Chapter 1

105 10 0
                                    

Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiig!.

"Arrrrgh!. Fucking Alarm". I groaned.

Then suddenly i remembered. I don't have a fucking alarm clock. Where the hell it came from???

Tamad akong bumangon at handa na sanang itapon ang walang tigil na alarm clock na ito ng may pumitik sa noo ko.

"What the hell". Sigaw ko. Pagmulat ko ng mata isang nakasmirk na nilalang ang nakatayo habang nakapameywang sa harap ko.

Tsk. Sarap burahin ng ngisi sa mukha niya. Kong hindi lang siya gwapo.

"Get ready in 5 minutes or else iiwanan kita". Pagkatapos sabihin yun ay agad narin lumabas.

Wala akong nagawa kong hindi ang magmadali dahil once na sinabi niyang iiwanan ako talagang iiwanan niya ako. Wala pa naman maghahatid sakin.

After i took a shower na hindi ko alam kong maayos ba ang pagliligo na ginawa ko ay nagmadali na akong lumabas sa kwarto ko.

Naabotan ko pa siyang kumakain sa dinning area kasama sila mommy at daddy. Psh. Seriously wala bang makain yan sakanila.

"Good morning mom, dad". Ngiti kong bati kela mommy sabay halik sa pisngi nila. Tumabi narin ako ng upo kay Liam at nagsimula narin magbreakfast.

"Kailan ka matututong gumising ng hindi ka na kailangan pang gisingin ni Liam?". Seryosong tanong sakin ni dad habang kumakain.

"Liam is not beside you all the time Paige. Hindi mo kailangan iasa sakanya ang lahat". I frowned then stare at Liam who quietly eating beside me.

"So you're gonna leave me?" Instead of answering dad, si Liam ang binalingan ko.

Hilaw na ngiti lang ang tanging naisagot niya sakin. Binaling ko ang tingin kay daddy at saka sinagot ito.

"Sinanay niya ako dad. It means lagi lang siya na nasa tabi ko. Hindi niya ako iiwan". Confident kong sagot kahit pa sa loob loob ko eh kinakabahan na ako.

Liam Will is my Childhood Bestfriend. But hindi lang childhood bestfriend ang turing ko sakanya. Higit pa dun hindi ko lang alam kong nararamdaman ba niya yun kasi siya parang kapatid lang ang tingin sakin at ang sakit nun.

Magkaibigan ang parents namin at dahil lagi kami isinasama ng mga magulang namin naging magkaibigan narin kami. Wala rin kaming mga kapatid kaya siguro naging mas malapit pa kami sa isa't isa.

Marami ang nagsasabi para kaming kambal tuko na hindi mapaghiwalay. Partner in Crime sa mga kalokohan at halos magkakapareho lang din kami ng mga gusto. We love music that's why sa School of Rock kami nag-aaral.

Siya din ang laging gumigising sakin dahil tamad talaga ako gumising ng maaga at kinasanayan ko na iyon. Labas masok lang siya sa bahay namin at ganun rin ako. We're together for so many years kaya hindi ko maiisip na iiwan niya ako.

May pangako rin kami sa isa't isa kaya alam kong malabong mangyari na iwanan nalang niya ako.

Promises are made to be broken sabi nila pero hindi ako naniniwala. Never as in never na hindi natupad ang mga pangako niya sakin kaya malaki ang tiwala ko na hindi niya sisirain ang pangako niyang yun.

"Promise walang iwanan?". Itinaas ko ang hinliliit kong daliri para makipag-pinky promise sakanya. Nakangiti naman niyang itinaas din ang sakanya.

"Promise".

School Of RockTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang