Chapter 26

18 5 0
                                    

Naghintay lang siya sa labas ng comport room ng makarating kami. After ko magpalit ay lumabas din ako agad. I saw him leaning in the wall. He's wearing a reap jeans and a white v neck shirt. Kahit anong isuot niya ang lakas parin ng dating. Until now hindi parin ako makapaniwala na boyfriend ko ang isang tulad niya.

I'm aware na marami ang humahanga sakanya. Maraming babae ang nangangarap na mapasakanila siya but sorry for them. Sa akin na siya at hinding hindi ko ibibigay sakanila.

He grinned when he saw me staring at him. Umiwas ako ng tingin sa pagkapahiya. Baka iniisip niyang pinagpapantasyahan ko siya kahit hindi naman. Oh? Hindi nga ba paige? My mind said. Tsk. Kinakausap na ako ng utak ko ngayon. Baliw na ata ako. Sakanya. Lol!

Unti unti siyang lumapit sakin ng hindi inaalis ang tingin. He looked at me from head to toe na ikinaasiwa ko.

"Done?" I nodded.

He slowly snaked his arm in my waist ng tuloyan na siyang nakalapit sakin. "Then, let's go." Iginaya na niya ako sa paglalakad.

Tahimik lang kami sa paglalakad. May mga taong napapatingin samin pag nakakasalubong o nadadaanan namin. Masyadong malakas ang hatak niya sa tao. Sa tindig at gwapo ba naman niya sino ang hindi mapapalingon sa katulad niya. I am proud na ako ang nasa tabi niya at hindi sila.

Malapit na kami sa room na tinutuloyan namin ng mapahinto ako sa paglalakad. Nahinto rin siya at kunot nuo na napatingin sakin. Hindi ko magawang alisin ang tingin sa taong nakatayo malapit sa pintuan ng kwarto.

"Hey. What's wrong?" Vincent asked me. May pag-aalala sa tono nito. Napansin niyang nakatingin lang ako sa unahan at hindi siya sinagot kaya ibinaling niya ang tingin sa tinitingnan ko. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang pag-igting ng kanyang panga at naramdaman ko rin ang paghigpit ng hawak niya sa beywang ko. Hindi ko alam kong bakit naging ganyan ang reaksyon ni Vincent. Wala akong maisip dahil ang isip ko ay nasa taong nakatayo hindi kalayuan samin.

Gaano na nga ba katagal kong hindi nakikita ang taong ito. Simula ng tumawag siya ay hindi na ulit nasundan pa ito. I assume that he's so busy to their company that's why he didn't call me again.

Nung umalis siya at iwan niya ako ay sobra sobrang lungkot at pangungulila ang nararamdaman ko. Bumalik sakin lahat ng mga alaala na kasama siya at ang sakit nang iniwan niya ako. Ngayong nasa harap ko na siya, parang bulkan na sumabog ang nararamdaman ko. Halo-halong emosyon. Pero isa lang ang nasisigurado ko. Namiss ko siya ng sobra...... namis ko ang bestfriend ko.

"L-liam." Nanginginig kong bigkas sa pangalan niya kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mga mata.

Kiming ngumiti siya sakin ng marinig ito. Tumingin ako kay Vincent pero umiwas lang siya ng tingin. Dahan dahan niyang inalis ang pagkakahawak sa beywang ko. Tahimik lang siya na nakatayo at hindi parin tumitingin sakin.

Bumaling ako ng tingin kay Liam at pabalik kay Vincent bago nagsalita. "Ahm....." Hindi ko pa nadudugtogan ang sasabihin ko ng pinutol na niya ito.

"I'll be waiting inside." Hindi niya na hinintay ang sagot ko at mabilis ng pumasok sa loob. Huminto lang siya saglit ng madaanan niya si Liam, tiningnan niya lang ito at pumasok narin.

Silent filled in the atmospher ng kami nalang dalawa ang naiwan. Naglakad siya papunta sakin ng napansin niyang hindi man lang ako lumapit dito. Huminto siya ng nasa tapat na niya ako limang pulgada ang pagitan.

Dahil ang lapit na niya sakin ay nagawa ko ng pagmasdan ang kabuoan niya. Sa mga nakalipas na buwan ang laki na ng ipinagbago nito. Medyo namayat siya. Kong dati matikas ang pangangatawan niya ngayon parang napabayaan na niya ito. Hindi naman siya masyadong payat pero halatang ang laki ng ibinawas ng timbang niya.

Iniangat ko ang tingin sa mukha niya. Lumiit ang pisnge niya pero gwapo parin. Namiss ko ang mukhang ito. Napahikbi na ako ng tuloy tuloy na tumulo ang luha ko. Niyakap naman niya ako ng mahigpit.

"Hush." Pag-aalo niya sakin. "Ganyan mo ba ako kamiss?" Humalakhak siya ng sabihin yun. Halatang pinipigilan ang pag-iyak sa pilit niyang pagtawa. Lumayo ako sakanya at hinampas siya sa braso.

"Panget mo parin pag-umiiyak." He pinched my nose and laugh at me again. "Payakap pa nga. Namiss kita ng sobra eh." Hinila niya ako at niyakap ulit ng sobrang higpit.

"I missed you so much." Bulong ko. He kissed my head. Tumagal kami ng ilang minuto sa ganoong ayos. Nang makalma na ako ay inaya ko siya sa isang place na kami lang para makapag-usap.

Napadpad kami sa isang parang garden sa gilid ng staduim. Umupo kami sa bench at kapwa natahimik ulit. Pinagmamasdan ko lang siya habang siya nililibot ang tingin sa paligid.

"I saw you kanina. Ang galing mo." He tilted his head to face me. Ngumiti siya ng malapad. Umayos ng upo at humarap sakin ng tuloyan.

Ganun din ang ginawa ko kaya magkaharap na kami ngayon. Pinagmamasdan ang bawat isa.

"Mas lalo kang gumanda ah." Namula ako sa sinabi niya. Nang mapansin ito ay humalakhak siya at ginulo ang buhok ko.

"Tsk. Seriously? Yan sasabihin mo sakin pagkatapos ng hindi natin pagkikita? Marami kang ikikwento. Kulang ang oras na ito. But for now, kailan ka pa umuwi? Sinong kasama mo? Sila Tito at Tita? Kamusta ka na? Anong mga----." Nahinto ako sa tuloy tuloy kong pagsasalita ng tinakpan niya ang bibig ko gamit ang index finger.

"Hep. Easy Paige. Masyado ka ng madaldal ngayon ah. Just like what you say kulang ang oras na ito. So hinay hinay. Marami pa tayong oras." Nakangiti niyang sabi. Napanguso lang ako. Ang nakangiti niyang mukha ay unti unting nagseryoso.

"I'm sorry." Nangingilid na naman ang mga luha ko sa mata. Pinilit kong wag umiyak ulit.

"Sorry? For what?" Tanong ko dito.

"For leaving you. For everything. Hindi na tayo nakapag-usap pa simula ng umalis ako. Hindi ko na naman natupad ang pangako ko sayo." Mataman siyang nakatingin sakin. Kitang kita ko sa mga mata niya ang lungkot at pagsisisi. May galit din akong nakita na hindi ko alam kong para saan o para kanino.

School Of RockWhere stories live. Discover now