Chapter 4

46 7 0
                                    

Pagkarating ko sa classroom namin ay agad din akong umupo sa pwesto ko. Narinig ko pang nagkikwentohan ang mga classmate ko about sa nakapaskil sa bulletin board.

"Nakita mo na ba?". Tanong ni Myla isa sa mga madaldal sa klase sa kanyang katabi.

"Ang alin ba?". Nagtatakang tanong ng katabi niya.

"Tsk. Yung sa bulletin board ano ka ba? Hindi mo nakita?".

"Ang dami kasing estudyante hindi ako makasingit eh. Ano ba yun?".

"May mga bagong estudyante na magttransfer dito sa school natin at isang grupo sila".

"Talaga? Babae ba o lalaki"

Naagaw ng pansin ko ang taong umupo sa tabi ko at kahit hindi ko siya lingonin alam kong si Liam ito.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya na para bang may gusto siyang gawin pero nahihirapan siya kaya napapabuntong hininga na lamang.

"Paige". Hirap niyang pagbangit ng pangalan ko. Hindi ko siya pinapansin  alam ko masyado ko siyang pinahihirapan pero masisisi niyo ba ako? Kong hindi ko pa narinig ang pag-uusap nila baka malalaman kong aalis siya kapag oras na ng pag-alis niya.

"I'm sorry. Please talk to me. I'll explain everything para maintindihan mo". Hindi ko parin siya pinapansin at hinahayaan lang na magsalita.

"We need to go in States for business matter. My Dad needs me there, gusto niyang doon na ako magpatuloy ng pag-aaral habang tinutulongan din siya sa company namin. Ayaw kong iwan ka pero hindi ko naman pwedeng pabayaan sila. May sakit si Dad".

Dahan dahan akong napalingon na sakanya. Kita ko ang lungkot sakanyang mga mata ng magtama ang mga mata namin. Na-guilty ako masyado na ba akong immature at hindi ko siya hinayaan magpaliwanag muna?

Bigla ko siyang niyakap ng mahigpit at hindi ko napigilan na mapaluha.
"I'm sorry. Ayaw ko lang na iwan mo ko eh. We've been together for so many years kaya ganun nalang ang reaction ko".

Niyakap din naman niya ako ng pabalik.
"Hindi naman ako galit sayo nagtatampo lang ako bakit hindi mo sakin sinabi agad. No more secrets tayo". Napahikbi na ako at napansin niya iyon.

Humiwalay siya ng yakap at pinunasan ang tumakas na luha sa mata ko.

"Sshh. Don't cry. Hindi naman ako tuloyan na aalis. Babalik din naman ako dito pag ok na ang lahat. May social media naman we can talk anytime you want".

Napatango na laman ako. Natigil lang ang pagddrama namin ng bigla nalang magsitilian ang mga classmate namin. Sabay kaming napatingin sa kong ano ang ikinatitili nila. Hindi pala ano kundi sino. Nagtaka naman akong bumaling kay Liam na wala rin alam sa nangyayari.

Naglalakad ang isang lalaki na akala mo model. Nakahawak ito sa suot niyang headphone at walang pakialam sa mga nagtitiliang estudyante.

Hindi ko naiwasan na punain siya simula sa messy hair niya na hindi ata nasayaran ng suklay. His pointed nose, labi na mamula mula, medyo singkit na mata at nakadepinang panga. GWAPO, yan ang masasabi ko.

 GWAPO, yan ang masasabi ko

Ups! Tento obrázek porušuje naše pokyny k obsahu. Před publikováním ho, prosím, buď odstraň, nebo nahraď jiným.
School Of RockKde žijí příběhy. Začni objevovat