Chapter 47

27 2 0
                                    

Happy 1k  reading char! hahahha after 123456789 years. Akalain mong naging 1k na yung nagbasa 😂😂 lol!. Thank you so much readers hehehe.
At dahil diyan.... update!!!
Happy reading everyone 😊
———

Argh!. Qouta na ako ngayon sa mga nakaraang pilit na nagsisibalik sa alaala ko. After all this year na tahimik ang buhay ko bakit gumugulo na naman ulit?? Ano bang kailangan niya at nagbalik siya? Bakit kailangan pa niyang magpakita? Para saan? Para ano? What a good morning to me.

Hindi ko na tiningnan pa kong kanino galing ang bulaklak. Itinabi ko lang ito at nagsimula ng magtrabaho. I'm in the middle of reading the financial report when the person whoever it is interupt me. Kumatok siya bago buksan ang pinto.

Tumambad sakin ang mukha ng taong nanggugulo sa tahimik kong buhay ngayon. He was wearing a corporate attire. Formal na formal ang dating ganun pa man makikita parin ang kanyang kagwapohan kahit mababakas ang kaseryusohan sa mukha nito. Noon pa man gwapo na siya sa kahit anong isuot niya mas sanay lang akong naka plain white shirt, ripped jeans at rubber shoes ang kanyang sinusuot. Simple pero pag siya na ang nagsusuot nagkakaroon ng dating at mas lalong lumalabas ang kanyang dating.

He's tall. Mas lalo pa ata siyang tumaas sa paningin ko. Ganun din ang kanyang katawan. Tila laging laman ng gym ang isang tulad niya. Well defined simula panga hanggang katawan. Nakakapanglaway at makalaglag panty kong sino man ang makakakita sakanya.

Agad niyang natagpuan ang paningin ko ng tuloyan na siyang makapasok. His intense stare na pilit kong nilalabanan.  Ayaw kong isipin niya na naaapektuhan parin ako sa mga tingin niya. Dumako ang tingin niya sa bulaklak na basta ko nalang inilagay sa aking gilid. Saglit siyang tumitig dun bago ibinalik ulit ang tingin sakin.

"Are you done?." Matigas niyang tanong.

Napakunot nuo naman ako sakanya. Mababakas ang pagtataka sakanyang tanong. Magsasalita na sana ako ng unahan niya ako.

"I guess you don't read the note." May diin na bigkas sa "don't"  na salita. Sabay tingin sa bulaklak sa gilid ko. Saglit kong sinundan ang kanyang tinitingnan bago ibalik muli sakanya ang tingin.

"Oh? Sayo pala galing yan?". Sarcastic kong sinabi. Alam ko naman na sakanya galing ang bulaklak dahil ilan lang silang may alam na paborito kong bulaklak. Nakakapagtaka lang na binigyan niya ako ngayon pagkatapos ng mainit naming paguusap noong nakaraan.

"I'll give you a minute to prepare." Walang sabi sabing tumalikod at agad ng umalis.

"Bastos na yun ah! Hindi man lang tinanong kong gusto ko ba o hindi? Basta nalang umalis." I murmured to myself.

Wala rin ako nagawa kong hindi mag-ayos at sumunod sakanya. Hindi ko maintindihan kong bakit gumagalaw ang katawan ko para sundan siya. Don't get me wrong. Hindi ako takot dun. Gutom narin ako kaya kailangan ko narin kumain. What an excuse. Napapaismid nalang ako sa pakikipagusap ko saking sarili.

Natagpuan ko siyang prenteng nakaupo sa couch dito sa lobby. Walang pakialam sa paligid habang nakapikit, nakasandal ang likod sa couch, nakabukaka ang magkabilang hita at nakacrossed arm pa. Kong titingnan akala mo isang goddes na bumaba sa lupa. Hindi alintana ang mga matang nakamasid sakanya. Kahit saang lugar pinagtitinginan parin siya. Noon at ngayon walang pinagkaiba maliban nalang ang mas lalong dumami ata ang humahanga sa angking kagwapohan niya.

Tumikhim ako ng tuluyan ng makalapit sakanya. Agad naman siyang nagmulat ng mata at deretso ang tingin sakin. Mga tingin na nakakapanghina. Mas lalong naging intense ang kanyang mga tingin hindi katulad noon. Pasimple kong iniiwas ang tingin sakanya.

"Let's go." Nauna na akong naglakad. Ramdam ko naman ang kanyang pagsunod. Ikinagulat ko ang bigla niyang paghawak sa gilid ng beywang ko. Bigla nalang kumalabog ng sobrang lakas ang puso ko sa simpleng paghawak lang niya. Hindi ito maganda. Pilit kong kinakalma ang sarili. Napaka unfair. Hindi ako mapakali nakikisabay pa ang dibdib kong kumakalaboh pero siya... walang bahid na kaba o kong ano sa mukha niya. Parang isang normal lang na bagay ang kanyang ginawa. Seryusong nakatingin sa unahan habang papalabas na kami ng building.

School Of RockWhere stories live. Discover now