yung tanong niya.

Kapatid ang turing ko kay Peter. He's more on older brother than being my boyfriend.

"Hindi" sagot ko sakaniya.

"Hindi?" Tanong ni Peter, napalingon ako sa likod ko at naandon pala sila ni ate kylie

"Peter? Kasi ano.."

"Hindi okay lang! Naintindihan ko naman" pilit na ngumiti si Peter at pumasok pabalik sa loob nung MiniMart.

Ano ba itong mga nangyayari. Bakit nagsabay-sabay pa?

"Tara na ate" sabay hila ko sa kaniya.

"Saan tayo pupunta?" tanong ni ate.

"Sa ospital" Hinila ako bigla ni Jackson kaya ako nagulat.

"Hospital? Bakit?" Tinignan ko lang siya at hindi ko sinagot "Hatid ko na kayo"

.
.
.
End of Chapter 22

TiwalaWhere stories live. Discover now